27

1.3K 62 19
                                    

DREAM WEN

Triny ko yung pregnancy test habang wala pa si Taeyong at nakahinga ako nang malalim sa nakita kong resulta.

Negative.

Ibig sabihin ay walang nabuo! Siguro naman makakamlante na ako. Ayaw ko nang pumasok ulit si Wonwoo sa buhay ko. Baka kasi sisisihin na naman nya ako sa huli kung bakit ganito ang nangyari sa amin.



JEON WONWOO

Nandito ako ngayon sa kwarto nila Seungcheol hyung. Hindi ko alam yung trip nila pero naiinis ako sa mga ginagawa nila ngayon.

Mangengealam na naman sila? Sana naman hindi kasi mas lalong lumalaki ang problema kapag involved sila.

"We'll pray for you two" sabi ni Jisoo.

"Magbati na kayo. Para kung sakaling may nabuo, edi happy ulit." gago ka, Jeonghan.

Nababaliw na ba sila? Hindi nila alam ang lahat. Bakit ba gusto nilang magkabalikan kami eh since then wala naman talagang kami?

Ouch.

"Sabihin mo nga Wonwoo kung bakit ka umalis sa bahay nyo" tanong ni Seungcheol.

"Gusto kong lumuwag-luwag ang pag-iisip ko. Nasaktan din naman ako sa pag-alis ni Mansae sa amin"

"Kaya binubuntong mo kay Dream ang lahat ng galit mo sa sarili mo?" napatingin ako kay Jeonghan.

"Alam mo Wonwoo, hindi naman kasalanan ni Dream ang manganak sya nang hindi sa kanya--- nang hindi healthy ang pangangatawan nya 'di ba? Malay ba nya ba kung paano manganak. Pero sana intindihin mo rin sya kasi sya ang labis na naghirap."  ako pa ang mali ngayon?

Bakit ba hindi pa rin tanggap ni Dream na hindi na ako babalik? Nakita ko nga syang kasama yung Taeyong na 'yon tapos sasabihin nila, mahal pa rin ako no'n?

Kailan nya ba sinabi na may gusto sya sa akin? 'Di ba hindi mo rin alam? Kasi wala naman syang sinabing gano'n sa harap ko.

"Pero sana naman naiintindihan nyo na minahal ko rin naman sya sa mga buwan na 'yon. Tapos malalaman ko nalang na ang tanga pala nya." double meaning ang tanga sa kanya. Ang tanga nya kasi hindi nya binasa yung kontrata ni Mr. Kim at ang tanga nya talaga, inborn gano'n.

"Walang tanga sa inyo"

"Makatanga naman 'to, broken ka lang"

"Let us help, Wonwoo" no need, Jisoo. I can cope up alone.

"Wag na. Madamay pa kayo sa kagaguhan namin"

"Matagal nang gago si Seungcheol kaya okay lang 'yan. Saka friends are like families. Pwede tayong magdamayan kasi magkakaibigan tayo" 

" 'Di ko kailangan ng pakikiramay ng pamilyang katulad niyo." sarcastic na sabi ko.

"E di 'wag."

Alam kong KJ ako lalo na kapag bad trip ako. Hinayaan ko nalang sila. Wala akong balak magpatulong lalo na't wala naman akong ipapatulong. Nagstay nalang ako sa kwarto ko.

Kinuha ko ang ultrasound pic ni Mansae. Hindi ko sya anak biologically pero naattached naman ako sa kanya.

'Di ko manlang sya nakita in person. Hindi ko manlang nabuhat, 'di ko manlang sya narinig na umiyak. Sa halip no'n ay ang iyak ni Dream ang narinig ko.

Masakit. Ama ako ng bata pero siguro naman mas masakit sa kanya. Sya ang nagdala, at umire nung bata at nakita kong inalagaan nya talaga ang katawan nya para lang doon.

Pero wala, si Mansae kasi ginamit lang kami para mabuhay sya.

Noong birthday ni Jihoon hindi ko mapigilang mapatingin sa kanya. Hindi ko rin alam kung bakit pero nakakatuwa syang pagmasdan habang pinapatay na sa isip nya yung mga nasayaw na couples sa dance floor.

At pagkatapos ng gabi na 'yon ay biglaan nalang na magkasiping na kami.

May part sa akin na ayaw kong may mabuo pero meron din namang part na gusto ko. Bakit ko gusto? Hindi naman sya ang tipo kong babae. Gusto ko yung mala-anghel yung mukha, saka virgin.

Hanggang ngayon hindi ko hinuhubad ang singsing na palatandaan ng pagiging engaged namin. Ayaw ko lang. Feeling ko kasi nakakaproud ang pagkakaroon ng singsing sa palasingsingang daliri. Parang ang sarap ipagmayabang na 'meron ako nito, ikaw ano sayo?'

Hanggang sa nakakakita pa rin ako ng space, hindi ko 'to huhubarin. Pero kung bakod na ang nakaharang. Pipilitin kong hubarin 'to. Kung masaya na sya ngayon, dapat masaya rin ako.

Siguro sasaya ako kung may nabuong bata noong birthday ni Jihoon pero sana wala. Ang gulo ng feelings ko, ano ba naman 'to.






edited.

Daddy WonuWhere stories live. Discover now