CAA 1: Bestfriends World

6.8K 164 18
                                    

G's POV

Naglalakad ako papunta sa 'safe haven' namin ni Chynna dun sa may likod ng isang abandonadong building ng may nakasalubong akong tatlong babae. Dun kami tumatambay at nagpapalipas oras. Nauna na ako kay Chynna kasi may photoshoot pa daw sya. Susunod nalang daw sya. O diba taray ng bestfriend ko may pa-photoshoot pang nalalaman pampalipas oras daw. Tsss

Habang papalapit ako sa tatlong babae napansin kong huminto sila. Sabay pa talaga. At pinagtataka ko pa ay yung mga kinikilos nila. Ang weird. Di ko mawari kung naiihi ba tong mga to o natatae sa sobrang dikit ng mga sari-sarili nilang tuhod. Ang isa sobrang lapad ng ngiti na kala moy nilagyan ng zipper. Ang isa naman ay pakurap kurap ng mata. Napuwing ata. At ang isa namay parang baliw na kung saan saan nakatingin habang nakangiti. Napakamot nalang ako ng ulo at nilagpasan sila. 🤔😩

"Tsong!" Tawag ni Chynna sakin at patakbong lumapit.

"O Tsong kumusta photoshoot?" Sagot ko sa kanya.

"Ayos na ayos syempre! May pang IG na din ako for 2 months! Lam mo na pangchix" Tawa nya sabay kindat. Hanep din tong bestfriend ko. Pang IG lang photoshoot pa. 😂

"Sige ganyan lang pachix chix ka lang! Pag yan nagpang-abot wag ka talagang hihingi ng tulong sakin!" Sagot ko naman at natawa nalang kami pareho.

Malapit na kami sa abandonadong building kung saan nasa likod lang ang 'safe haven' namin. . .ng may humarang saming 4 na siga kuno - 2 lalaki at 2 butch.

"Di kayo pwedeng pumasok dito! Teritoryo namin to!" Ani ng isang lalaki na kulay pula ang buhok. Akala mo naman kinagwapo nya! May pahawi-hawi pa ng buhok na parang yung pinsan kong artista na si Ruru Madrid. Kilala nyo yun? Gwapo diba? Syempre nasa lahi namin yun eh! Mga gwapings! 😊✌

Anyway, balik tayo sa mga siga. Kilala ko sila. Miyembro sila ng isang kilabot na grupo na kung tawagin ay 'Kiss Mark'. Di sila basta bastang grupo lang. Grupo sila ng mga anak mayaman na nananamantala ng mga inosenteng babaeng nabibiktima nila sa mga bars. Grupo sila ng mga lalaki at butch. Dinadala nila ito sa isang abandonadong lugar at doon pinagsasamantalahan. Ang mas malala pa ay kinukuhanan pa ng video para ibenta sa mga parokyanong suki nila. Walang pulis na sumiseryoso sa paghuli sa kanila dahil ang head ng kapulisan sa buong Metro Manila ay ama lang naman ng isa sa kanila. Ang tanging palatandaan lang ng mga tao na nambiktima at umatake na naman sila ay ang kiss mark tattoo na nilalagay nila sa babaeng biktima nila pagkatapos nila gawin lahat ng gusto nilang gawin dito at ang marka sa mismong building o lugar kung saan nila ginawa ang karumaldumal na kawalangyaan. Hindi nila pinapatay ang biktima bagkus hinahatid pa nila sa mismong bahay nito. Crazy criminals indeed!

"Itong mga to sarap pakuluan at balatan ng buhay!" Sabi ko sa sarili ko. Samantalang sinilip ko naman si Chynna na ang mukha ngayo'y nagsisimula ng dumilim.

"Teka lang! Teka lang!" Medyo naiinis ng turing ni Chynna. "Una sa lahat di nyo pag aari ang lugar na to! Pangalawa, di namin kayo amo para utusan kami! Pangatlo, gagawin namin ang gusto namin gawin at wala kayong magagawa para pigilan kami. Pang-apat at panghuli, . . ." Bigla nalang syang natigilan at nilagay pa sa sintido ang hintuturong daliri na tila nag-iisip.

"Okay na sana nakalimutan mo pa script mo! Hanep na sana eh pang action star na ang dating! Tsk" Bulong ko sa kanya. Nagkatinginan naman ang 4 na siga kuno na tila nagtataka.

"Sorry naman! Eh sa wala na kong maisip eh! Sige na mag-isip ka na jan ng pang-apat at panghuling reason para di tayo mapahiya!" Ganting bulong ng leche kong bestfriend. Abay lintik to! Ako pa talaga ang inutusang mag-isip eh sya tong putak ng putak kanina.

Nasa kalagitnaan nako ng pag-iisip ng magandang rason ng biglang sumigaw ang leche kong bestfriend.

"Alam ko na!" Biglang sigaw ng gago kong bestfriend na kinagulat ng lahat. Pati siguro mga kabahayan nagsilabasan sa lakas ng boses nya na parang nag meryenda ng sandamakmak na pito.

"Anak ng tipaklong! Bat ka sumigaw?!" Sigaw ko naman na tila naghahabol pa ng hininga sa sobrang gulat.

