17

1.2K 69 3
                                    

DREAM WEN

Lumipas na ang tatlong buwan at hindi pa rin nagpaparamdam si Wonwoo sa bahay. Siguro nakahanap na sya ng magandang matutuluyan kesa rito.

Gusto ko syang bisitahin pero hindi ko magawa. Feeling ko hindi na ako belong sa kanya.  Feeling ko hindi tama na puntahan ko ang nananahimik na si Wonwoo kung saan man sya ngayon.

Sana masaya sya.

Kasi ako oo.

Nakasama ko si Taeyong at ang iba nya pang mga kaibigan dito sa bahay. Makulit noong una si Taeyong pero noong nagtagal ay nagustuhan ko na rin ang pangungulit nya.

Nakakatuwa lang kasi akala ko forever na akong magluluksa kay Mansae pero ngayon, bumalik na ako sa dati, pinaramdam ni Yongie sa akin na hindi ako nag-iisa. Kaya kong lagpasan ang lahat basta may tiwala ako sa sarili.

Nandito kami ngayon sa library na pinasukan ko bilang Librarian. Kasama ko sya, kasi wala raw syang magawa sa bahay nila. At ngayon, nagbabasa sya ng libro ng abakada. Ang cute nya, nakanguso sya habang iniintindi yung drawing na nandoon.

Nagulat ako nang bigla syang tumingin sa akin. Nakanguso pa rin sya kaya natawa ako bigla. "Bakit ka natawa dyan? Ginagaya ko lang naman yung pato oh" pinakita nya sa akin yung drawing na pato tapos tinapat iyon sa mukha nya. 

"Umuwi ka na nga. Hinahanap ka na roon" utos ko pero lumapit lang sya sa table ko saka pinatong ang mga siko at humarap sa akin.

Sa sobrang lapit ng mukha namin ay konting pitik nalang sa kanya ay magkakahalikan na kami.

"Sagutin mo na kasi ako" nakapout nyang pagmamakaawa sa akin.

Isang buwan na rin nang umamin syang nalove at first sight sya sa akin. Ngayon, nanliligaw na sya sa akin. Pero kailangan pigilan ang feels kasi hindi pa ako nakakamove on. Or ayaw ko lang talaga aminin?

"'Wag muna, Taeyong. Alam mo namang galing ako sa heartbreak diba?" pag-angal ko pero nirolyohan nya lang ako ng mata.

Hindi nya alam na may anak akong hindi talaga sa akin. Sabi ko namatay ang kapatid ko kaya ako naiyak no'n at yung kapatid na tinutukoy ko ay si Mansae. Hindi nya rin alam na yung singsing na ayaw kong tanggalin sa kamay ko ay bigay ng lalaking nakasalubong nya no'ng mga araw na 'yon.

"Ehem." saway sa amin nung manghihiram ng libro na nakapila. Nanigas ako saglit nang marinig yung malalim nyang boses. May naaalala ako sa boses na iyon.

Umurong naman si Taeyong saka pinadaan yung lalaki. Nanlaki ang mata ko nang makita sya. Nakaspecs at sweatshirt sya na sobrang lagpas sa kamay nya ang sleeves.

Ganoon pa rin ang mukha nya. Hindi ko inaakalang makikita ko sya sa library na 'to. Pero ano pa bang aasahan ko? Isang dakilang bookworm kaya si Wonwoo.

"Pahiram ako ng librong 'to---" natigil sya sa pagsasalita nang makita nya ako.

Ilang sandali kaming nagititigan bago biglang umepal si Taeyong. "Ito na po Mr." sabi nito saka binigay yung card ni Wonwoo sa kanya at nilista sa nakacheck yung librong iyon.

"U-uhm thank y-you" nauutal nitong sabi saka umalis sa harap ko. Pero sumulyap pa sya ng ilang sandali bago talaga lumabas ng library.

Natulala ako nang saglit kasi  para akong nakakita ng past. Mukha syang anghel na bumalik sa akin nang sandali. Pero para syang bituin sa lagay naming ito. Bakit 'di ko sya malapitan? Natatakot ba ako?

Ang sama ng tingin ni Taeyong nang humarang sya sa paningin ko. "Type mo?"  seryosong sabi nya.

"H-huh?" nauutal na sabi ko.

" Ako lang ang pwede mong utalan. Kahit yung ex mo pa 'yan, ako lang dapat." bossy na sabi nya.

"Sino ka ba? Hindi pa nga tayo sinasakal mo na agad ako" natatawa kong sabi pero nakatanaw pa rin ako kung saan lumabas si Wonwoo ng pinto.

May part sa akin na gusto ko syang sundan pero meron ding gusto kong makipagsagutan kay Taeyong. Pero ano bang pipiliin ko? Yung nagpapahabol o yung nasa harap ko na?

"Ako ang poreber mo" kumindat sya sa akin saka ngumiti.

Hindi ko alam pero namula ata ako ro'n. Dream, bakit ang hilig mo sa ngiting pangfuccboi?

Pero si Wonwoo, paano na sya? Gusto ko syang makausap. Kahit saglit lang. Iexplain lang nya kung bakit sya ganun kamakasarili.







edited.

Daddy WonuWhere stories live. Discover now