03

1.8K 90 126
                                    


DREAM WEN

Monday kaya napagdesisyunan namin na sabay nalang pumasok sa school tutal magkatabi lang naman ang university na pinapasukan namin.

Nagkasundo na kami ni Wonwoo para sa bata. Wala nang iba kung hindi para sa bata lang. Kahit ang sama ng loob ko dahil para lang akong tinubuan ng bata at hindi ko manlang natikman yung sarap na sinasabi nila, gagawin ko parin 'to para sa bata.

Lunch time na pero hindi pa rin nagpapakita si Daniel. Naisipan ko nalang na bisitahin sya sa basketball court kasi baka nadoon lang sya. Pero nagulat ako sa nakita ko. Si Daehwi kasi, parang timang na sumasayaw ng kanta ng Twice sa gitna.

Pero mas nakakagulat na wala si Daniel dito kasama sila. Baka busy lang talaga sya. Baka absent? Hindi sya nagtext sa akin ah.

Ngayon ko pa naman sana sasabihin na kailangan namin ng space sa isa't isa. Saka ko nalang sya babalikan kapag tapos na 'tong pinasok kong gulo.

At sa wakas, lumabas na rin sya sa lungga nya at kasama nya si ano.

Sino 'tong babaeng ito?


Nagulat si Daniel nang makita ako pero mas nagulat ako nang makitang nakahawak sya sa waist ng babae at hinalikan sya nito. Halata namang sineseduce nung babae si Daniel pero never kong ginagyan ang babe ko! Sino ba siya!?

"D-dream" tawag nya sa akin pero tumalikod nalang ako saka sya nilayuan. 'Di ko kinaya, ang landi nila.

Nakarating na ako sa labas ng gate pero naririnig ko pa rin syang patuloy na tinatawag ang pangalan ko. Hindi ko sya magawang harapin kasi ayaw kong magmukhang mahina sa harap niya.

May humila ng braso ko papaharap sa kaniya pero piniglas ko. Hindi ko ito mapiglas kaya humarap ako saka sya sinampal nang napakalakas. Pero hindi pala si Daniel ang nasampal ko. Si Wonwoo.

"Ouch" napahawak ito sa pisngi nya na sobra na ang pula.

"S-sorry" nahihiya kong sabi saka yumuko. Ayaw ko ring makita akong umiiyak ng ibang tao, lalo na sa hindi ko close.

"Bakit ka ba triggered d'yan? Saka-- bakit ka umiiyak?" bigla syang napatigil at tinignan lang ako.

'Di kalaunan ay naabutan na ako ni Daniel at agad nya akong hinawakan sa kamay. "Matagal ko nang gustong sabihin 'to sayo kaso hindi ako makatyempo. Sorry Dream, kami na ni Happee"

Sinong Happee? Mumurahing toothpaste na pala ang type nya. Sana naman pala sinabi nya kasi branded ako, char.

"Ha-happee?" Sabat nitong si Wonwoo.

"Oo pre." Feeling close na sabi ni Daniel na may pa hawak-hawak pa sa balikat ni Wonwoo.

Sumunod naman si Ghorl na kanina pa nakangisi. Pero nang marealize nyang nandito si Wonwoo ay biglang nalang nawala ang mga ngiti nya.

"Siya ba 'yon?" gulat na tanong ni Wonwoo.

"O-oo. Sorry Wonu" nakayuko ito at nagulat ako nang bigla nalang sinuntok ni Wonwoo ang poste na nasa tabi ko. Putangina muntik na ako ro'n ah!

At dahil sa biglaang pag-amin nila, nakaisip ako ng madaling paraan para makaiwas sa issue. Hindi nila pwedeng malaman na arranged na kami ni Wonwoo kasi ayaw ko namang masira ang kinabukasan nya nang dahil sa akin. Mabuti na't sabihin ko 'to para makalaya sya sa heartbreak mula kay Happee.

"Akala ko naman mahihirapan pa akong umamin sa'yo" panimula ko. Nakuha ko naman ang attention nilang apat.

"Daniel, hindi na kita mahal. Matagal na. May natitipuhan na akong ibang lalaki at kaibigan sya ni Jun. Sorry." kahit masakit ay nagawa kong magsabi ng ganoon kay Daniel.

Daddy WonuWhere stories live. Discover now