65

1.1K 62 3
                                    

DREAM WEN

Dumeretso agad kami ni Jun at Seven papunta sa dati naming bahay sa China. Halos walang nagbago, inakala pa ng mga kapitbahay namin na anak ni Jun si Seven dahil bitbit nya ito habang naglalakad kami papasok sa village. Oo nga, ang bata ko pa para sa ganitong buhay. 

Tinignan ko kung gaano kaseryoso ang mukha ni Jun habang naglalakad kami, napahinga nalang ako nang malalim. Hindi nya deserve na mahirapan nang dahil kay Wonoo. Dapat si Wonwoo ang nandito, dapat hindi na sya nag-aaksaya ng oras sa tangang katulad ko.

Narinig ko na namang nagriring ang phone ko sa bulsa nya, ayaw nyang ibigay sa akin. Ayaw nyang kausapin pa ako ni Wonwoo. Naiiyak na ako, gusto kong marinig ang paliwanag nya, bakit may kasama syang babae doon, bakit sya tinawag na 'babe' no'ng babae, bakit sya umungol?

"Jun naman," pagmamakaawa ko. 

Umiling lang sya, ginaya rin naman 'yon ni Seven na buhat-buhat nya. Pati pala si Seven hindi na nya nagawang kamustahin, paano naman yo'ng naiwan kong anak sa kanya? 

"Mabobola ka lang ulit ng gagong 'to. Ayaw ko nang makita ka pang umiiyak, nasasaktan din ako. Napakachildish ko minsan pero para rin naman sayo 'to. Dream, please hayaan mo akong maging kuya," ramdam ko ang tense sa mga salitang binibitawan nya. 

Hindi ko na nagawa pang magsalita nang dahil sa sinabi nya. Tumahimik nalang ako hanggang makarating na kami sa malaking bahay namin.

Nakaupo lang ako dito sa kusina habang pinapakain si Seven ng biscuit. "Say ahhh,"

Bigla syang nagsalita, hindi ko naman maintindihan. Malamang anong aasahan ko sa dalawang taong pito na to. 

"Ha?" tanong ko. Tanga malamang 'di 'yan sasagot--

"Hatdog," napanganga nalang ako bigla nang sumagot sya. 

"Saan mo natutunan 'yan?" sabi ko na nga ba dapat hindi 'to pinapalabas ng bahay kasama si Jun kasi malamang may mga exotic na mga intsek na nakapaligid sa amin.

Nagring ang landline, sasagutin ko na sana kaso naunahan ako ni Jun sa pagsagot. Muhka naman syang seryoso habang nakikinig sa telepono.

Yung ekspresyon nya, parang noong tumawag kami sa phone ni Wonwoo pero iba yung sumagot, hindi kaya si Wonu 'yon?

"Dream," tawag nya sa akin, lumapit naman ako. 

"Gusto kang makausap ni Minghao," ay namimiss na naman ako nito. 

["Noona,"] tawag nya sa akin nang mahawakan ko na ang telepono. 

"Napatawag ka? miss mo na naman ako?" 

["Noona,"] medyo may awtoridad nyang sabi. Nagalit ata?

["Si Wonwoo hyung kasi,"] narinig ko palang ang pangalan niya ay nawalan na ako ng gana. 

Namimiss ko na si Lucky, kumusta na kaya sya? Nakakakain ba sya ng tatlong beses sa isang araw? Nakakapaglaro ba sya roon? Ano kayang first word na sinabi nya nang wala ako sa tabi nya? 'Mama' kaya?

["Nagpadala sya ng gift sa bahay nyo, regalo nya ata kay Seven,"]  bigla nalang tumulo ang luha ko. 

Mabuti naman at mayroon pa siyang pakialam sa anak namin na nagbirthday nang walang tatay sa tabi niya.

["Bukas uuwi na sya. Gusto ka raw nyang makausap. Hindi ko sinabi kay Jun hyung kasi tututol 'yon. Fix your family, maawa kayo sa kambal,"]  payo nya.

"Hao, hindi sya ganoon kadali. Sorry," napababa ko nalang bigla ang telepono. Ayaw ko na syang kausapin muna, sumasakit na naman ang puso ko.

Napaupo nalang ako sa sofa habang nakayuko, ayaw kong makita ako ni Seven na weak kaya tumalikod ako sa kanya, sinubsob ang ulo ko sa sandalan ng sofa saka pinilit na pigilan ang mga luha. Naiinis ako, wala na ba talaga akong karapatang magdrama? 

"Stop crying for that jerk. You have your son with you," pagsaway sa akin ni Jun

" Paano si Lucky? Malay ko kung inaalagaan nya 'yon? Paano kung inuuna nya ang babae nya? Paano yung kakambal ni Seven na nasa puder nya?" naiinis kong sambit. 

Nakaramdam ako ng maliit n pares ng braso na yumakap sa beywang ko. Alam ko na si Seven yun, alam kong may pakialam sya sa akin. Nakangiti nalang ako bigla, mayroon pa palang natitirang nagmamahal sa akin, sana hanggang sa huli. 




edited.

Daddy WonuWhere stories live. Discover now