CAA 16: Don't Mess with the Unbeatables (Part 1)

2K 70 16
                                    

No One's POV

"Hin. . .di. Hindi ko s-sinasadya. Tsong di ko sinasadya. Rhi hindi ko sinasadya. Abbs patawarin nyo ko. Hindi ko sinasadya. Patawad." Magkahalong gulat, utal, lungkot, at pagsisising sabi ni G sa sarili habang walang tigil syang sinusuntok ni Chynna sa mukha. Natigil lang ito nung may marahas na humila kay Chynna palayo kay G.

"What do you think you're doing to MY teammate?" Si Amber kasama si Robert at Zai.

"YOUR TEAMMATE??? (tumingin ito kay G na ngayon ay nakaupo na) (sarkastikong tawa) PAMBIHIRA NGA NAMAN TALAGA HO-OH!!! MGA TALUNAN NAGKAMPIHAN???! (iiling iling na tawa ni Chynna sabay mabagal na palakpak) THE 3 IDIOTS (tingin kay Amber, Robert, at Zai) AND THE SIDEKICK!!!" Insultong tawa ni Chynna sabay malakas na palakpak. Nagtagis bagang naman si Robert at akmang aatake pero bigla itong hinila ni G.

"Ako ng bahala sa kanya. Iwan nyo na muna kami." Seryoso at mababang tono na sabi ni G sa bagong kateammate. Pero halata sa boses nito ang kalungkutang dinadala.

"No! Bibigyan natin yan ng leksyon right here right now!" Diin na sabi ni Amber. Tumango naman si Robert at Zai bilang pagsang-ayon.

"Sige na iwan nyo na muna kami. May kailangan lang akong tapusin."

"Teka nga! Wag mong sabihing naduduwag o naaawa ka sa dati mong kaibigan? Alalahanin mo kami na ang bago mong mga kakampi! At lahat ng di kasali sa grupo na to ay kaaway!" Di natitinag na sabi ni Amber.

"PWEDE BA! SINABI KO NG IWAN NYO MUNA KAMI EH!!!" Sigaw na na sabi ni G kaya wala ng nagawa ang tatlo kundi umalis.

Pagkaalis na pagkaalis ng tatlo, natawa nalang si Chynna. Tumalikod na ito at nagsimulang humakbang paalis.

"Tsong teka lang. Pwede. . .mag-usap muna tayo?" Mahinahon na sabi ni G. Huminto naman si Chynna pero hindi ito humarap.

"Tsss (smirk) wala akong oras makipaglokohan sayo! Girlfriend at kaibigan ko nasa ospital ng dahil sayo kaya wala na tayong dapat pag-usapan pa! Pinuputol ko na kung anumang ugnayan natin! (paalis na sana sya pero huminto ulit ito) Tama lang na wala kang magulang kasi walang kang kwentang anak at kaibigan!" Tuluyan ng tinalikuran ni Chynna ang matalik na kaibigan. Nasaktan din sya sa ginawa nya pero mas masakit ang nakita nyang nasaktan ang girlfriend at kaibigan. Wala na ring nagawa si G kundi hayaang umalis ang kaibigan. Tinalikuran sya nito ng dahil sa kagaguhan nya. Sising sisi si G sa ginawa. Pati ang babaeng pinakamamahal nya nasaktan dahil sa kawalanghiyaan nya. Tumulo nalang ng tahimik ang mga luhang matagal na nyang pinag-aralang limutin.

Sa ospital. . .

Patakbong pumasok si Chynna sa ospital at dumiretso sa nurse station.

"Abby Luna and Rhian Howell's rooms please." Walang patumpik tumpik na sabi ni Chynna sa isang nurse.

"Relation to the patients?" Tanong ng nurse.

"Girlfriend and friend." Sagot ni Chynna. Kahit na naguguluhan ang nurse ay binigay nalang nya ang room number ng mga ito. Iisang room lang ang kinuha ni Bianca at Patty para di daw masyadong mahirap magbantay.

Okay naman ang dalawa sabi ng doctor. Nabugbog lang ang sikmura pero makakalabas naman na kinabukasan. Nasabi na rin ni Rhi sa mga kaibigan ang mga nangyare sa loob ng unit nila. Yung iba't ibang babae na dinadala ni G sa kwarto nila at yung paghahanda nya lagi ng agahan para kay G at kung sino man ang katalik nito sa gabi at ang pag-aktong walang nangyare at wala syang nakita o narinig. Galit na galit naman si Chynna, Bianca, at pati si Kat. Di nila akalaing ganun ang nagyare.

"EH P*TANG*NA NAMAN PALA YANG BESTFRIEND MO EH!!! KALA MO KUNG SINONG NASAKTAN!!! ANG OA NAKAKAINIS!!! BUTI KUNG MAY GINAWA SI RHI NA GRABE PARA SAKTAN NYA NG GANUN!!! ANG BABA NYA! MALANDI DIN PALA! KALA KO PA NAMAN IBA SYA EH MUKHANG MARAMI NGA TALAGA ANG NAMAMATAY SA MALING AKALA!!! GAGO!" Nanggagalaiting sabi ni Kat.

RASTRO: Connection After All [COMPLETED]Where stories live. Discover now