53

1.1K 65 28
                                    

DREAM WEN

This is the day.

"IRE MA'AM!"

"KERI MO 'YAN GO GO GO!!"

"PUSH, MA'AM! PUSH!"

Kaya ko pa ba?

"KAYA MO 'YAN MA'AM!!"

"SIGE BAHALA KA MAAM KAPAG 'DI MO 'YAN KINAYA, AAGAWIN KO ASAWA MO!"

Ay gago tinakot ako nung nurse.

Sa kalagitnaan ng pag-ire ko ay napatingin ako sa pintuan. Nakita ko si Wonwoo na nakasilip. Magkalapat ang kamay at nakatingin sa akin na nagsasabing 'You can do it, babe'.

Onting tiis nalang, malalabas ko na. Sa pag-ire ko ay nakaramdam ako ng ginhawa. "MAAM! SI BABY BOIII!" Sambit ng bungangerang nurse sa harap ko

"Onting push nalang, ma'am" sabi ng kalmadong nurse.

Kanina pa yang "onti" na 'yan ah.

"UGHHHH!!" Sa huling ire ko binuhos ko na ang lahat.

Nakaramdam ako ng panghihina matapos ng ireng iyon. Bumigat ang mga talukap ng mata ko.

"Ma'am, wait ma'am. You should see your twin first." Kahit nanghihina na ako ay nakita ko pa ang nakangiting mukha ng nurse habang inaabot ang dalawang bata sa akin.

Naiyak naman ako nang maramdaman na nakapatong na sila sa tabi ko, tunay na nanay na ako. Bumibigat ang bawat hininga ko kaya di ko na napigilan. Napapikit na ako nang tuluyan at di ko na namalayan ang mga sunod na nangyari.

Nagising ako sa ingay na nanggagaling sa labas. May riot ata?

"Fuck, I thought you'll leave me," nagulat ako nang may biglang nagsalita sa gilid ko. Nakahawak sya sa kamay ko habang nakayuko.

Si Wonwoo, bakit naiyak sya? Sinong umaway sa asawa ko? "Bakit ka umiiyak?" Tanong ko.

Wait bakit parang gumaan yung tyan ko?--- hala yung mga baby ko!?

Ay oo nga pala nanganak na ako.

"Your heart stopped beating for 5 seconds. Akala ko iiwan mo na ako" niyakap nya ako pero napangiwi ako.

"A-aray. Hehe. Nasaan ang mga baby ko?" tanong ko.

"Nasa nursery sila. Don't worry, wala nang magtatangkang kunin sila kasi genes na natin ang nakabuo sa kanila" nakangiti nyang sabi saka pinisil nang kaunti ang kamay ko.

Wala akong maramdaman kung hindi hapdi. 'Di na talaga ako magbabalak mag normal delivery.

"It's okay hon, promise i'll be nice and gentle sa susunod para 'di na kambal" putangina mo.

"Akala mo madaling manganak?" pananaray ko.

"Babe, eat well. Kinabahan talaga ako kanina. Please alagaan mo ang sarili mo. Gusto ko ng healthy na asawa, ha?" Halatang nag-aalala sya sa akin.

"Opo,"

"Sandali, papatahimikin ko lang yung mga junjun ng mga tao sa labas" tumango nalang ako.

Ilang sandali pa ay bumalik sya pero kasama nya na si Jun, at may dala silang mga bata. Kanino naman 'yang potangenang mga batang yan? Wait mga babies ko ba 'yan?

Napangiti ako nang makita ko yung mukha nila. Kahawig ni Wonwoo si Seven, si Lucky naman kahawig ko.

Binigay sa akin ni Jun yung kahawig ko, si Lucky. Hindi ko mapigilang maiyak nang makita kong nakatitig sya sa akin. "Lucky, 'wag kang tutulad sa mommy mo ah. Dapat hindi sa one night stand mabubuo ang magiging apo ko" pinunasan ko yung luha ko.

Napansin ko naman si Wonwoo na nasa gilid ko. Nakasimangot sya. "Grabe ka. Para namang 'di natin ginusto 'to," nagtatampo nyang sabi.

"Alagaan nyo ang mga pamangkin ko ha. 'Di madaling magkapamilya," bossy na sabi ni Junhui.

"Para namang may experience ka na," natatawang sabi ni Wonwoo sa kanya.

"Bakit ba? Naoobserve ko lang kasi pabata na nang pabata ang mga nagkakaanak ngayon," pagdadrama nya.

Sa bagay tapos magpopost ng may mahabang caption sa epbi, tsk.

"Daaammmnnnn! You're so cute, little boy. I hope you'll find your special someone as opposite as mine" sinamaan ko ng tingin si Wonwoo dahil sa sinabi niya kay Seven.

"I'm just kidding. I wish you'll have your own love story as unique as your parents had," nagbitaw sya ng napakasweet na ngiti sa akin at sinuklian ko naman yun ng isa pang ngiti.

"E di magngitian lang kayo, mga gago," ay bitter si Papi Junjun.

"Alam mo picturan mo nalang kami para 'di ka mukhang third wheel" suggestion ko.

Inirapan nya lang ako pero pinicturan nya rin naman ako with Lucky pati na rin si Wonwoo with Seven, then kinuhaan nya rin kami ng first family picture namin.

Ipapadevelop ko agad 'to tapos gagawa ako ng 10 copies. Sayang lang, wala si Mansae. Ngayong nalabas ko na sila, Handa na akong maging ina. Pipilitin kong maging handa para sa kambal ko, pati na rin sa asawa ko.

Ngayon, magreready na akong maglista ng mga ninong at ninang sa binyag ng newly born babies ko.




edited.

Daddy WonuKde žijí příběhy. Začni objevovat