Fourteen

422 40 14
                                    

JESSICA

Lumipat ako ng kuwarto. Tutal apat naman ang silid dito, pumayag si tita. Nag-dahilan lang ako na sira ang bintana ng kuwarto ko, natatakot ako kapag gabi na kasi nag-iingay ito. Ang creepy kunwari.

Pero gusto ko lang talagang lumipat ng kuwarto. Dalawang gabi na kasi ang nakalipas pero nadidinig ko pa rin ang mga boses nila Adolf. Malamang doon nag-stay si Jean sa kanila. Wala namang masama, parehas silang single.

Err.

"'Ta, papasok na po ako!" nagmamadaling paalam ko. Patakbo akong nagtungo sa bike ko. Halos lundagin ko na iyon. Mabilis akong nagpidal palayo sa bahay.

Tuesday na naman kasi. Malamang, sasabay sa akin ang dalawa.

At ayoko nga! Ano ako, gago? Masakit na nga tapos magpapaka-tangengot pa ako?! Hindi ako masokista!

Ngunit nang lumiko ako sa kabilang kalye ay agad na naaninag ko ang bulto ng dalawang pamilyar na tao mula sa malayo.

Napabusangot ako.

Oo, hindi nga sila sasabay sa akin kasi nauna na silang dalawa.

Binagalan ko ang pag-pidal. Mula sa bulsa ng palda ko ay agad na hinugot ko ang earphones kong nakasaksak sa phone ko, isinalpak ko iyon sa magkabilang tenga ko, pinindot ko ang button dito kaya kusa itong tumugtog.

Napangiti nalang ako nang tumugtog ang Smarty ni Lana Del Rey. Nice.

Muli kong binilisan ang pagpidal. Diretso ang tingin ko sa daan. Nang malapit na ako sa kanila ay napalunok ako. Tama nga ako, si Adolf at Jean nga ito.

Mas binilisan ko pa ang pagba-bike. Nang makalagpas ako sa kanila ay nakahinga ako ng maluwag. Pero ramdam ko ang titig nila sa akin. Kahit tawagin nila ako ay hindi ko sila madidinig.

Obviously, nauna akong makarating sa school. Ibinilin ko ang bike ko sa guard.

Pagpasok ko sa classroom ay iilan palang ang kaklase kong naro'n. Si Denise palang ang babae. Nang makita niya ako ay agad siyang ngumiti.

"Hola, Jessica!" bati niya saka agad na tumayo at umakbay sa akin.

"Yow," medyo hinihingal na bati ko pabalik. Ibinato ko ang bag ko sa isang upuan at sabay kaming umupo.

"Bakit parang ang sungit ng mukha mo ngayon?" tanong niya saka inabutan ako ng tissue.

"Thanks," sambit ko saka kumuha ako ng tissue at pinunasan ang pawis ko

"Gusto ko si Adolf," pag-amin ko. Hindi na ako nagulat nang wala siyang reaksyon. "Pero gusto niya talaga ang Jean na iyon. Paano ba makalimot, ha?" gusot ang mukha na tanong ko.

"Wow. Move on kaagad?" Natawa siya, "Pero tama 'yan, kesa naman sa mas lalago pa 'yang pagkagusto mo sa kaniya. Mas magandang umiwas ka talaga. Ibigay mo ang atensiyon mo sa ibang bagay, gano'n... wait, sumasayaw ka, 'di ba?"

Tumango ako.

Bahagya siyang lumapit sa tenga ko at bumulong, "Alam mo bang dancer din si Torres? Grabe ang galawan niyan, mai-in love ka talaga. Ang sexy ng hinayupak."

Napangiwi ako, "Hinampas ko siya ng keyboard sa ulo, Denise. Naririnig mo ba 'yang sinasabi mo?"

"At doon na rin siya nagsimulang tumitig sa 'yo 'pag hindi ka nakatingin," aniya sabay ngumuso sa likuran ko.

Nang mapatingin ako sa likuran ko ay nakita kong nakatingin nga si Torres sa akin. Hindi siya nag-iwas ng tingin kaya ako na ang naunang nagbawi.

"O, 'di ba? Masama lang ang ugali niyan ni Torres pero mapagta-tiyagaan naman kasi... guwapo rin naman siya like Adolf. Matangkad din, saka iyon nga, dancer."

[ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇᴅ]  Cold NightsWhere stories live. Discover now