38

1.3K 69 20
                                    

DREAM WEN

Kakagising ko lang at pababa na ako sa hagdan nang mapansin kong may bisita sa baba. Napatingin ako saglit sa kanila pero narealize ko na sila mama pala ang bisita namin. Kumain muna ako saglit bago nakisama na sa chikahan nila.

Nakita ko si Wonwoo. Day off nya ngayon. Medyo blanko yung expression niya, parang wala sya sa mood.

Bakit naman napabisita sila mama sa amin?

"Magkakaanak na pala kayo, hindi nyo naman sinabi sa amin" parang nagtatampo pa 'tong nanay ni Wonwoo.

"We have a surprise for the two of you!" natutuwang sabi ni Mama.

"Ikakasal na kayo next month. Kami na bahala sa lahat ng expenses" biglaang sabi ng Papa ni Wonwoo.

Nanlaki yung mata ko pero blanko pa rin si Wonwoo. May problema ba siya?

"Anong trip nyo, ma?" nabibigla kong sabi.

Nagulat naman ako nang makita ko si Jun na papasok ng bahay. "Anong ginagawa mo dito?"

"Ihahatid ko kayo sa stylist na gagawa ng susuotin nyo sa kasal" sabi nya habang kumakain ng lollipop.

"Hindi pa ko ready" nahihiya kong sabi saka awkward na tumawa.

"Pero ready na yung lahat kaya wala na 'tong atrasan" sabi ni Papa.

"We spent millions of money to make your wedding memorable and luxurious. Ipapakilala ko kayo sa mga amiga namin na ninong at ninang nyo sa kasal!" kinikilig na sabi ni Mama.

Okay naman ako kay Wonwoo, kung pafall sya e di magpapafall nalang din ako. Gwapo naman sya. Daddy material din. Pero hutangena 'di pa talaga ako ready magpakasal.

"'Wag ka nang umarte dyan na 'di ka ready. Nagpaiyot ka na nga, magkakaanak na kayo tapos itong simpleng pag-iisang dibdib lang, 'di ka pa ready? Aba putangina mo" sabay ni Jun. Binato ko sya ng vase.

Buti nasalo nya kasi favourite na vase yun ni Wonwoo. Babasagin pa naman, mahirap palitan.

"Oo nga, kung 'di kayo magpapakasal bago lumabas yung bata, may tendency na magkahiwalay kayo and take note, mahirap maging broken family. Much better na magpakasal kayo habang maaga pa" sabi ni Mama.

"Mauna na kami at aabalahin pa namin ang mga invitation cards nyo. Invite kayo ng marami ha, para masaya ang kasal!" pahabol na sabi ni Mama.

Nakaalis na sila pero nandito pa rin si Jun, ang sama ng tingin sa amin ni Wonwoo. Tatanungin ko sana sya kung ano pang tinitingin - tingin nya kaso parang wala rin sya sa mood.

"Magbihis na kayo. Hihintayin ko nalanh kayo sa labas" sabi nya saka mataray na nagwalkout.

"Magbihis ka na. Ready na ako" cold naman na sabi ni Wonwoo na nakasandal sa sofa ngayon.

Sumunod nalang ako kasi parang wala sila sa mood ngayon. Ano ba naman 'to, nahahawa tuloy ako sa badvibes nila.

Naligo ako saglit saka nagbihis na rin ng simple. Trip ko magdress na maluwag tutal lumalaki na rib naman ang tyan ko, e di itago ko muna huehue.

Pagkababa ko ay wala na si Wonwoo sa sala kaya lumabas nalang din ako. Nakita ko naman sila ni Jun na nag-uusap. Nakakaintriga naman kasi ang seryoso nila tignan, ayaw ko tuloy istorbohin.

Nilock ko nalang yung pintuan namin saka unti-onting lumapit sa kanila para aware sila na papalapit na ako.

"Tara na" sabi ni Jun saka ako hinatid sa kotse niya. Sumunod na rin si Wonwoo, likod sya sumakay.

Ang awkward, walang nagsasalita sa amin. Kinabit ko nalang yung earphone ko saka nagpatugtog ng Boom Tarat Tarat.

Nakatulog ako sa byahe kahit ang ingay nilang nagbabangayan kanina pa pero pabulong naman. Siguro para hindi ako maistorbo--- ha? Dapat pala hindi na ako natulog para nalaman ko manlang.

Nakatulog ako sa boom tarat tarat?

Dinala kami ng kotse ni Jun sa isang Botique. Wedding Botique ata kasi ang daming damit na pangkasal. Nanlaki ang mata ko nang makita yung mga tropa nila na nagsusukat ng mga suit and tie.

Ang hot nila tignan. Pero may galit ako kay Seokmin kaya mukha syang waiter hehe, joke lang.

"HI NOONA!!" bati sa akin ni Seokmin. Nakipagapir nalang ako kahit nilalait ko sya kanina.

Hoy, he looks like my next mistake, joke. Tama na ang dalawang pagkakamali.

"Kayo na ba ang ikakasal? I'm the receptionist, Ms. Kim. Tara na sa loob para maayos na ang one month to go na Wedding!!" Masiglang bati sa amin ng receptionist.

Bakit kasi ang seryoso ni Wonwoo kanina saka Jun? In good terms pa rin ba sila? Bakit gano'n?

'Di ko tuloy feel na ikakasal ako kasi 'di ko pa sila nakakausap nang maayos. Hindi ko pa nakakausap ang dalawang lalaking mahalaga na sa buhay ko.




edited.

Daddy WonuWhere stories live. Discover now