47

1.3K 66 40
                                    

KIM MINGYU

Nandito kami sa bahay nila Wonwoo hyung at Dream noona para maghanda sa party mamayang hapon.

Oo na, tanggap ko na. Wala nang Meanie.

Gyuhao nalang hihi.

Nagready na kami ng foods saka ng mga music. Tutulungan din namin silang magdecorate ng funeral car, joke.

Hintayin ko matuli si Chan, magdedivorce din 'yan. Joke lang support ko sila kahit masakit.

Nakauwi na rin sila sa bahay sa wakas. Ang saya nilang dalawa, may patawa-tawa pa silang nalalaman at nakaakbay pa si Wonwoo hyung kay noona. E di wow, sana all nalang kami rito sa gilid.

Pero 'di ko masisisi si hyung. Gusto nya lang maging masaya bago pa mahuli ang lahat.

Oo madaldal at gwapo akong tao pero kaya ko namang magtago ng sikreto lalo na kung galing pa sa taong mahal ko, joke.

Napakasaya nila, sana nga hindi na matuloy iyon. Ang sarap nila sa eyes kapag nakangiti sila sa isa't isa. Kapag nakangiti sila ay feeling ko masaya na rin ako. Satisfied ako sa ginawa nila hyung na plano, nang dahil sa kanila lumubog ang Meanie at nagsail ang shiniship ko.

"Hoy bukas pa ang kasal," bitter na sabi ni Jun

Tinulungan namin sila sa mga bitbit nilang pangdecorate at para matapos na rin 'tong kotse. Onting flowers nalang ang kulang.

Tumulong din yung mag-asawa na magdecorate pero may halong kalandian. Dumistansya nalang ako kasi ako yung pinakamalapit sa kanila.

Nagdidikit si noona ng mga ribbons sa kotse habang si Wonwoo naman nasa likod nya, pasimpleng niyayakap yung asawa nya. Patawa-tawa naman 'tong si noona na halatang nakikiliti sa malalim na boses ni hyung na bumubulong sa tenga nya.

Talagang dito pa sa harap ko kayo naglandian!? Nasaan ba si Minghao, maglalandian din kami.

Joke.

Natapos na kami sa pagdedecorate at dumating na rin yung mga kaibigan ni noona. Syempre inentertain nya yun kaya humiwalay muna sya kay Wonwoo saglit.

"Last day mo na 'to sa pagiging bachelor, Wonu. Ayusin mo ang buhay mo, alagaan ang mag-ina mo," rinig kong payo ni Seungcheol hyung kay Wonwoo. Tumango lang si hyung habang nakangiti.

"Subukan mo lang talagang pabayaan si Dream puputulin ko 'yang junjun mo," triggered na sabi ni Jun hyung na may hawak pang itak.

"Oo na Jun. 'Di ko hahayaaang mapahamak ang kapatid mo," nakangisi nyang sabi saka tumingin sa direksyon kung saan nandoon si noona.

"Akala nyo naman may poreber mga tanga ikakasal lang naman mamamatay rin kayo," pagtataray nya.

Dumating din ang mga kapitbahay nila hyung na yung mga NTT ba 'yon? Ano meaning no'n?

Hindi na rin masyadong awkward sila Wonwoo at Taeyong hyung sa isa't isa. Nakakaproud lang, isa ako sa naging daan para malaman nya na tinataksil pala sya ni noona. Ang good ko talaga. Good looking.

At dahil wala na naman akong magagawa bukod sa ako ang pinakagwapo dito, lumapit nalang ako kay Chan na pasimpleng nakuha ng hotdog na may marshmallow sa table. "Hoy" saway ko kaya napatigil sya.

"'Wag ako hyung. 'Wag ako," pag-iling nya.

"Hyung ang astig ano? 'Di natin aakalain na yung pinakamaselan na puso pa 'yung unang ikakasal sa atin. Tapos by accident pa? 'Di ako magnunurse mahirap na baka mapagbintangan pa akong binuntis ko yung pasyente," natatawa nyang sabi.

"Pasalamat tayo kina hyung at binigyan ulit sila ng panibagong pag-asa pagkatapos bawiin si Mansae. 'Yung kambal na nasa loob ni noona, siguradong bunga na talaga sila ng pag-iiyutan," sabi ko naman saka kami nag-apir.

"Natanga talaga ako ro'n," sabi nya saka kumuha nanaman ng hotdog sa table. Muntik na syang mahuli ni Jeonghan hyung.

Sana wala nang sabit sa kasal bukas. Sana okay lang ang lahat pagkatapos ng kasal. Sana hindi na sila magkakahiwalay pa. Sana, sana talaga.





edited.

Daddy WonuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon