20

1.4K 76 35
                                    

DREAM WEN

Nagreready na ako para pumunta sa dorm nila Seungcheol. Medyo kinakabahan ako kasi nagtext sa akin si Mingyu na pupunta rin daw si Wonwoo. 'Di ko alam kung bakit kinakabahan ako sa tuwing na-eencounter ko ang pangalan na Wonwoo.

Nagpaalam ako kay Taeyong na bantayan muna yung bahay habang wala ako or ipastay muna ang Dreamies sa bahay para may tambayan silang matino.

Nandito ako ngayon sa terminal habang hinihintay si Jun. Sabay kami sabi nya. Lumipat na pala ng dorm ang Sebong kasi lumalaki na sila at hindi na kasya si Dino sa crib.

Nakita ko na si Jun na inarbor ang kotse ni papa."Tara na sistah" ano raw sistar?

Touch mah bodeh~ charot.

Nang makapasok ako, ramdam ko medyo nabawasan ang confidence ni Jun "Ba't ka ganyan?"

"To be honest kapatid, ayaw kong umattend ka sa party kasi nandoon si Wonwoo. Alam ko ayaw mo pa syang makita" seryoso nyang sabi.

Tama naman sya.

"Oo nga pero isa 'to sa pinakamagandang mangyayari sa kaibigan mong si Joshua. Hindi lang naman kay Wonwoo umiikot ang mundo ko. Gusto kong maging memorable ang party ni Joshua kasi pupunta ako" pabiro kong sabi.

Napangiwi nalang sya saka nagdrive. "Siguraduhin mo lang. Kahit bruha ka, may paki pa rin ako sayo"

"Sweet naman ni Kuya Junjun" pang-aasar ko sa kanya.

"Tumahimik ka ineng. Ibaba kita sa may tulay eh" nanlaki mata ko dun.

Iwan nya na ako kahit saan 'wag lang sa tulay. "'Wag!" awat ko nang ihinto nya ang kotse sa tulay. Napapikit nalang ako bigla nang marealize kong nasa gitna kami ng tulay

"Ehehe joke lang nyeac nyeac"

Inandar nya na ulit ang sasakyan.

Nakarating na kami sa bago nilang bahay. Umaasenso ang tropa nila. Siguro nagbebenta na sila ng katawan.

"Hi Noona!!" bungad sa akin ni Hoshi. Bakit nakikinoona 'to?

Nakita ko si Joshua na proud na proud pang pinapakita ang medal nya sa mga kausap nyang tao.

"Uy Dream! Thank you at nakarating ka!" sabi nya nang manotice ako.

"Congrats!" sabi ko nalang saka nakipagdaldalan ulit sya sa kausap nya.

Dumeretso ako sa pagkainan kasi yun ang center ng party, ang kainan. Pagkarating na pagkarating ko ay kumain agad ako. Para kapag sila naman ang kakain ay hindi na ako makipag-agawan 'di ba? Hindi naman ako patay gutom pero mas mabuti nang mauna kesa maubusan.

Lumapit sa akin si Seungcheol. Medyo nakangiwi sya sa akin. Siguro iniisip nya 'putangina ang ganda naman nito sana ako nalang nakabuntis sa kanya'. Putangina joke lang.

"Ang takaw mo doi. Ang daming laman nyan kanina oh" tinuro nya yung vegetable salad. Teka, halos maubos ko na 'yun. Gano'n ko na ba kamiss ang gulay? Or yung nagpapakain sa akin dati ng gulay yung namiss ko?

"S-sorry naman"

Umupo sya sa tabi ko. Ang bango ni Seungcheol. Tapos na akong kumain. "Bakit hindi mo kasabay si Wonwoo?" nabato ako sa kinauupuan ko nang marinig ang tanong nya.

Napansin nya atang hindi ako nakasagot sa tanong nya kaya tinap nya ang balikat ko saka ngumiti. "OmDumadaan talaga sa ganyan ang mag-aasawa. Magkakaayos rin kayo" nawala ang ngiti ko sa sinabi nya.

Daddy WonuWhere stories live. Discover now