02

2K 91 42
                                    

DREAM WEN

Naandar ngayon ang kotse ni Papa habang sinusundan ang isa pang kotse na nasa harapan namin. Siguro iyon ang kotse nila Wonwoo. Nakaupo ako sa tabi ni Jun habang nasa harap naman sila mama.

"Sure ba talaga kayo?" tanong ko sa kanila at sabay-sabay naman silang tumango.

Putangina niyo.

Ito namang katabi kong si Jun ay nagawa pang itaas-baba ang kilay nya sa sitwasyong ito. Lilipat na ako ng bahay. At ang mas malala ay kasama ko sa iisang bubong si Wonwoo. Paano na ang buhay ko nito!?

"Paano ako aamin kay Daniel!?" naiirita kong tanong.

"Hulihin mo na may kasamang babae tapos ayon. Break na kayo." nakakagagong sabi ni Jun.

"Walang ibang babae 'yon." panigurado kong sagot.

"'Yon ang alam mo" halakhak ni Jun saka nya ibinaling ang tingin sa bintana.

Anong ibig nyang sabihin? 'Di bale lagi namang tubol 'yang si Jun. Actually mas matanda sya sa akin. 'Di ko rin alam kung paano nangyari na mas matured pa ako kaysa sa kanya. Puro landi kasi ang alam.

Yung tawa nya ganto oh, "nyeac nyeac nyeac", oh 'di ba sinong 'di makakaisip na isa syang tamawo?

Nakarating na kami sa bahay na lilipatan ko. Nang makalabas ako ng kotse ay nakita kong naglilipat na ng mga bagahe sila Wonwoo at pinapasok na sa loob ng bahay. Halata sa mukha nyang naiirita sya sa nangyayari. Wow ano pa ako.

Pinasok na rin nila mama at papa ang mga bagahe ko. Nag-apir naman yung mama ko at mama ni Wonwoo pagkatapos. Seriously? Mas close pa sila kesa sa amin.

"Okay dahil nag-agree na kami tungkol sa marriage na 'to, this will be your new house. Get to know each other so that lumaking maayos ang bata. Don't be so spoiled. Kailangan n'yong kumilos para sa anak n'yo. And don't try to escape this marriage because nagkasundo na kami rito. If ever na isa sa inyo ang magpigil ng kasal, maaapektuhan ang bata, pati na rin kayo" paliwanag ng papa ni Wonwoo.

"Good luck guys! 'Wag kayong mag-alala hindi ko naman sasabihin sa kanila na nag-iyutan kayo kasi hindi naman talaga." sabi ni Jun. Binato ko nalang sya ng tsinelas.

"Umalis ka na nga rito!" minimic nya na naman ako kaya binato ko naman sya ng sapatos.

"Are you really sure with this?" confused na tanong ni Wonwoo.

"Yes dear. Don't worry kasi habang nag-aaral kayo, kami muna ang bahala sa lahat ng expenses" paliwanag ni Mama ni Wonwoo.

"Goodbye for now, kilalanin nyo ang bawat isa ha" sabi naman ni Mama saka na sila nagsialisan. Pero bago mahuli ang lahat ay binato ko muna ng heels si Jun kasi nakakairita talaga sya.

Pagkaalis nila ay agad kaming nag-ayos ng mga gamit, medyo malaki ang bahay pero hanggang second floor lang sya. Pumunta ako sa itaas at nakita kong may dalawang kwarto. At may nakalagay na agad na mga gamit sa loob. Bet ko yung Rose quartz na kulay kaya ro'n ko nilagay ang mga kailangan ko. Walang choice si Wonwoo kung hindi pumunta sa Serenity themed na kwarto.

Natapos na kaming mag-ayos ng kwarto at nag-stay nalang sa sala pero wala ni isa sa amin ang nagsalita. Nabored ako kaya nilabas ko nalang ang phone ko at naglaro ng kung anu-anong applications.

Feeling ko 'di kami magkakasundo nitong si Wonwoo. Saka ang sama ng tingin nya sa akin. Parang ang laki ng kasalanan ko sa buhay nya. Kasalanan ko bang tatanga-tanga sya aba qiqil ako nito ha.

