08

1.4K 75 30
                                    

DREAM WEN

Monday na at may pasok na naman si Wonwoo sa CU. Inaayos ko ngayon ang mga labahan. Syempre kinakapa ko kasi baka may naiwan na mga pera sa bulsa ni Wonwoo or hindi kaya may something na interesting 'di ba.

Hindi ko inaasahang may kumatok sa bahay. School days kasi saka ang alam ko may pasok sa trabaho ang mga hyung nila ngayon. Ayan tuloy wala akong handang pagkain.

Binuksan ko yung pinto at tama nga ang hinala ko. 95 liners na ang nasa bahay. Sana naman matitino 'tong mga 'to.

"Hi Dream. Ito oh binilihan ka namin ng cake" nakangiting sabi ni Jisoo sa akin. Syempre kinuha ko yun kasi hindi ako pinapakain ni Wonwoo ng cake. Siguro naman puwede ako ngayon.

Ito ang pinakagusto kong batch. Kasi mababait sila. Feeling ko may Tatlo akong kuya. Sana sila nalang yung naging kuya ko kesa kay Jun. Landi no'n eh.

Pinapasok ko sila sa loob. Ito na naman kami, nakaupo sila sa tapat ko na para akong nasa hot seat kasi ang ho-hot nilang lahat.

"Kamusta naman si baby mo?" panimula ni Seungcheol.

"H-ha?" tulig na sabi ko.

Natawa naman sila at medyo nahiya ako ro'n.  "Sige iba nalang. Paano nyo nakayanang itago sa aming lahat yung relasyon nyo?" seryosong sabi ni Jeonghan.

Nakatingin naman silang lahat sa akin na parang may kaso akong kinakaharap. "Ayaw ni Wonwoo na mainvolve kayo sa gulong pinasok namin kaya mas minabuti nalang namin na ilihim 'to." nakayuko kong sabi.

"Anong gulo? It's not. Baby Dream, it's a blessing to us na makilala ang mapapang-asawa ng mate namin. Masaya kami para sa inyo." pagdedepensa ni Jisoo.

Wala, nastatwa ako sa 'Baby' ni Jisoo .

"Nakakatuwa lang kasi hindi namin ineexpect na kapatid pa ng pinakamalandi naming kagrupo ang magpapatibok ng junjun ni Wonwoo" natatawang sabi ni Seungcheol. Siniko naman sya nila Jisoo at Jeonghan.

"And nakakatuwa rin kasi pinili nyang panindigan ang anak nyo over his loyalty to his girlfriend." sabi ni Jisoo.

"Kumain muna tayo. Mamaya-maya darating na rin si Wonwoo kaya kailangang maubos na 'tong cake." sabat ko kasi palalim na nang palalim ang hugot ng love triangle nila.

Nagawa naman naming maubos ang cake pero nanlaki ang mata ko nang makita ko si Wonwoo na nasa pinto, nakatitig lang sa akin habang ninanamnam ang huling cake na sinubo ko.

"Oh mukhang may malalagot mamaya" pangaasar ni Seungcheol sa akin.

"Sabi ko 'di ba bawal ang cake sa'yo?" nakacrossed arms syang lumapit sa akin. Napalunok naman ako ng huli kong cake.

"Minsan lang naman eh" nakayuko kong sabi.

Narinig ko naman syang huminga nang malalim. "Uminom ka ng tubig pagkatapos. Saka yung gatas, uminom ka rin. 'Wag mo nang uulitin yan. Dapat magpaalam ka sa akin bago mo kainin ang mga bagay-bagay" bossy na sabi nya sa akin saka dumeretso sa kwarto nya para magpalit ng damit.

Nakita ko naman silang nakangisi lang sa amin. Dapat kasi kanina pa namin kinain eh. Nabisto pa tuloy ako.

"A caring husband for a reckless wife" sabi ni Jisoo. Babatuhin ko sana sya ng baso kaso naalala ko tinawag nya pala akong 'Baby' kanina.

"Ang sweet naman ni Wonu sayo hihi" sabi ni Jeonghan.

Sweet 'yon? Kulang nalang gawin nya na akong kambing sa puro gulay nyang pagkain. Tapos papagalitan pa ako kapag 'di ko naubos yung ampalaya.

Natapos na rin silang bumisita kaya naiwan na naman ako rito mag-isa sa sala. Pero nag-enjoy naman ako sa pagbisita nila kasi sa wakas hindi sila nag-open ng topic na hindi ako komportable.

Natulog na siguro agad si Wonwoo sa sobrang pagod nya. Siguro naman pwede na akong manuod ng yadong.

"Hey bitch, you better sleep now" nakapout nalang ako nang marinig ko ang boses nya sa taas. Wala nalang akong ginawa kundi sundin sya.

'Di bale, sa laptop nalang ako manunuod. Hihi.







edited.

Daddy WonuDove le storie prendono vita. Scoprilo ora