13

1.3K 73 12
                                    

DREAM WEN

Kakauwi lang nila Minggoy at Haohao at ito naman ako ngayon, nakahiga sa sofa habang kinakausap si Baby Mansae na medyo malaki na talaga.

"Baby Mansae, magbigay ka naman ng sign na love mo si Mommy" pagkausap ko sa tiyan ko habang nakapout.

Wala namang nangyari. Sige baby iyak nalang ako rito sa gilid kasi hindi mo ako love, joke.

Noong mga nakaraang araw ay bigla nalang akong naeexcite sa tuwing nakakarinig ng Mansae. Feeling ko talaga malapit na syang lumabas. Syempre joke lang. Hindi pa talaga ako ready maging ina.

Pero sa tuwing nakikita ko si Wonwoo na kinukonsulta at inaalagaan ako habang pinagbubuntis si Mansae, feeling ko safe ako. Pakiramdam ko ay parang iire lang ako ng tubol sa tuwing pinapaalala nyang uminom ako ng gatas bago matulog. Pakiramdam ko ay hangin lang ang dinadala ko ngayon sa tuwing pinagmamasdan ko sya.

Mansae, naiinlove na ba ako sa Daddy mo?

Paano na si Daniel na sabi ko ay loyal ako forever? May pakialam pa ba sya kapag nalaman nyang buntis ako? Masaya kaya sila ni Happee ngayon?

Nalungkot ako bigla nang mamention si Daniel. Ano ba 'yan. Mahal ko pa ba sya?

Biglang bumaba si Wonwoo mula sa kwarto nya. Kakatapos nya lang maligo at pinupunasan ng towel ang buhok nya. Ang hot nya Mansae 'no? Pwede kaya syang maging daddy mo? Ang hilig ni Mommy sa mukhang fuccboi 'no?

Habang kinakausap ko sya sa isip ko ay nakaramdam ako ng pagsipa mula sa tiyan ko.

"Oh!" sa sobrang gulat ko napatalon pa ako nang bahagya.

Totoo? Sumipa ba si baby?

Agree sya na mukhang fuccboi ang tatay nya? Magkakasundo kami nito ni Mansae pagkalaki niya.

Hindi ko napansin na nakatingin naman nang nakakunot ang noo si Wonwoo sa akin. Napansin nya sigurong ang saya ko .

"Gumalaw si Mansae!" nakangiting sabi ko sa kanya.

"Weh?" curious na sabi nya na parang hindi ako nagsasabi ng totoo.

"Totoo nga!" sabi ko.

Hindi kalaunan ay sunod-sunod na sipa ang pinaramdam sa akin ni Mansae. Nakikita ko na sya sa future na nagb-boy sya.

Sa sobrang saya ko biglang lumapit sa akin si Wonwoo. "Tinanong ko sya kung sinong gusto nyang daddy at sumipa sya nung sinabi ko yung pangalan mo" nakangiti kong sabi.

"Totoo?" hindi pa rin sya naniniwala sa akin. Ano ba, Wonwoo.

Nagbuntong hininga nalang ako saka hinila sya papalapit sa akin. Kinuha ko ang isa nyang kamay saka pinahawak sa tiyan ko. Medyo naawkwardan sya pero para maniwala naman sya sa akin, kailangan maramdaman nya rin na sya ang pinili ni Mansae over Daniel.

"Baby, 'di ba sya ang gusto mong daddy?" tanong ko sa tiyan ko.

Naintense kami nang wala kaming naramdaman na gumalaw. Pero pagkalipas ng ilang segundo, sumagot si baby sa pamamagitan ng pagsipa nya. Nagulat kami roon pero mas nagulat si Wonwoo.

Napangiti naman sya sa pag-agree ni Mansae na maging daddy sya nito. "Oh 'di ba? Gumagalaw na si baby!" natutuwa kong sabi.

Natuwa naman kami lalo nung biglang gumalaw si Mansae na parang sumasayaw ata sa loob ng tiyan ko ng Getting Closer.

Natatawa ako kasi nakakakiliti yung ginagawa nya sa loob pero nagulat ako nang biglang nagsalita si Wonwoo.

"Promise baby Mansae, ako na ang magiging pinakaresponsable at pinakagwapong daddy mo kapag nakalabas ka na" sweet na sabi nito habang nakaharap sa tiyan ko.

Syempre nagngitian kaming dalawa. Hindi ko alam kung matatae ako o kikiligin sa sinabi nya, inako nya ang responsibilidad na 'to kahit na 'di naman dapat. Masaya ako na sinamahan nya ako sa trahedyang ito at hindi nagdalawang isip na alagaan ako kahit na nasasaktan sya. Pinili nyang mapako sa arranged marriage na 'to kesa na tumakas.

Siguro dapat na maging proud si Mansae kay Wonwoo kasi sa totoo lang, siya ang nagsakripisyo nang sobra kaysa sa akin.

Priceless ang ngiti nya. Hindi ito karaniwan tulad ng kapag nanunuod sya ng Wowowin, ito yung ngiti nya nang isigaw ko ang "Jeon Mansae" na napili naming pangalan ng baby, at noong nakanakaw sya ng halik noong naglilihi ako sa boses nya.

Ilang beses ko palang nameet iyon pero parang gusto ko na laging gano'n ang ngiti nya. Siguro dahil sa ngiti nyang iyon, nahulog na ako nang husto.







edited.

Daddy WonuWhere stories live. Discover now