45

1.4K 74 39
                                    

DREAM WEN

Nagtaka si Wonwoo kasi nakabihis ako ngayon nang pang-alis. Kakauwi nya lang sa trabaho nya at halatang pagod sya.

'Di ko nalang sya inabalang yayain kasi kailangan nya talagang magpahinga.

3 days nalang bago ang kasal. Napaliwanag na ni Cheol sa kanila yung nangyari at pati na yung kay Mansae.

Bago pa ang kasal ko, kailangan ko munang magconfess kay father. Oo, may natitira pa namang relihiyon sa kaluluwa ko.

"Saan ka pupunta?" pagkalabas nya sa banyo ay bumungad agad sya na wet look. Kakahilamos nya lang.

"Sa Simbahan. Magpapakasal na ako sa iba" sabi ko pero sinamaan nya lang ako ng tingin.

"Magcoconfess ako kay Father. Mahal ko na yata sya" natatawa kong sabi pero mas lalong sumama ang tingin nya with pandidiri.

"Samahan kita?" sabi nya habang nagpupunas ng mukha gamit ang towel.

"Matatagalan ako, magpahinga ka nalang dyan" tanggi ko. Ayaw ko naman syang mapagod dahil sa pagiging banal ko.

"Bakit ka naman matatagalan?"

"Manunuod pa ako sa binyagan. Ang cute ng mga baby doon eh" Seryoso, halatang may mga lahi ang mga baby. Ang gwagwapo pa ng mga tatay.

Minsan nga iniimagine ko na ako yung nanay tapos yung tatay naman si Wonu, hawak namin yung kambal saka nakapila para binyagan yung babies.

Kahit hindi man 'yon ang mangyari, at least maganda ang scenario sa utak ko. At least positive na ako na hindi na kami iiwan ng anak namin.

"Sasama na ako. Agawin mo pa yung mga tatay nila eh" paano nya nalaman na pinagnanasaan ko yung mga tatay?

Infairness ayaw nyang nangaagaw ako ng asawa, nakakakilig naman. Pumayag nalang ako atleast may kasama akong magcomute. "Ayaw mong magkotse?" umiling agad ako.

Nakabihis na sya ng formal. Hindi ba talaga sya pagod? Baka makatulog sya roon?

"Try mo magcomute." suggestion ko.

Gusto ko naman na makakita ng ibang tao kahit sa jeep lang.

"Sige"

Naglakad kami papalabas ng subdivision. Nakatuwa lang kasi sa wakas makakalabas na rin ako ng subdivision nang nagcocomute. Kasama pa yung asawa ko.

Nakapunta naman kami sa Simbahan nang ligtas. Nakapagconfess rin ako kaya pure ako bago ang kasal. Pinagconfess ko rin si Wonwoo. Nanuod kami ng binyagan sandali kasi napansin kong papakipit na si Wonwoo kaya napagdesisyunan ko nang pauwiin sya.

"Hindi okay lang sasamahan kita dito" angal nya pero umiling nalang ako.

"Pagod ka na. " nagpout sya sa akin.

"Gusto kong samahan ka" pinilit kong itago ang feels ko, nakipagmatigasan sa kanya.

"Umuwi ka na. 'Di mo na kaya, papapikit ka na nga kanina eh" sabi ko.

"Acting lang 'yon para mapansin mo ako. Grabe titig mo sa sakristan eh" sabi nya.

"Sure ka acting lang yon?" parang hindi naman, kanina ko pa siya napapansin.

"Oo nga" sabi nya.

"Pero kailangan mo na talagang magpahinga. Tara, umuwi na tayo." sabi ko saka hinila sya patayo.

Nagmamatigas pa sya pero tinirikan ko sya ng mata kaya napatayo nalang sya at nagpout.

Di ko alam kung totoo ba lahat ng mga sasabihin nya sa kasal. Ayaw kong magsinungaling sa harap ng simbahan pero ganun na ganon ang mangyayari sa Linggo.

Alam ko yun, alam ko naman na simula pa wala nang kami. Bunga lang to ng katangahan. Ikakasal kami kasi tanga kami.

Habang naglalakad at nagkukwentuhan kami ng kung anu-anong bagay papasok sa subdivision ay may biglang lumabas na salita sa bibig ko na 'di ko talaga inaasahan.

