CAA 2: Unfortunate Encounter

4.4K 128 15
                                    

Chynna's POV

Papunta na sana kaming 'safe haven' ni Tsong ng biglang may tumawag samin at tumapik sa balikat nya.

"Boss! Capt'n!" Hingal na sabi ni Jake. Sya nga pala bagong miyembro sya ng team namin. Ang 'Ass Kicker' 😁

"Oi Cha! Kumusta?" Asar ko sa kanya. Ayaw na ayaw nya kasing tinatawag na Cha. Naaalala nya daw ang kanyang nakaraan habang kumakanta ng "And I Am Telling You". O diba ang drama ng mokong! 😂

"Capt'n naman! Tsk! Sya nga po pala, Boss G, Capt'n may laban dun sa may basketball court malapit sa beach. 100k, Muay Thai master daw! Marami ng natalo simula pa kanina. Pati yung utol mo Boss pinatalo 30k!" Sunod sunod naman yang sabi samin.

"Lintik! Wala pang nakakatalo kay Alchris pagdating sa amateur street fight! Pano nangyaring natalo?" Sagot ko naman habang si Tsong nakikinig lang sa usapan namin ni Charice. . .ayy este Jake pala. ✌

"Mahusay Cap! Pulido mga galaw!" Sagot ni Jake.

"Tara Tsong nood tayo! Tingnan natin galawan na tumalo sa utol mo!" Yaya ko naman sa bestfriend ko.

Malapit na kami sa nasabing basketball court ng marinig namin ang pagyayabang at paghahamon ng lalaking tumalo daw kay Alchris. Wala namang may gusto kumalaban dahil sa takot. Nung marinig ko na naghamon na naman ito, bigla kong tinaas ang aking kamay.

"Raise the prize to 500k! Winner takes all!" Kalmado kong sabi na ikinatawa naman ng lalaki.

"Sigurado ka??? Sa nipis mong yan??? Hihipan lang kita parang matutumba ka na eh! Pero walang problema sakin kung yan ang gusto mo! Easy money for me!" Natatawang pagyayabang nito.

"Abay! Gago to ah! Whew! Kalma ka lang Chynns. Hinga ng malalim. Keep it cool." Pagpapakalma ko sa sarili.

"Hahaha at sinong maysabing ako ang lalaban?" Sagot ko naman. Napakunot naman ng noo ang lalaki at halatang nagtataka. "Sya! Sya ang lalabanan mo!" Turo ko kay Tsong na tila wala sa mundo at enjoy na enjoy sa paglalaro sa cellphone habang naka-earphones.

Sigawan ang mga tao at nagchicheer pati kami ni Jake. Pero parang tanga tong bestfriend ko! Ang manhid! Grabe wala talagang naramdaman at busy pa din sa cellphone nya habang kami halos mapunit na ang lalamunan kakasigaw sa pangalan nya! Hmmm makaisa nga!

"ARAY! BA'T MO KO BINATUKAN?!" Galit nyang sigaw habang himas-himas pa ang ulo.

"Labanan mo daw sya!" Sabay turo sa lalaking nagsistretching na.

"AT SINONG MAYSABING PWEDE NYO KONG UTUSAN?! HA?!" 😨 Sigaw nya sabay hagod ng masamang tingin sa mga taong nandoon. Napayuko naman lahat sa takot. Halaaa galit na ang dragon!

"Ahh. . .eh Tsong hehe. . .ako maysabi Tsong." Mahinhin at patawa tawa kong sabi baka kasi mabugahan ng apoy. Lam mo na! 😂 "Pero Tsong ni-raise ko to 500k ang prize tsaka winner takes all Tsong" Pangungumbinsi ko sa kanya. Galingan mo Chynns baka maabo ka ng wala sa oras. 🙈

"Ayoko! Ikaw nalang lumaban! Wala akong gana eh!" Kalmado at walang pakialam na nyang sagot.

Pero of course maysa artista ako eh so wala na syang nagawa kundi pumayag after ko ba naman umiyak-iyak, magdrama, at maglupasay sa harap nya! Hahaha

At nagsimula na nga ang laban sa pagitan ng bestfriend ko na kung tawagin ay 'Boss G' sa mundong street fighting at ng lalaking pinangalanang 'El Destructor' o 'The Destroyer' in English.

Nagpakitang gilas naman agad ang lalaki ng mga galawan nya bago nag Muay Thai fighting stance habang si Tsong naman ay nakatayo lang at diretsong pinagmasdan ang lalaki habang nakapasok sa harapang bulsa ang dalawang nyang kamay. Tila nainsulto naman ang lalaki sa ipinakitang ugali ni Tsong sa harapan nya kaya agad itong sumugod ng superman punch na mabilis nailagan ni Tsong kasabay ng pagbigay ng isang napakalakas na ax kick sa ulo mismo ng 'El Destructor'.

RASTRO: Connection After All [COMPLETED]Where stories live. Discover now