CAA 7: Level 48

2.7K 103 7
                                    

No One's POV

"Pwede ba kitang. . .liga---"

***Ding. . .dong

Nagpaalam muna si Rhi kay G saglit para buksan ang pinto. Naputol ang dapat sanang sasabihin ni G sa kanya.

"Ready na sana ako eh! Nag-uumapaw na sana ang lakas ng loob ko! Tsk! Panira naman ng moment tong bwisita na to oh!" Inis na bulong ni G sa sarili.

Pagkabukas ni Rhi ng pintuan. . .

"Hi Babe! Surprise!" Ngiting bati ng babae kay Rhi sabay halik sa labi. Nagulat naman si Rhi sa pagsulpot ng babae bago tumingin kay G.

"Did she see it? Wag naman sana yung kiss please. . ." Bulong ni Rhi sa isip nya.

Bigla naman nakaramdam ng kirot sa puso si G nung makita nyang hinalikan ng babae si Rhi. Kaya umiwas muna sya ng tingin. Ang kaninang nag-uumapaw na lakas ng loob ay bigla nalang natuyo. Tumingin ulit si G kay Rhi na nakatingin din pala sa kanya. Kaya kahit masakit at parang ano mang oras babagsak na ang mga luhang kanina pa nya pinipigilan ay ngumiti nalang sya kay Rhi.

"Babe, did you miss me?" Tanong ng babae.

"Amber. . ."

"Can I come in?" Pumasok na ang babae na hindi man lang hinintay ang sagot ni Rhi. Hinila nya si Rhi sa may sala kung saan nakaupo si G. Hindi naman nito napansin si G.

"Babe. . .ahmmm (sabay lapit kay Rhi na nakatingin ng mapang-akit) pwede. . .ba (dahan dahang in-unbutton ang suot ni Rhi) tayong. . .m-maglaro muna? Namiss kita eh." Malandi nitong tanong kay Rhi. Parang na-cemento naman si Rhi sa kinatatayuan at di na nakapagsalita.

Narinig naman ni G ang sinabi ng babae kaya di na nya napigilan ang sarili. . .

"Eheeerm. . ."

"Ohh may bisita ka pala Babe (sabay tingin kay Rhi ng malagkit habang si Rhi nama'y nakatingin lang kay G na nag-iwas ng tingin). . .di mo naman sinabi sakin (sabay halos sa pisngi ni Rhi). Di mo ba ko papakilala sa kaibigan mo?"

"Ahhh. . .eheerm. . .Amber si G, G si Amber."

"Hi! I'm Amber, Rhi's long time girlfriend and soon to be fiancèe." Nagulat naman si Rhi sa sinabi ng babae. Tinitingnan lang ni Rhi si G habang si G nama'y nakangiti lang sa babae pero bakas sa mata nito ang sakit sa narinig.

"I-I'm G."

"You're Rhi's friend, right? (sinusukat ng tingin si G) You're not courting her naman siguro no? (sabay mahina at pekeng tawa) Kasi alam mo naman siguro na Rhi has a girlfriend. A LONG TIME GIRLFRIEND. (pag-iemphasize pa nya sa huling sinabi)"

Hindi pa rin nakapagsalita si Rhi sa sobrang gulat. Si G nama'y di na kayang makita na magkadikit ang dalawa. Hindi na din sya sumagot sa mga tanong ni Amber.

"Ahhh. . .Rhi (di pa din makatingin) a-alis nako. T-tumawag din kasi si Chynna. May. . .(napatigil dahil nakita niyang hinahalikan ni Amber si Rhi sa leeg at sa harap pa nya talaga) may ensayo daw kami ngayon. Sige" At dire-diretso ng lumabas si G sa bahay ni Rhi. Sinubukan sana syang habulin ni Rhi pero pinigilan ito ni Amber.

Tumakbo si G paglabas ng gate at di alam kung saan pupunta.

May girlfriend sya. . .(umiiyak habang tumatakbo) Ang sakit. . .ang sakit sakit (takbo iyak) Ako lang pala siguro ang nakaramdam na may nararamdaman kami pareho sa isa't isa. . .na mahal nya din ako. . .pero wala lang pala yun. . .kaibigan lang pala kaya nyang ibigay. Kaibigan lang!" Sabi nya sa sarili.

Di na nya kaya ang sakit kaya habang tumatakbo sya ng walang patutunguhan ay hinugot nya ang cellphone nya sa bulsa at tinawagan ang bestfriend nya.

RASTRO: Connection After All [COMPLETED]Where stories live. Discover now