"Wonwoo, mahal mo ba ako?" napatakip agad ako ng bibig sa sinabi kong iyon.

Napatigil sya sa paglalakad kasi napatigil din ako. May halong pagtataka ang tingin nya sa akin at buti nalang talaga at maggagabi na kaya hindi nya mahahalata ang pamumula ng mukha ko.

"Baliw ka ba?" napapikit ako sa sinabi nya.

Napipilitan lang naman sya sa kasal na to, bakit naman nya ako mamahalin? Baliw nga siguro ako.

"Sa tingin mo ipagpipilitan ko na anak ko 'yan kung hindi kita mahal? Sa tingin mo papayag akong pakasalan ka kung hindi kita mahal? Sa tingin mo ba sasamahan kita kahit pagod na ako para lang masirugo na ligtas ka at ang anak natin kung hindi kita mahal?" nashook ako doon kaya hindi ako nakapagsalita.

'Di ko inaasahan na 'yon ang magiging sagot nya. Ang jerk na Wonwoo magmamahala ng isang Bitch na Dream?

"Mas manhid ka pa sa bato. Akala ko naman nagets mo na. Mahal kita. Hindi ko kayang magalit sa Kuya mo kasi Mahal kita. Pinagpilitan kong anak ko yan kasi sure ako na sa akin 'yan at mahal kita. Sinamahan kita ngayon kasi mahal kita. Hindi ko inaasahan na hindi mo pala alam ang unspoken words na pinapadama ko naman sayo."

"Akala ko mararamdaman mo na kaya kita pinagluluto kahit may galit ka sa akin kasi may nararamdaman na ako sayo. Pumayag akong pakasalan ka kasi sa pagsasama natin ng halos isang taon ay nalaman ko kung sino ka talaga. Isa kang dugyot na babae na maraming crush. Wala kang pinagkaiba sa ibang babae pero ramdam ko Dream na magiging mabuti kang ina. Sa pagsunod mo palang sa magulang mo, sa hindi mo pagsaway sa kanila kahit hirap na hirap ka na ay nakaramdam na ako ng kakaiba sayo."

"Mahal kita. 'Di mo pansin but I care for you. And I'm looking forward to be with you forever"

Niyakap nya ako saglit saka tinitigang muli. Gusto kong umiwas ng tingin pero di ko magawa. Feeling ko may magnet na nagkoconnect ng mga mata namin para magkatitigan.

"How about you, do you love me too?"

Lumunok muna ako ng sarili kong laway saka siya sinagot. "A-alam mo Wonwoo, simula nung inalagaan mo ako, crush na kita. Madali akong mafall, sorry. Akala ko jerk ka dati pero nung nahukay ko na ang buong pagkatao mo, nalaman ko na mabuti kang asawa. Kahit project marriage lang 'to kung ituring ko sa sarili. Minahal kita at mamahalin pa kita" nakangiti kong sabi. Napangiti ko naman sya at niyakap ulit ako.

"Akala ko one sided lang 'to. 'Di ko akalain na ang manhid ko pala talaga" natatawa kong sabi.

"May yakapan na nangyayari sa kabilang kanto, sogo na yan!" nanlaki yung mata ko nung biglang may sumigaw sa kabilang kalye.

Kumalas ako sa yakap saka tumingin doon pero wala naman akong nakitang tao.

Lumapit sila sa amin at ayun nga, nakita ko na si Mingyu at Minghao kasi malapit na sila sa amin..

"Di Ko AkAlAiN nA aNg MaNhId Ko PaLa TaLaGa" putangina mo Minghao.

"Do YoU lAbMi 2" paggaya ni Mingyu kay Wonwoo kaya binatukan sya nito.

"Aray hyung, akala mo naman may poreber" sabi nito kaya sinipa ko nalang sya saka naman sila umalis sa harapan namin.

Nagngitian nalang kami ni Wonwoo. "Oh ano malinaw na ah. Hindi scripted ang kasal na magaganap. Buong puso dapat yung sasabihin natin tutal nagkaaminan na naman tayo" sabi nya saka tumuloy na kami sa bahay.

Sa wakas naman, dahil sa aksidenteng salita iyon, napatunayan ko na merong kami simula pa no'ng una.





edited.

Daddy WonuWhere stories live. Discover now