"Ayy sorry naman!" Tugon nya sabay peace sign. "Pang-apat at panghuli, ang papangit nyo! Maghilamos nga kayo baka sakaling mabawasan!" Dugtong ni Chynna na kinagulat ng lahat. Ayy butiki! Gusto pa ata kami ipahamak ng butiking to ha. . .ayy este tong magaling kong bestfriend ha!

Pagkasabing pagkasabi nun ni Chynna ay agad namang may kinuha ang 4 na siga kuno sa mga likuran nila. Sobrang nagulat kami ni Chynna nung nakita namin kung ano. Nalintikan na baril! Bwisit! Ayoko pa madedo! Pag ako nadedo dito, isasama ko talaga tong butiki kong bestfriend! Well, at least sabay kaming magmumulto sa mga ungas na to!

Wala ni isang salita ang lumabas samin ni Chynna. Tila napako na ata kami sa kinakatayuan namin.

"O ano san na tapang nyo?! Ang lalakas ng apog nyong banggain kami! Wala naman pala kayong binatbat!" Rinig kong sabi ng isa sa 2 butch. At tawanan naman ang mga ungas.

"Umurong na ata mga dila at nabahag ang buntot!" Dagdag pa ng lalaking may pulang buhok.

"Anak ng! Isang pa at makikita nyo hinahanap nyo!" Sabi ko nalang sa sarili ko. Habang si Chynna naman ay gulat na gulat pa rin sa mga nasabi ng mga ungas. Tila nagtataka kung kilala ba kami ng mga to o hindi! Well, obviously they don't know us. . .yet! Wait lang at ma-sample-lan.

"Tsong! Akalain mo yun di tayo kilala ng mga tangang to!" Biglang bulong ni Chynna sakin na natauhan na sa pagkagulat.

"Maturuan nga ng leksyon!" Dugtong nya at hahakbang na sana palapit sa mga ungas pero pinigilan ko at may mas maganda akong plano. Wala din kasi akong ganang makipag-away ngayon. Tinatamad ako.

"Tsong, may maganda akong plano. Diba suot natin hoodie natin?" Sabi ko sabay pataas taas ng kilay. Nagets naman yun agad ni Chynna. Tumalikod na kami at sinimulang maglakad ng dahan-dahan para makita nila anong hinahanap nila.

"WHAT THE!" Rinig kong sabi ng isa sa mga ungas tila nakita na siguro ang nakasulat sa likod ng hoodie namin ni Chynna.

Nakasuot ako ng itim na hoodie na may tatak na 'Boss G' sa likod. Si Chynna naman nakasuot ng pulang hoodie na may naka-embossed na 'Capt'n C'.

"Boss G at Capt'n C. Hmmm saan ko nga narinig yan?" Tanong ng isang butch sa sarili nya.

"Abay! Mga ungas na to! Di pa rin ba gets??? Grabe sarap pag untugin para matauhan!" Bulong ni Chynna sakin.

"Men we're dead! WE. ARE. SO. DEAD!" Sabi ng isa sa lalaki na tila takot na takot pa nung lumingon kami ni Chynna sa kanila. At mas nagulat kami nung kumaripas sya ng takbo at iniwan ang kaniyang mga kasamahan na tila binuhusan ng malamig na tubig at tumigas na sa kinatatayuan. 😂

"Sino ba sila??? At bakit takot na takot yung isang yun?" Tanong ng lalaking may kulay pulang buhok sa isang kasamahan nyang butch. Humarap naman kami ni Chynna at tinitingnan sila ng diretso.

"Bro, ahmm s-si-sila lang naman yu-yung kilabot na street fighter tandem na di pa natatalo ng ninuman sa underground ring." Bulong ng butch na nauutal pa.

Kami naman ni Chynna ay taas noong tumingin ng nakakatakot sa tatlong natirang ungas. Lagot kayo ngayon! Hanggang sa kumaripas na ng takbo yung isang butch na sinundan pa ng natirang butch. 3 down, 1 to go! Ang natitira nalang ngayon eh yung lalaking may pulang buhok. Tanga nga talaga tong anak ng kamatis na to! Di natinag! Nakulayan ata ng pula ang utak! 😡

"Akala nyo takot ako sa inyo?! Ano ha?! Dahil lang kilabot na street fighters kayo?!" Sigaw nya sabay tutok ng baril samin ni Chynna. Di pa rin namin inaalis ang nakakatakot na tingin namin sa kanya na tila naghihintay lang sa mga sunod nyang sasabihin.

"PWES! TAMA KAYO!" Dagdag pa nyang sigaw sabay karipas ng takbo. Wala pa lang panama ang baril sa matalim na tingin eh! 😂

Napakamot nalang kami ng ulo ng bestfriend ko sabay tawa. Whew! Muntik na yun ah!


_________________________________________________

Author's Note:

Zup mga Tsong! Sensya na first time ko magsulat sa buong buhay ko. Haha kumusta naman ba? 😊 Your comments and suggestions are well appreciated. Thank you for reading.

See you next chapter! Peace yow!

- J

RASTRO: Connection After All [COMPLETED]Where stories live. Discover now