12

1.3K 74 41
                                    

DREAM WEN

Lumipas na ang ilang araw at napapadalas ang pagpunta ni Minghao at Mingyu aa bahay. Bukod kasi sa boses at paa ni Wonwoo, pinaglilihi ko rin ang bata sa pagchachinese ni Minghao at english ni Mingyu.

Actually naaawa na ako sa kanila lalo na kay Mingyu kasi hindi naman talaga sya magaling mag-english pero gusto ko silang makitang nagkoconvo gamit ang mga lengguwaheng iyon.

Hindi kalaunan ay pinagpahinga ko na sila sa pag-uusap ng mga nonsense na bagay. "Noona naman dapat si Seokmin at Seungkwan nalang ang inano mo rito eh" naiiritang sabi ni Mingyu.

"Hey guys!" biglang lumitaw sa pinto si Hoshi. Isa rin 'to sa madadaldal maliban kay Seokmin at Seungkwan.

Hindi namin sya pinansin kaya umupo nalang sya sa tapat ko. "Lumalaki na si Baby Mansae ah!" naeexcite nyang sabi habang nakatingin sa nakaumbok kong tyan.

Medyo malaki na nga ang tyan ko at nakakainis lang kasi hindi ako makatulog nang maayos dahil kay Mansae. Pero sabi ni Wonwoo, kailangan ko yung tiisin tutal ilang buwan nalang naman bago ko sya malabas.

Alam nilang pinaglilihi ko si Mansae kay Mingyu at Minghao kasi una, gusto kong matuto syang magb-boy, pangalawa gusto ko magaling syang magluto kaya favorite ko na ngayon si Minggoy at Haohao. Hihi. Tapos ayaw kong nakikita si Jeonghan sa bahay. Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng selos sa tuwing nakikita kong kasama ni Wonwoo, Mingyu or ni Minghao si Jeonghan.

"Seriously? Sino ba talaga ang tatay nyang anak mo ha?" tanong ni Hoshi.

"Si Wonwoo hyung" sabi ni Minghao.

"Hindi sya yung tatay. Kayong dalawa talaga yun. Threesome tayo no'n eh" pabiro kong sabi. Nandiri naman sila sa sinabi ko

"Noona, kaibigan lang tayo eh. Sorry" angal ni Minghao

"Sorry noona but I'm taken. Kay reader ako belong" nakangising sabi ni Mingyu habang nakatingin sayo. Oo hakdog ka inaagawan mo ako.

"Pinaglilihi ko rin si Mansae sa paa ni Wonwoo" pag-amin ko. Tumawa naman silang lahat. Ito namang si Hoshi kulang nalang lumabas yung ngala-ngala sa sobrang laki ng bunganga habang tumatawa.

"Baka magmukhang paa si Mansae!" natatawang sambit ni Hoshi.

"Hindi 'yan. Tiwala lang" sabi ko. Sa lahat ng paa, kay Wonwoo lang ang pogi.

Nagkwentuhan pa kami nang saglit at hindi na namin namalayan ang oras. Nakauwi na si Wonwoo at mukha syang pagod na frustrated sa trabaho nya. Umupo sya saglit sa sofa na inuupuan ko.

Hinagod nya yung buhok nya paharap at naexpose tuloy nang hindi inaasahan ang noo nya. Oo na hindi na malapad tulad ng sayo pero ang hot nya tignan habang nagpupunas siya ng pawis.

"Sabi ko naman sayo, kung tititig ka lang walang mangyayari" deretso nyang sabi saka tumingin sa akin. Napaiwas ako bigla ng tingin. Ilang minuto ba akong nakatitig? Nakakahiya.

"May anak na kayo, pigilan nyo muna ang kalibugan nyo. Bakit ang aga mo, hyung?" tanong ni Mingyu na parang concerned kay Wonwoo.

"That hospital sucks. Pinipilit na naman nila akong mag-inject ng something sa pasyente. Lilipat na ako ng pago-OJThan." seryosong sabi nya.

Sabagay baka sperm sample na naman 'yon. Ayaw kong may kahati sa kanya 'no. Ang sa akin ay sa akin lamang, joke.

"Sige. Support kita" awkward na sabi ko.

Nakatulala naman sila sa amin habang confused na confused. "Anong ibig sabihin no'n, hyung? Anong pilit-pilit?" tanong ni Minghao.

"Pagkakamali na kahit kailan ayaw ko nang ulitin pa. Pinagsisisihan ko yun 'no. Tignan nyo ngayon napako pa ako sa sitwasyong 'to" paliwanag nya saka tumingin sa akin. Namula naman ako dun pero tinalikuran nya lang ako saka dumeretso nalang sa kwarto nya.

Pagkakamali? Oo nga pala pagkakamali nya 'yon, pero parang pagkakamali ko rin. Bakit kasi ako nagpapainject kung pwede namang uminon nalang ako ng gamot? Kaartehan ko kasi.

Nacurious sila lalo sa pag-alis ni Wonwoo.

"Ano raw?" sabi ni Hoshi na nakikisali sa Lihi line.

"Magegets nyo rin. Pero sa ngayon sa amin nalang muna ni Wonwoo iyon" nakangiti kong sabi.

Ngumuso nalang sila pero sinabi ko nalang na 'wag pansinin ang sinabi ni Wonwoo kasi nonsense lang 'yon kaya nagkwentuhan nalang kami ulit. Pinagjapanese ko si Hoshi kaya iba-iba language naming apat habang nag-uusap.

Pero nasaktan ako sa sinabi ni Wonwoo kanina. Pagkakamali lang ba lahat ng 'to? Paano kapag nahulog na ako sa kanya? Parang ayaw ko nang itigil. Gusto kong hindi nya pagsisihan ang pagkakamali nya sa akin.






edited.

Daddy WonuWhere stories live. Discover now