55

1K 65 16
                                    

DREAM WEN

Mabilis na lumipas ang panahon at first birthday na ng kambal ko. Medyo busy na rin si Wonwoo para sa flight nya papuntang Canada kaya medyo nalungkot ako.

"Happy first birthday Lucky and Seven," bati nito nang makauwi sa bahay. Wala nang mga bisita kasi pinauwi ko na sila.

May dala syang cake at natuwa naman yung mga bata sa kinder joy na regalo nya. Buti pa yung mga bata, kuntento na sa simpleng regalo.

"Dream," tawag nya sa akin.

"Hmm?" Tugon ko.

"Gala tayo bukas, treat ko," nakangiti nyang sabi.

Napapadalas na talaga ang ngiti nya. Napapangiti nalang tuloy ako nang wala sa oras.

"Sige," sagot ko.








Nagising ako nang biglang may pumatong na kung anong mabigat sa akin. Ibabato ko sana palabas kaso naramdaman kong may buto kaya dumilat ako.

Si Baby Seven pala. "Good morning, baby," bati ko sa kanya. Ngumiti naman sya nang pagkatamis-tamis. 'Di ko alam kung paano sya nakaalis sa crib pero isa 'tong ninja eh.

Binuhat ko sya at pinatong sa lap ko. "Kamusta tulog, ha?" Pagkakausap ko sa kanya. Tumawa lang sya sa akin.

Biglang bumukas yung pinto at bumungad si Wonwoo kasama ang baby Lucky namin. "Good morning. Mag-almusal ka na at maligo para makaalis na tayo," bati nya sa akin.

Nang makapag-almusal at makapagbihis na ako, agad kaming sumakay sa kotse. "Saan tayo?" Tanong ko.

"Sa kiddie park lang naman,"

"Sa kabilang kanto lang 'yon, ang lakas mo rin pakotse-kotse ka pa," nabubuyset na sabi ko. Pinaligo pa ako nang wala sa oras.

"Yung kambal muna ang magsasaya tutal birthday nila kahapon," sa bagay.

"Saglit lang naman. After natin pasayahin yung mga bata, ikaw naman papasayahin ko," nagpout sya sa akin. Bigla namang tumawa si Seven.

Anong papasayahin? Nagigreen ako.

"Oo na tara na nga," pabiro kong sabi.

Nakarating na kami sa kiddie park at tinignan ko yung kambal sa likod, abot tainga ang ngiti nila nang makita ang slide. Ang cute nilang, napangiti nalang ako nang wala sa oras. Napansin kong parang nakatingin si Wonwoo sa akin kaya napatingin din ako sa kanya, nakangiti lang sya. Pota, ang gwapo.

"Ang ganda mo kapag nakangiti. Gusto ko pagkabalik ko dito nakangiti ka pa rin nang ganyan," Lulubus-lubusin ko na 'tong ngiti nya. Mamimiss ko 'to.

"Kailan daw?" tanong ko. tinignan naman nya yung phone nya.

"Sabi ni Mingyu, July 19," napatingin sya sa akin.

Nabigla rin ako pero 'di ko pinahalata. Araw lang naman 'yon bago ang birthday ko. Next week na pala ang alis nila.

"Sorry," napayuko sya. Pinat ko lang yung ulo nya.

"'Wag kang magsorry. Wala ka namang ginagawang masama,"

"'Di na kita masasamahan sa mismong birthday mo," nagpout nanaman sya.

Tumawa ulit si Seven pero nakitawa na rin si Lucky. Lagi silang tumatawa kapag nagpapout si Wonu.

"Alam mo ba kung bakit sila tumatawa sa tuwing nagpapout ako?"

"Hindi, kayo namang tatlo ang laging nagkakaintindihan eh,"

"Selos ka naman" aba?

"Tsk."

"AHAHAHA joke lang" lumabas na kami sa kotse at hinayaang maglaro yung mga bata.

Ginabayan lang namin sila sa pag-akyat at pagslide. Napakasaya nila habang nakikita nila'y pababa sila sa slide at excited na magpabuhat kay Wonwoo para iakyat ulit at magslide.

Napangiti naman ako bigla nang mahagip ng paningin ko si Wonwoo, tumatawa sya, nagskascrunch yung ilong, gigil na gigil sya sa kambal. Mamimiss ko 'to.

"Uvuvwevwevweasdfghjkl" anong pinagsasabi nitong kambal?

Napansin kong napagod na sila kaya napagdesisyunan namin ni Wonwoo na buhatin na sila pabalik sa sasakyan.

Sabay namin silang pinalitan ng damit kasi parenting goals kame. Pinalitan ko ng damit si Lucky tapos sakanya naman si Seven.

Nang matapos naming bihisan ay nilagyan na nya ng pulbo ang dalawa at saka nagready na para kumain sa Jollibee. Siguro kapag umalis na si Wonwoo mahihirapan akong magadjust kay Seven, Masyado silang close ng tatay nya.

Umupo kami na kami sa table at pinaupo yung kambal sa baby chair ba tawag do'n basta yung upuan ng mga baby kapag nasa fast food chain ka.

"Ayan na yung food, let's eat,"

Kumain na kami. Medyo nagtampo lang ako, kay Wonwoo lang sila nagpapasubo. Baka naman makalimutan nyo na ako nag-ire sa inyong dalawa nagseselos na ako ha.

'Di ko sinasadyang padabog na ilapag ang baso ko sa table pero napansin 'yon ni Wonwoo. Napatigil sya sa page-airplain kuno sa kutsara at tinignan ako.

"Mukhang may nagtatampo mga friends," pang aasar nya.

"Bakit kasi gano'n? Mas close sila sa tatay"

"Siguro kasi sobra mo akong minahal kaya pati sila minahal na rin ako nang sobra. Ang hirap maging lovable ah," sa bagay. Totoo naman na minahal ko sya nang sobra.

"Saka hayaan mo na, onting araw nalang ang natitira na makakasama mo si Seven. Pati ikaw, mamimiss ko kayo nang sobra kung pagkakaitan mo ako na mahalin nila nang lubos " emo mode on na naman siya.

"Ikaw naman papaligayahin ko mamaya," Sabay kindat. Tulong, namamanyak ako.

"Tigilan mo ako sa kalandian mo, 'di ko ibigay facebook account ko sayo eh" pananakot ko, nag sorry nalang sya.

Palapit na nang palapit ang pag-alis nila ni Mingyu pero 'di ko pa rin maimagine ang buhay ko ng limang taong 'di ko sya kasama. Kung pwede lang na sumama gagawin ko. Pero parang magiging pabigat lang ako, kami sa trabaho nya kung nagkataon.

Sana walang magbago sa pagsasama namin. Sisikapin kong pagkatiwalaan sya na di nya ako sasaktan, for the sake of our twin.




edited.

Daddy WonuDove le storie prendono vita. Scoprilo ora