"I will not choose you over my girlfriend" out of nowhere ay bigla syang nagsalita.

"Para namang ipagpapalit ko rin ang boyfriend ko para sayo" natatawa kong sabi. Napatingin naman sya sa akin nang seryoso kaya medyo naawkwardan ako.

"So paano na?" parang naging interested sya.

"'Di ko alam? At saka wala naman tayong choice" nagkibit-balikat lang ako at nag-sigh lang sya.

Pero may bumabagabag talaga sa isipan ko. Sino ba si Mr. Kim? Paano kung pangit 'yon e di pangit din yung magiging anak ko? Bakit nagpa-surrogate 'yon?

"Sino si Mr. Kim?" bigla kong tanong.

"He's a 27year old model who died during his photoshoot. Nahulog sya sa building na sinasandalan nya. Gusto ng may sakit sa puso nyang girlfriend na magkaanak sila pero hindi na nya ito mabibigyan kasi una, patay na ang asawa nya, at pangalawa, hindi nya na magagawang manganak kasi mahina ang puso nya. So they decided to get a sperm sample para i-surrogate nalang yung magiging anak nila" paliwanag nya.

Bata pa pala siya. Saka ang tanga naman magpho-photoshoot nalang sa building pa.  Model sya e di gwapo 'tong anak nya.

"Nasaan na ang asawa nya?" curious na tanong ko.

"She died after her husband's sperm sample disappeard. 'Di kinaya ng puso nya" bigla naman akong kinilabutan doon.

Feeling ko ako tuloy ang pumatay sa love story nila.

"Hala" komento ko.

"Tell me about yourself" utos nya. Huwaw ano siya? Bakit niya inuutusan ang buntis na tulad ko?

"Don't act like you're 8 months pregnant, bitch" grabe natawag pa akong bitch.

"Oo na, Jerk" ganti ko.

"Ako si Dream Wen. Kapatid ako ni Jun, mas matanda sya ng ilang buwan lang naman. Kailangan ko ng regular iron sa katawan ko kasi kulang ako no'n. At dahil sa katangahan mo, nabuntis pa ako. Nag-aaral ako sa El Dorado University at doon ko rin nakilala ang basketball player kong boyfriend na si Kang Daniel. Ga-graduate na ako next month. Future Accountant sana ako but you ruined my future, jerk" he just rolled his eyes.

"Ikaw naman" sabi ko.

"I'm Jeon Wonwoo. A medical student of Carat University. At tangina mo nang dahil sa kalandian mo muntikan na akong makick out kahit totoo naman na may nag-utos sa akin na i-inject 'yon sa'yo. By the way I'm Jun's highschool classmate at saka teammate kami ngayon sa group na Seventeen. I'm super loyal with my girlfriend, Happee and we're going to celebrate our first anniversary this Monday." sabi naman nya.

SShare mo lang? Wala naman akong paki sa buhay nung Jun na 'yon. Tagapahid lang 'yon ng kulangot nya sa ilalim ng kama ko. Akala nya kasi 'di ko nakikita pero kitang-kita ng dalawang mata ko 'yon.

"Let's have some rules here." suggestion nya.

"Maglinis nalang kapag may nakitang kalat. Parules-rules pang nalalaman"

"Shut up. No visitors allowed lalo na kapag mag-iinuman lang naman tapos mga lalaki pa. Walang uuwi ng 12 nang madaling araw. I-lock agad ang pinto kapag 12:01 na. Walang makakaalam ng relasyon na 'to. And please stay healthy because you need it for your baby" sabi nya.

Para namang may pakialam sya sa baby na 'to.

"Got it?" sabi nya kaya tumango nalang ako.

"Good. So from now on, we don't have a choice but to raise that child. 'Wag mo 'yang ipapalaglag dahil upset ka sa magiging kahihinatnan nito. That child deserves a loving mother and a caring father. Let's do this for the sake of Mr. Kim's Wife."

Bakit ba 'to nage-english?





edited.

Daddy WonuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon