CAA 11: Expect the Unexpected

2.6K 97 20
                                    

G's POV

"G! Si Bianca. . ." Hingal at takot na sabi ni Patty.

"HA?! ANONG NAGYARE?" Alalang sagot ni Rhi.

"Love. . .shhh calm down. Walang masamang mangyayare kay Bianca, okay? Let me handle this." Hawak hawak ko ang isang kamay ni Rhi habang himas himas ang likod nya. Umiiyak na sya at nag-aalala sa bestfriend nya.

"Hindi ko alam! Bigla nalang syang nawala sa paningin ko nung pumasok kami sa food court. Bumili lang ako saglit ng pizza pero pagbalik ko wala na sya. Hinanap ko sya kung saan saan pero di ko sya makita. (umiiyak na ito) Di ko alam ang gagawin ko pag may masamang mangyari sa kanya. Di ko mapapatawad ang sarili ko na iniwan ko sya ng mag-isa." Hagulgol na sabi ni Patty. Niyakap naman sya ni Kat para pakalmahin.

Dumating na din sila Chynna, Abby, Sheena, at Mike. Tulong tulong na din kami sa paghahanap kay Bianca. Ilang minuto pa ang nakalipas eh hindi pa rin sya namin mahanap.

Mayamaya pa ay may tumawag na number kay Rhi. . .si Bianca. . .

"Hello?" Tanong ni Rhi sa kabilang linya.

"Hello? Bestie. . .? Anjan ka ba?" Di agad nakasagot si Rhi sa taong nasa kabilang linya kaya minabuti kong kunin sa kanya ang phone nya at niloudspeaker ito.

"B-Biancs?. . .Bestie?. . .I-Ikaw ba yan? (nanginginig na ang boses ni Rhi) A-Anong nangyare sayo? Asan ka ha? Ba't parang nanginginig boses mo? Sabihin mo samin kung nasan ka para matulungan ka namin!" Umiiyak na si Love habang patuloy na kinakausap ang bestfriend nya.

"N-Nandito ako ngayon s-sa. . .Mando's Hotel. . .Please Bestie puntahan mo na ako dito! Di ko na kaya!" Nauutal na sabi ni Bianca.

"Bestie listen to me. . .hold on, okay? Papunta na kami! Don't be afraid! Just calm down, okay?" Pagpapakalma ni Rhi kay Bianca. Kinukutuban talaga ako ng masama sa nangyare kay Bianca. Parang may mali! Parang ang tanga naman ata nung kumidnap sa kanya kung naiwan o nag-iwan ito ng phone sa loob ng pinagkulungan kay Bianca. Di ko gusto tung kutob na to kaya minabuti kong kausapin ng palihim sina Chynna at Jake para din di na magpanic ang ibang kasama namin.

Natigil kami sa pag-uusap namin nung biglang. . .

"No no no no no! Ahhhhhhh. . .Bestie help me please! Help me! Di ko na kaya! Di ko n---" At bigla ng naputol ang kabilang linya.

Nataranta na ang lahat kaya minabuti na naming puntahan ang sinabi ni Bianca na Mando's Hotel. Medyo malayo ito sa mall na pinuntahan namin. Habang naglalakad kami papuntang parking lot ay kinausap ko ulit ng palihim sina Chynna at Jake.

"Tsong! Tama ka medyo odd sya na ganun lang kadaling nakatawag si Bianca satin! Di kaya. . .(nag-isip) di kaya patibong lang to Tsong? Ano sa tingin mo?" Tanong ni Chynna at talaga yun din naman ang kutob ko na baka patibong lang to. Kaya gumawa kami ng plano. Ipapaiwan namin si Jake sa labas ng hotel para magmanman. Sinabihan na din namin syang magtago ng mabuti at i-alerto samin ni Chynna kung may kahinahinalang mga taong papasok sa hotel. Ako at si Chynna naman ang sasama sa iba para hanapin si Bianca sa loob ng hotel.

Tatlong kotse lang ang ginamit namin. Ako ang nagmamaneho sa isa kasama si Rhi, Kat, at Patty. Si Tsong naman ang nagmamaneho ng isang sasakyan kasama si Abby, Sheena, at Mike. At solo naman si Jake sa kotse nya.

"Love. . .tahan na. . .magiging okay din ang lahat. Walang masamang mangyayare kay Bianca, okay? Sisiguraduhin ko yan sayo. I love you. Ayokong nakikita kang ganyan. I want you to be strong. . .for Bianca. Kelangan ka nyang malakas ngayon, Love. Please tahan na. Wag ka na umiyak." Sabi ko kay Rhi sabay hawak sa kamay nya at hinalikan ang likod nito.

"Thank you Love dahil anjan ka. Di ko alam ang gagawin ko kung wala ka." Humigpit naman ang pagkakahawak nya sa kamay ko at pinilit ngumiti.

Narating na namin ang Mando's Hotel at patakbong pumasok doon sila Rhi, Sheena, Kat, at Abby pagkababa ng sasakyan. Medyo may kalumaan na ang nasabing hotel at di na masyadong namimaintain. Tinanong na ni Rhi ang receptionist kung may nakapagbook ngayon sa hotel kasama si Bianca at pinakita din nya ang picture nito.

RASTRO: Connection After All [COMPLETED]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