50

1.2K 67 12
                                    

DREAM WEN

Naghahanda ako ng pagkain para kay Wonwoo at Mingyu na seryosong nag-uusap sa sala. Ano kayang pinaguusapan nitong mga kapreng 'to?

Lumapit na ako para ibigay lang yung pagkain pero nananahimik naman sila agad.

Gano'n na ba kaseryoso ang pinaguusapan nila at pati ako na asawa nya ay bawal makichismis? Nairita ako kaya tumabi ako sa kanila, pumagitna ako sa sofa.

"Ano bang pinaguusapan nyo?" nakapameywang kong tanong.

"W-wala noona--" naputol yung sasabihin ni Mingyu nang biglang sumabat si Wonwoo.

"Malalaman mo rin," nagbuntong hininga si Wonwoo saka kumuha ng hotdog sa plato.

"Okay," nagkibit balikat nalang ako

Baka naman importante talaga. Nagpaalam nalang ako na uuwi ako sa bahay, bigla kong namiss sila mama.

"Hatid na kita," suggestion ni Wonu pero agad akong umiling.

"'Wag na. Papahatid nalang ako kay Jun," nakangiti kong sabi. Ngumiti rin naman sya saka pinat ang ulo ko.

"Ingat ka ha," sabi niya saka hinalikan ako sa noo. Kinikilig ako shet.

"Hoy may tao pa dito oh," agaw pansin naman 'tong si Mingyu.

Iniwan ko nalang sila doon kasi para talagang naa-out of place ako sa usapan nila. Sumakay ako sa taxi saka pumunta sa mall, magpapahatid nalang ako kay Jun kasi medyo malayo ang bahay kung mamamasahe pa ako.

Nang makarating ako sa mall ay nandito na sya at nakikipaglandian pa sa mga nadaan. Hindi na ako magtataka kung magkaAIDS 'to.

"Jun," tawag ko sa kanya kaya napatingin sya sa direksyon ko saka lumapit na rin.

"Oh bakit naisipan mong umuwi?" bungad na tanong nya.

"Namiss ko lang sila mama," nakayuko kong sagot.

Simula ng ikasal ako kay Wonwoo, bihira nalang silang mangamusta. Nangungulila na ako sa aruga nila.

"Miss ka ba?" nakangisi nyang tanong. Ang sarap nyang tanggalan ng buhok sa ilong.

"Joke lang hehe halika nga," hinila nya ako papalapit sa kanya at saka niyakap.

"Namiss kita, Dream," bulong nya sa akin.

Halos maiyak naman ako ro'n. Hindi lang sila mama ang naghihintay sa akin, pati rin ang kuya kong malandi.

"Ano ba namiss din kita," saka rin ako yumakap sa kanya.

Nangkumalas kami sa isa't isa ay may narealize ako. "Bakit natin namiss ang isa't isa?" parang timang lang.

Tumawa sya nang bahagya saka umakbay sa akin. "Kasal ka na kasi. Hindi ka na masyadong nalapit sa aming pamilya mo kasi may asawa ka na," Ganun ba 'yon? Mahigit isang buwan palang naman kaming kasal.

"Pwede naman ah?"

"Pero dapat marami kang time para sa asawa mo. Pero tara na nga sa kotse doon nalang tayo mag-usap, ang daming chicks dito" sabay kindat doon sa dumaang babae. Sumakay kami sa kotse nya ata saka nagdrive na rin sya.

"Kamusta sila mama?" tanong ko sa kanya.

"Babalik silang China pagkatapos mong manganak sabi nila," nagbuntong hininga ako.

"Gusto ko rin sumama,"

"Edi magbakasyon kayo dun pagkatapos mong manganak," bahagya syang tumingin sa tyan ko. Malaki na sya, onting tiis nalang makikita nya na ang pamangkin nyang kambal.

"Excited ka na?" tanong ko sa kanya. Napatingin naman sya bigla sa akin saka binalik ang tingin sa daanan na may halong ngiti sa labi.

"Malamang first pamangkin ko yan. Bonus pa na dalawa sila" natatawa nyang sabi.

Huminga ako nang malalim. Dapat sya ang mauuna sa amin dalawa eh. "Hoy Jun, gusto kapag nanganak na ako maging loyal ka na sa isang tao," tumawa naman sya

Nagpokerface sya saglit pero tumango rin. Yas sana nga maging loyal na sya sa isa. "Pasalamat ka di kita mapatulan ngayon kasi nagdadrive ako,"

"Buntis ako, 'di mo ako pwedeng saktan," pagmamalaki ko.

"Ano ka disabled? AHAHAHAH" Nababaliw nanaman sya. Sino kayang magseseryoso sa lalaking 'to?

Nagpout nalang ako. 'Di ko napansin na nasa bahay na pala kami. Pumasok na ako sa bahay, natuwa naman sila mama nang maisipan kong bisitahin sila. Pinakita ko rin sa kanila yung ultrasound pic ni Seven at Lucky.

"Alagaan mo yung mister mo anak, minsan lang magkaroon ng ganong klaseng lalaki sa buhay mo. Mabuti hindi kami nagdalawang isip na i-arrange marriage kayo," nakangiting payo ni mama.

"Ako rin ma, ipa-arrange mo ako sa anak ng kabusiness partner nyo," biro ni Jun pero 'di naman natuwa si Papa.

"Baliw ka? 20 years ang tanda no'n sayo. Ayaw kong maging sugar baby ka, anak," payo ni papa sa kanya.

"Eew favoritism," inirapan nya nalang kami saka na sya umakyat sa kwarto nya.

Nagtawanan nalang sila mama dahil sa inakto ni Jun. Syempre nakitawa nalang ako. Hindi naman sa favoritism pero tama naman 'di ba? Dapat sinisikapan ng lahat ang mga pagmamahal na gusto nilang makuha.

Siguro sinadya lang ng tadhana na subukin ang mga puso namin ni Wonwoo. Saka hindi naman pala-asang tao si Jun. Sadyang mahina lang sya sa pagsestay sa isang relasyon at dahil doon, siya ang sunod na hahanapan ko ng lovelife.

I'll find the right one for you.





edited.

Daddy WonuWhere stories live. Discover now