28

1.3K 69 34
                                    

DREAM WEN


Lumabas ako ng bahay mag-isa. Nakahanap na ng matinong trabaho si Taeyong kaya medyo nagkakaluwag-luwag na rin ako sa time.

Medyo naexcite naman ako nang malaman kong nagvibrate yung phone ko. Ilang linggo na rin nang makatanggap ako ng text.

From: Kuya Junjun

Bebe Dream, kita tayo mamaya sa Mall, libre kita.

Ay waw salamat naman at natuto rin syang mamahagi ng blessings. Nagreply ako ng 'sige' kasi pupunta naman talaga ako basta libre.

Sumakay na ako ng jeep papuntang mall pero nanibago ako bigla. Medyo nanakit ang ulo ko na hindi ko maintindihan.

Nakarating ako nang ligtas sa Mall kahit nahihilo na ako. Nakita ko si Jun na nakaupo lang sa bench saka lumapit sya sa akin at inalalayang umupo.

"Baliw ka ba? Sana sinabi mo na may sakit ka. Basta libre talaga eh 'no?" nag-aalala nyang sabi pero binatukan pa rin ako.

"E di sana hinatid mo ko sa bahay" ang sweet ko talagang dongsaeng.

"Galing ako kela mama, ano dadaan pa ako sayo? Buti 'di naputol yang kamay mo. 'Di ba meron no'n sa MRT ? Yung nahilo tapos naputol yung kamay" binatukan ko sya doon kahit tawang-tawa na sya.

Hakdog ka talaga Jun akala mo kung sinong nagaalala eh.

"Joke lang AHAHA----" At ayon ang huli kong narinig bago ako mawalan ng malay.

Nagising ako bigla nang lumakas ang aircon. Ang lamig. Mapabangon ako pero napabalik din sa pagkahiga. Bakit ako nasa hospital?

Nakita ko yung nurse na ginagalaw yung aircon na biglang huminto nang makita akong gumalaw.

"'Wag na 'te, ang lamig" sabi ko. Tinarayan nya lang ako.

"Pasalamat ka gwapo kapatid mo" bulong nya saka umalis ng kwarto.

Sa totoo lang ang sarap mong pahiran ng kulangot. Ang landi mong nurse.

Biglang bumukas yung pinto at nakita ko naman nag-aalalang lumapit sa akin si Jun at nasa likod nya si....... Wonwoo.

Bakit nandito 'yan? Nakapangnurse pa sya--- baka sa hospital na tinatrabahuan nya kami napunta?

"Tangina mo!? Sabi ko sayo 'di ba ililibre naman kita, bakit ka nahimatay? Ang bigat mo! Sayang talaga 'di ka naputulan ng kamay habang nasa jeep ka!" Kung nakasermon naman 'to, parang nahanap na yung thing sa everything niya.

"Ano na namang natira mo at nahimatay ka ha?" tanong nya.

Malay ko ba? Maayos naman ako kanina? Dumating na si Doc with her so happy smile.

"Congratulations Dream, you are three weeks pregnant!" papalakpak-palakpak pa nyang sabi.

"Gagu ka Doc? Negative nga raw ako sabi nung pregnancy test" pagmamayabang ko.

"Siguro fake 'yang nabili mong PT kasi buntis ka miss, sya ba ang ama?" saka nya tinuro si Jun.

Hala kapatid ko 'yan, Doc.

"Hindi po. Sya talaga yung ama" sabay turo ni Jun kay Wonwoo.

Napaiwas ako bigla nang tingin. "Oh, Mr. Jeon bakit 'di mo sinabing magiging daddy ka na pala!?" nabibigla at naeexcite na sabi nya.

"Hindi pwede, sabi ng PT wala raw. Hindi pwede. Hindi talaga pwede. Putangina 'di pwede" bulong ko sa sarili ko habang tinitignan yung tyan ko.

"Oh you better watch out for your girl, Mr. Hindi makapit ang baby sa loob kaya kailangan mo talagang alagaan sya Mr. Jeon" saka nito pinat ang balikat ni Wonwoo at umalis ng kwarto.

"Joke lang yun 'di ba?" naluluha kong sabi.

Si Wonwoo, nakatulala lang. Hindi pa nagsisink in sa kanya ang lahat ng nagaganap. Si Jun naman nakayuko.

"Ipapalaglag ko 'to. Ayaw ko na!" nababaliw na 'ko.

"Gago ka ba?" react ni Jun.

"Sorry." sabi ni Wonwoo saka sya aakmang aalis sa kwarto pero hinila sya pabalik ni Jun.

"Panagutan mo sya. Alam kong ikaw ang ama nyan. Please maging ama ka nang tunay ngayon" madiing sabi ni Jun saka sya yung umalis ng kwarto.

Iniwan muna nya yung papel na binigay nung doctor sa kanya saka ko yun kinuha. Oo nga, buntis talaga ako.

Paano na kami ni Taeyong? Kung kailan natututo na akong kalimutan si Wonwoo ay bigla namang dadating ang baby na 'to?

Nanadya ba siya? Paano ko sasabihin 'to kay Taeyong? Siguradong nadidisappoint ko sya. Siguradong masasaktan ko sya.

"Sorry. Let me explain it to your boyfriend" bigla nyang sabi.

"Tangina mo! Huihuihuihui" iyak ko.

"Tangina mo rin" saka nya pinat ang ulo ko.

Luh close tayo?

Ay oo nga pala walang tayo.





edited.

Daddy Wonuحيث تعيش القصص. اكتشف الآن