EPILOGUE

2K 84 44
                                    

DREAM WEN

"Happy Wedding Anniversary," nagising ako bigla nang maramdaman na may nakabantay na mata na nagmamasid sa bawat kilos ko. 

Pagkadilat at pagkabangon ay nakita ko kaagad ang apoy na tila ba sumusundo na sa akin, at pota wait. Nagkuskos ako ng mga mata para makita ko nang mas malinaw. 

Si Wonwoo pala iyon, may hawak na puting cake. Nakangiti sya habang nakatingin sa akin, hindi ko nalang napigilan na mapangiti rin sa sobrang gwapo nyang bungad sa umaga. 

"It's been three years since we get married," natutuwa nyang sabi, umupo ako nang maayos at inilapag nya ang cake sa sidetable.

Nakornihan ako nang onti, feeling ko wala na namang halaga kung two years na kaming magkasama 'di ba? "Bakit kailangan pa maghanda? Burikat ka ba hindi mo naisip ang daming bayarin, Jeon Wonwoo," Pabiro kong sermon sa kanya. 

Sumeryoso yung mukha nya. "What's with that 'burikat' word?" 

"Bad Kitty yon, akala mo naman mura," tinarayan ko sya. 

Nakita kong naglabas sya ng phone para magtype ng kung ano sa google, nabigla naman ako do'n. Tsk, hindi nalang palampasin eh, anniversary naman namin. "Pagbigyan mo na ako hon, minsan lang ako gumastos ng unhealthy foods para sayo."

Napailing nalang sya, siguro nalaman nya yung meaning. "Sabi ko 'di ba bawal 'tong mga words na 'to? Oh gosh, natanda na ang kambal, kailangan nating maging good influence sa kanila,"

Nagpout nalang ako saka inabot ang wallet ko sa upuan na katabi ng table. Tinuloy namin ang deal na ang magmura ay magababayad ng 100 pesos. Hindi ko talaga kayang hindi magmura, kaya nagsesearch nalang ako ng ibang words na puwedeng pang-alternative sa mga local na mura. 

"Hatiran mo ako ng baon mamaya ah," saka ko inabot yung pera sa kanya. Wala na ako money. Pero nakatitig lang sya sa akin, hindi nya pinansin ang pera na pilit kong nilalagay sa palad nya. 

"Hoy," nagtataka kong sabi. 

"You look so beautiful today, my wife," luh?

"Lagi akong maganda, masanay ka na nga, ilang taon na tayong nagsasama," pagmamayabang ko. 

"No," ang malalim nyang boses ay nagpataas ng lahat ng balahibo ko sa buong katawan.

"Ha?" hakdog kinakabahan ako sa ginagawa nya. 

"I love you," seryoso nyang sabi. 

"I love you too," nagtataka kong sagot. 

"Now, I'll prove that I'm a burikat," nakangisi nyang sabi. 

Papalapit sya nang papalapit sa akin hanggang mapasandal nalang ako sa headboard ng kama habang nakaock ang mga braso nya sa pagitan ko, "P-putangina Wonu," 

Nakangisi lang sya nang nakakaloka. Hindi ako ready, wala pa akong umagahan. Nasa ganitong posisyon lang kami ng halos dalawang minuto nang nagdesisyon syang magsalita. 

"It's been almost 5 years since that tragedy that made us one. Four years since we are trapped by our peers, and three years since we get married. I just want you to know that I'm ready. Ready for all the challenges that we may encounter in being together. I'm ready for you, my wife," saka sya ngumiti at kinuha ang mga nakaharang nabuhok sa mukha ko gamit ang kanan nitong kamay  saka ito inipit sa likod ng tenga ko.

"I'll ask you, are you ready too?" sincere nyang tanong saka tumingin nang makahulugan sa akin.

Tumango ako nang paulit-ulit habang nakangiti. Ang makita syang sincere, nakangiti, at punong-puno ng kainosentehan sa mga mata ang nagsisilbing daan para maintindihan ko sya. "I'm ready," I cupped his cheeks and kissed him. 

Naramdaman kong hindi sya prepared sa ginawa ko but he managed to kiss me back. The next thing we knew, it's going to lead us for another baby. When he's about to put his hands inside my shirt, the door suddenly opened. Na-shookt kami at napatingin sa pintuan, not releasing each other's lips. 

"Woah," rinig naming sambit ni Mingyu habang pinapatago si Seven at Lucky sa likod nya. 

"Yah imma, may mga bata oh!" naririnig kong triggered na si Minghao kaya bumitaw na ako sa halik. 

Nagpout si Wonwoo sa akin at walang ganang binagsak ang ulo sa may balikat ko at pinadyak ang mga paa. "Arghh," naiirita nyang sabi. 

Yinakap ko na lang sya at saka bumulong "Okay lang 'yan burikat ko," tumawa naman sya at naramdaman ko ang pagvibrate ng boses nya a may balikat ko. 

"Uy may cake!" agad na lumapit ang iba para kuhain ang cake na nasa table. 

Napangiti ako nang makitang nakatitig ang kambal sa amin. Niyaya ko sila sa kama "Seven, Lucky, Come join us" nakangiti kong sabi at saka naman sila tumakbo at nakidagan sa amin ni Wonu. 

Nakangiti silang tumalon-talon sa malapader na likod ni Wonu at putangina ang sakit, ako ang dinadaganan nila oh. Bumangon nalang si Wonwoo at sumunod na rin ako, "Let's just continue our business 'pag tulog na ang lahat," kumidat sya sa akin saka nya niyaya ang kambal na kumain ng cake sa baba.

Napaka-unexpected ng mga pangyayari. May times na tumawa ako, umiyak, nabaliw, natulala, nagtaka, umire, basta. Sa sobrang dami ng pangyayari'y halos nakalimutan ko na kung sino ako. Pero salamat kay Wonwoo, siya ang nagpakita sa akin kung bakit kailangan kong magpakatotoo sa lahat ng bagay. Na kailangan lang natin ng time para sa sarili natin upang maunawaan ang lahat. Nagpapasalamat ako sa lahat ng tulong nya. At nagpapasalamat ako sa pagmamahal nya. Ang pagmamahal ng isang maarugang asawa at daddy sa kambal. Mahal na mahal kita, Daddy Wonu



---THE END---




edited.

Daddy WonuWhere stories live. Discover now