35

1.4K 70 26
                                    

DREAM WEN

Hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nagkakasundo ni Wonwoo kasi people change.

'Di ko sya sinusunod sa mga patakaran nya dito sa bahay kasi wala na syang karapatang utusan ako. Kaya ko na ang sarili ko ano.

Pero pinapakain nya pa rin ako ng pagkain kaya hindi ako nakakatakas sa ampalaya. Okay lang favorite ko na naman yung bitter na gulay na 'yon.

Dahil sa kanya.

"Sana pagbalik ko mamaya babalik na rin yung dating Dream" seryoso nyang sabi sa akin bago sya umalis ng bahay.

'Di lang ako sumusunod na sa kanya nagbago na agad? 'Di ba pwedeng nagtatampo lang talaga ako at gusto kong lambingin nya ako kasi ganun yung ginagawa nila mama kapag nag-aaway silang mag-asawa?

Ang ambisyosa ko kasi. Tandaan mo fixed marriage lang ang meron kayo.

Pumunta nalang ako ng kusina para magluto ng kakainin ko habang wala sya. Tumingin ako sa ref pero may napansin akong sulat sa lamesa. Memo.

"May pagkain na akong hinanda. Eat well"

Napatingin naman ako sa kalan, may kaldero. Thank you naman at hindi ako magluluto kasi I believe sunog ang maluluto ko.

Umaasa na naman ako na tuloy-tuloy 'tong pag-aalaga niya, yung kahit walang nabuong baby sa amin. Joke, ang ambisyosa mo naman, Dream.

Halos mapatalon ako sa upuan habang kumakain nang biglang may magbukas ng pintuan. Napatayo naman ako at agad na kumuha ng kutsilyo.

"Hi noona, pwede ka ngayon? Gala tayo!" sabi ni Mingyu.

Bakit nandito 'to.

Kung hindi dahil sa kanya siguro hindi ko pa nahihiwalayan si Taeyong hanggang ngayon. E di dapat pala magthank you ako.

"Sige wait" ito nalang thanks ko sa kanya.

Sasamahan ko nalang siya kung saan man niya gusto. Nagpalit ako ng damit at saka kami lumabas ng bahay.

Akala ko pa naman gala talaga. Binitbit lang naman pala nya ako kasi may meeting sila sa school kasi wala ang magulang nya para kuhain ang card nyang muntik nang makapasa ang mga grades.

"Pinaasa mo ako" naiinis kong sabi habang inaabot sa kanya ang card nya.

Mataas naman. Highest nya ay 78.

Siguro 'di talaga busy magulang nya. Ayaw nya lang talaga ipakita ang grades nyang panghighest honor.

"Hehe noona naman 'di ka makahintay? Dapat kasi si hyung kukuha ng card ko kaso may pasok sya ngayon. Tutal ikaw naman asawa kaya ikaw na lang." Kinilig naman ako dun sa asawa hihihi. Joke.

"Ginawa mo akong nanay mo? Ano bang trabaho ng mga magulang mo dapat sila nakuha nyang card mong nakakaproud." natitriggered na ako ha.

"Ikalma mo pepe mo, noona. Ito na gagala na talaga tayo" aba dinamay pa ang nananahimik na pussy ko.

"Walang tayo ,bungol" naiinis kong sabi.

"Hindi ako bungol, baka ikaw" aba tatawa-tawa pa 'to.

"Ang hapi mo ah"

"Ikaw, ang sad mo" bigla akong napatingin sa kanya.

"Alam ko" sabi ko saka yumuko.

"Bakit?" kasi yung tropa mo, pinapafall ulit ako.

"Wala." sabi ko nalang.

Tumango nalang sya nang may pag-aalinlangan pero 'di na rin naman nya ako tinanong pa.

"Kamusta naman buhay nyo?" panimula ko.

Nandito na kami sa park. Yung park na malapit sa Alma mater ko. Namiss ko bigla yung binibilhan ko ng siomai. Buhay pa kaya yun?

Ay isang taon pa lang naman akong graduate, siguro buhay pa. Dadaan nalang ako mamaya.

"Okay lang kami. Medyo wierd lang si Dino kapag pinag-uusapan namin kayo ni hyung" hayst Dino.

"Paanong wierd?" tanong ko

"Ayaw nyang makinig. Napasok agad sya sa kwarto. Siguro type ka no'n" pakindat-kindat pa nyang sabi.

"Syempre kasi baby ko sya. Baka naman kasi binabackstab nyo kami kaya sya naalis sa usapan kasi loyal sya saka ayaw nyang madamay" paliwanang ko na nagpapout sa kanya bigla.

"Kayo? Kamusta na kayo ni hyung sa bahay nyo?" pag-oopen nya ng bagong topic.

Ito wala. Wala pa ring kami.

"It's complicated" sabi ko nalang na nagpaover react sa negrong kasama ko.

"Ano yun? Ay oo nga pala yung katrabaho nyang si Grace nakikita ko sila laging magkasama" ako rin naman.

Pero 'di ko nalang pinapansin kasi baka  dahil sa trabaho. Minsan nga pumunta yun sa bahay, nag-usap sila agad about sa surgery.

"Okay lang yun sa'kin"

"Selos ka rin naman deep inside"

"Okay nga lang. May anak naman sya sa akin"

"Hoy gabi na. Magsi-uwi na kayo, ikaw Mingyu ihatid mo na si Dream" nakakagulat naman 'tong boses na 'to.

Timingin ako sa harap nakita ko si Wonwoo na ang sama ng tingin sa amin. Kasunod no'n ay ang pagdating ni Grace. Break time ba nila ngayon?

"KJ mo hyung ha. Nag-uusap kami dito oh" pilosopong sabi ni Mingyu.

"Baka gusto mong sabihin ko kela tita yang grades mo. Umuwi na kayo, mapaano pa yung anak namin" sabay lingon sya sa akin.

Nagulat ako bigla at natulala sa sinabi nyang 'namin'. Big word, Wonwoo.

Nauwi sa bahay ang kwentuhan namin ni Mingyu. Okay lang naman syang gabihin dito kasi walking distance lang ata yung dorm na tinutuluyan nila ngayon.







edited.

Daddy WonuWhere stories live. Discover now