39

1.2K 66 9
                                    

DREAM WEN

Nasa loob na kami ng Boutique at pinapapili ako ng susuotin kong damit. Hindi ko kasama ang kahit sino sa tropa ni Wonwoo o pati sya kasi only for girls lang daw 'yon.

Kaming dalawa lang tuloy ni Ms. Kim saka yung mga alalay nya yung nandito. "What if we call some of your friends para matulungan ka? Para naman di ka mahiya sakin."

My plastic friends ba kamo? Joke.

"Saglit lang Ms. Kim ha." sabi ko saka lumabas muna.

Kinuha ko yung phone ko sa bag saka tinawagan ang mga kaibigan ko. Nagrespond naman agad sila na pupunta kasi nalaman nilang may kasama akong mga lalaki. May napagmanahan nga naman ako sa kalandian.

"Anong problema?" nagulat ako kasi narinig ko ang boses ni Wonwoo sa likod ko.

Bakit ba lagi akong nagugulat kapag naririnig ko ang boses nya mula sa likod ko? Malamang kasi ang creepy ng boses nya akala mo ginagapang ka lagi!

"Wala akong bridesmaid na kasama" nakapout na sabi ko. 'Di ko nalang muna pinansin yung pagkacold nya kanina kay Jun.

"Si Grace. Mabait naman 'yon" Grace pa more.

"S-sige basta makakatulong sya hehe" awkward.....

Nagtext naman si Mama sa akin na feel free daw na magdagdag ng bride's maids at mga groom's men na rin.

Si Minghao flower boy, ipapagrind ko sya sa reception. Ay isama ko na si Mingyu para magcomeback ang lihi duo ko.

Gusto ko imbitahin ang NCT. Pwede naman siguro 'di ba? 'Di na naman ata bitter si Taeyong. Sana.

Inuwi na ako ni Jun sa bahay. 'Di ko nakita si Wonwoo kanina pagkatapos nyang irecommend si Grace pero nandoon lang naman 'yon.

"Ingat ka ha" sabi ko. Tumango lang sya. Nakakapagtaka talaga, 'di sya nagsalita sa akin buong byahe. Tatanongin ko nalang si Wonwoo mamaya.

Hindi ako dumeretso sa bahay kung hindi sa kapitbahay muna ako kumatok. Humingi ako ng sample kay Ms. Kim kanina ng Invitation Card na ibibigay sa guests at marapat naman na imbitahin ko sila. Naging parte naman sila ng buhay ko.

"Oh noona, naparito ka?" bungad sa akin ni Winwin. Ipapagrind ko rin 'to sa kasal ko, dalawa sila ni Minghao.

"Sino 'yan--- oh D-dream" nauutal na sabi ni ... Taeyong.

"Hi. Gusto ko sana kayong imbitahing lahat sa.... Wedding..... ko." nahihiya ko sabi saka inabot sa kanila yung invitation card na dala ko

Yumuko muna ako pero ilang sandali pa, wala manlang umabot ng card. Nagtaka naman ako kaya napaangat yung ulo ko. Nakatulala lang sila sa card na dala ko.

"A-ayaw nyong u-umattend? Okay lang. Naiintindihan ko kayo, lalo ka na Taeyong. Sorry talaga sa abala" nahihiya kong sabi saka aakmang aalis pero nagulat ako nang tanggapin na iyon ni Taeyong mismo.

"Sinong nagsabing ayaw namin umattend? Ano ka ba isa 'to sa pinakamagandang mangyayari sa buhay mo. Dapat lang na pumunta kami. Wala na yung sakit na 'yon. Ingat kayo ni Wonwoo ha. Alagaan niyo nang mabuti ang anak niyo. Best wishes." ngumiti nalang ako kahit nasasaktan pa rin ako. Martyr ka, Taeyong.

"Oh sige, aasahan ko kayo." sabi ko saka umalis.

Nang makapasok ako sa bahay halos mapanganak ako sa gulat nang makita ko so Wonwoong chill na chill na nanunuod ng TV.

Hindi manlang ako sinabay umuwi. Nakasando nalang sya ngayon habang nakahigang parang french girl sa sofa. "'Di ko na ikaw hinintay. Ang tagal mong makipag-usap sa kapitbahay" sabi nya saka ako tinarayan.

"Bakit ang cold nyo ni Jun kanina?" biglaan kong tanong pero inirapan nya lang ako.

"'Wag mo nang tanungin, baka mainis ka lang din sa kuya mong instek" sabi nya habang nakatalumbaba.

"Instek din ako" ang korni talaga niya.

"Magbihis ka na. 'Wag mo nalang pansinin yung kanina."

Paano ko naman hindi papansinin 'yon?Kailan pa naging tigre 'tong dalawa eh kahit nag-aasaran na sila eh nakangiti pa nga rin si Jun? Alam kong normal yung pagka-emo ni Wonwoo pero iba siya kapag kasama nya si Jun.

Hindi sa shiniship ko silang dalawa pero iba kapag magkasama silang dalawa sa harap ko, feeling ko ang gaan ng loob nila sa isa't isa.

Kaya paano ko hindi magagawang pansinin 'yon?





edited.

Daddy WonuWhere stories live. Discover now