61

1K 61 14
                                    

DREAM WEN

Pakadilat ng mata ko ay agad akong nagkapa-kapa sa kama, nag-aasam na may Wonwoo akong mahahawakan. Pero naalala ko, umalis na pala sila ni Lucky. 

Humiga nalang ulit ako. Napansin kong may gumagalaw na kung ano sa crib ng kambal, si Seven pala, umaakyat palabas ng crib. 

Lumapit ako sa kanya saka kinurot ang pisngi "Ikaw talagang bata ka," nanggigigil na sabi ko, tumawa naman sya.

Bumaba kami at saka ko sya tinimplahan ng gatas habang hinahayaang makipaglaro sa mga action figures nya. 

Kumain muna ako ng breakfast at binuksan ang tv para makanuod ng balita. Habang nanunuod ng TV ay napatingin ako sa kalendaryo. 

Birthday ko nga pala ngayon. 

'Di naman ako nagpapahanda palagi. Hintayin ko nalang silang batiin ako sa fbdotcom. Pagkatapos kong kumain ay kinuha ko ang phone ko sa kwarto saka sinamahan si Seven sa paglalaro ng mga bayot nyang super heroes.

Pagkabukas ko ng phone ay nakita kong may message si Wonwoo sa akin.

From: Daddy Wonu
Nakita mo na gift ko sayo? Happy birthday, babe.

Napangiti naman ako nang maalala ko na may gift sya sa akin. Dumeretso ako sa cabinet nya at agad na binuksan ito, may phone sa cabinet nya. 

Ito yung phone na matagal ko nang nirerequest sa kanya kaso sabi nya, magtipid ako. Maganda 'to kasi pangcouple talaga sya-- nasaan 'yong kapares? 

Habang dala-dala ang paper bag na pinalalagyan ng box ng phone pababa ng hagdan ay nakita kong naghahand stand si baby Seven, binilasan ko 'yong pababa ng hagdan kasi ang creepy! Isang taon palang sya, grabe ang impluwensya ni Minghao  kay Seven.

Pinatigil ko sya sa paggaganon at saka pinaglaro ulit ni action figure. "Baby look, may regalo si daddy sa'kin," pagmamayabang ko pero 'di nya ako pinansin. 

Pagkalabas ko ng box sa loob ng paper bag at may nahulog na isang polaroid. Si Wonwoo na may hawak na box na katulad ng akin. Tapos may nakasulat na 'Nasa akin ung isa, matchy-matchy' , anong kabaklaan 'yong 'matchy-matchy?'

Binuksan ko na ang box at ang bumungad sa akin ang phone na rose quartz ang kulay ng casing. Pupusta ako, serenity ang kulay ng sa kanya. 

Pagkaopen ko ay agad na bumungad ang mukha nya sa screen. Pagkabukas ko ng gallery ay marami ring pictures nya. Hindi naman sya mahilig magpicture pero nakakakilig pa rin. Ginaya nya 'yong ginawa ko sa camerang binigay ko. Gising pa kaya 'yon? Matawagan nga. 

Agad nyang sinagot, "Ano? Okay ba yung regalo ko?" tanong nya.

"'Yon na 'yon? Walang effort?"

"Pinageffortan kong bilhin 'yan, gago ang mahal pala n'yan,"

"Walang tulad ng akin? photo album gano'n?"

"Every week, basahin mo 'yong nasa draft memo. Saktong  260 'yong sinulat ko d'yan. Every week ha. 'Wag mong i-advance basahin para 'di mo ako mamiss masyado," 

Inopen ko yung memo, ang daming notes. Feeling ko kalandian 'to. Pero ang sipag naman niya, nagawa nya 'to para sa akin?

"Now, you can read the first then isave mo. para 'di ka malito kung anong week ka na. Kung love mo ako talaga matatapos mo 'yan in five years. Love you, babe," 

"Love you too, matulog ka na start na ng trabaho mo bukas," naalala ko sabi niya kagabi.

"I want to talk to you pa," pabebe nyang sabi.

"Kumusta si Lucky?" pag-oopen up ko ng topic.

"Tulog na sya, nakadagan sya sa akin ngayon, I'll take a photo mamaya," ang kyut siguro no'n. 

"Nadatnan ko  si Seven na naghahand stand kanina, nakakatakot 'tong carbon copy mo," 

"Nilalapit ko kasi masyado kay Minghao" ilalayo ko na baka pagiging friendly ni Minghao, magaya nya. 

"Sorry na HAHAHA,"

"Argh, that laugh. I miss you," nararamdaman kong naiirita sya. 

Ang hirap palang mag-LDR, paano nila nakakayanan ang ganito?

"Miss din naman kita" nalulungkot na ako dito. 

"Sana parehas nalang ang time zone natin 'no?" oo nga.

"Babangon ka palang sa higaan mo, hihiga palang ako," nalungkot ako lalo sa sinabi nya. 

"Matulog ka na, magagalit si Mingyu kung malelate kang magising bukas. Thank you sa pabati. Gagamitin ko 'tong phone na 'to mamaya kapag magvideo call tayo, ha?" pagchicheer up ko. 

"Ok. Good night--- I love you too" narinig ko pang kiniss nya yung phone nya bago nya in-end ang call.

Napangiti nalang ako. Ang hirap, wala pang 24 hours malandi na ba kami masyado para mamiss ko sya nang ganito?





edited.

Daddy WonuWhere stories live. Discover now