67

1.4K 62 0
                                    

DREAM WEN

Tuluyan nang nawala ang galit ni Jun kay Wonwoo, nakauwi na rin kami pabalik sa Korea pero napansin kong medyo balisa si Wonwoo. 

"Yah," tawag ko sa kanya

"Hmm?" painosente nyang sabi kaya pinalinsikan ko sya ng mata

"Ano na naman 'yang nasa isip mo?" naiirita kong sabi

"Wala, may lalaki kasing lumapit sa akin bago tayo bumalik," ay weh?

Lumapit ako sa pwesto nya sa sofa at saka sumandal sa balikad nya, "Type ka?"

"Hindi, ikaw ata type nya," medyo sumeryoso ang mukha ni Wonwoo, napabangon ako bigla. 

"Ay weh?" naging interesado naman ako bigla a sinabi nya. 

"He even punched my face noong malaman nyang asawa kita" ha?

Pinakita nya ang sugat nya sa labi, akala ko galing kay Jun 'yon? "Galing sa kanya 'yan? Bakit 'di mo agad sinabi?" 

"No need. Concerned lang sya sa'yo," I stopped when he said those words.

"Nagkaayos na kami. Actually bago pa dumating yung mga magulang mo sa bahay na 'yon nandoon na ako. Tinanong nya ako kung anong hanap ko, sinabi ko kung kilala ka ba nya, nagpakilala akong asawa mo tapos sinapak nya ako bigla. Gaganti sana ako nang bigla nya akong sinabihan ng "Bakit mo sya sinaktan?" ," huh?

"Nag-usap nalang muna kami, umiyak sya sa harapan ko, nagsisi sya kung bakit ang kupad nya kumilos. That guy, I don't even know his name but he opened up a topic about you. His first love," kilala ko na, childhood friend ko ata itong tinutukoy niya.

Nakakakonsensya, hindi ko kayang ibalik ang pagmamahal niya sa'kin, "Naawa ka sa kanya?" tanong ko. 

"Yeah, but I realized, asawa na pala kita. Hindi ko pwedeng ibigay ka nalang basta-basta," sweet naman.

"Childhood friend ko ata 'yon, manliligaw ko rin noong highschool kaso binusted ko sya. Alam mo bang sya ang isa sa mga pinakacaring na lalaking nakilala ko? Ang tanga-tanga ko para iwan lang sya nang ganun-ganon lang," nalungkot ako biglam

Sana makahanap sya ng iba na mas deserving na kabaliwan nya kaysa sa akin.

"Minsan napapaisip ako kung blessing ang pagkakatrap natin sa patibong ni Doc Salamat o sumpa," natawa nalang sya nang mahina. 

"Pero tignan mo, kung hindi dahil sa kanya, walang mabubuong kambal," sabi ko. Tumango naman sya. 

"At wala nang susunod," gago, ang hirap manganak. 

"Ayaw mo ba sa kanya? 'Yong childhood friend mo?" tanong nya, nag-ayos pa sya ng upo para makinig sa sasagutin ko.

"G-gusto, pero kapatid ang turing ko sa kanya dati,"

"Kung hindi naging kayo ni Daniel, tatanggapin mo ba sya?" ang dami naman niyang tanong.

"O-oo naman... Teka nga hindi ka ba naaawkardan sa topic natin?" 

"I want to know more about your past," he smiled at me sweetly.

"But past is past, let's just plan for our future nalang," nakangiti nyang sabi. 

"Gawa tayo ng baby tapos pangalanan natin ng future," binatukan ko sya. Sabi ko na nga ba walang matinong Wonu.

Kanina ang seryoso nya, tapos naging maamo sya nung kwinento ko past ko, tapos ngayon nakangisi sya sa akin, naghahangad ng bagong baby. Ok lang sana, kaso hindi, ayaw ko pa manganak ulit.






edited.

Daddy WonuWhere stories live. Discover now