CAA 27: Change of Heart

1.7K 121 41
                                    

No One's POV

Rhi was shocked when the old man introduced his son. At sa lahat pa ng tao yun pa talaga na kinamumuhian nya ng todo.

"Hi Rhi. Long time no see." Ross smirked at Rhi na kinainis naman ng dalaga. "Diba I told you mapapasakin ka? Ayaw mo kasing maniwala. (tawa) Ahh. . .how's your. . .FIANCEE pala? Or should I say. . .SISTER?" Mas lalo pang nag init ang dugo ng dalaga sa kausap. Tatawa tawa lang ito na tila sinasadyang mang-inis. Tumutulo lang ang mga luha ni Rhi sa halo halong emosyon. Hindi nya alam ano ang gagawin at kung paniniwalaan ang sinasabi ng ama-amahan at ni Ross. "But don't worry. . .hindi naman ako kagaya ni Dad na diring diri. I still want you. . .I mean I want you more than anything. I'm in love with you Rhi. Can't you see that?" Litanya ng nakawheelchair na ngayong si Ross. Hindi na nya nagawang makalakad pa simula nung binali ni G ang mga binti nya. "And timing pa na ang babaeng pinili mong mahalin eh kinasusuklaman ko sa buong buhay ko. Pero. . .okay lang ikakasal ka naman sakin in no time eh so yun na siguro yung ganti ko sa kapatid mo. Well aside from the fact na malalaman nyang kapatid nya ang kinahumalingan nya. Anyway, can I kiss my future wife?" Iiling iling at tatawa tawang sabi ni Ross. Akmang lalapitan na sana ni Ross at tatangkaing halikan ang dalaga nung biglang makawala ang isang paa nito at sinipa sya sa harapan. Napayuko naman si Ross sa kinauupuang wheelchair. Agad namang sumaklolo si Rhex at sinampal si Rhi.

"WALANGHIYA KANG BATA KA!!! ANONG KARAPATAN MONG SAKTAN ANG ANAK KO HA?! GAGAWIN NAMIN LAHAT NG GUSTO NAMING GAWIN SAYO BILANG KABAYARAN MO SA LAHAT NG PINAKAIN KO SAYO!!! WALANG UTANG NA LOOB! IKAW DIN ANG MAGBABAYAD SA KASALANAN NG MALANDI MONG INA! AT SUSUNOD KA SA LAHAT NG GUSTO KO SA AYAW MO'T SA GUSTO!!!" Nanlilisik na mga mata na sabi ng matanda. "Son let's go! May importante pa tayong pupuntahan! Gaganti tayo sa lahat ng ginawa sayo ng kapatid nyan (turo kay Rhi)! Ako mismo ang papatay sa kanya! Sa mga kamay ko mismo malalagutan ng hininga ang G na yan!" Galit na galit na sabi ni Rhex bago tumalikod at naglakad palabas ng silid kung saan nakatali si Rhi.

Iyak ng iyak ang dalaga. She felt so helpless. Wala syang kakampi at walang nagmamalasakit sa kanya. Sa mga ganitong sitwasyon, tanging si G lang ang naaalala nyang nagpapatahan at nagpapagaan ng loob nya. Kaso napag-isip isip nya na walang rason ang ama-amahan para itago ang totoo sa kanya. Mas lalo syang napaiyak sa mga narirealize. All this time akala nya, totoo na. Totoo ng nagmahal sya ng sobra pa sa buhay nya. Pero hindi. . .mali. . .mali ang nararamdaman nya dahil magkapatid sila ng taong pinagbigyan nya ng puso't kaluluwa. Hindi nya alam kung anong magiging reaksyon ni G pag nalaman nito ang totoo. Iyak lang ng iyak ang dalaga hanggang sa makatulog ito.

Sa guild. . .

"Tito! Tsong! May suspetsa ako. May suspetsa akong sa Demon's Dome dinala ni K.Stew si Rhi!" Biglang nagising si G sa mahimbing na pagtulog nung may makita sya sa panaginip nya. Patakbo itong lumabas ng silid at nagsisisigaw na tinatawag ang Tito at bestfriend nya. Nasa sala naman ang mga ito kaya narinig nila agad ang pagtawag ni G.

"O Tsong bakit? Anong suspetsa? Pano mo nasabi na dun talaga nila dinala si Rhi?" Si Chynna.

"Kase Tsong naalala ko may logo ng ulo ng demonyo ang kotse ng isang tauhan nung K.Stew. Gold plated sa may bumper. Nasilip ko yun sa bintana ng CR nung nagpaalam ako na magsi-CR lang. Kaya may suspetsa akong nandun si Rhi sa dome." Si G na medyo umaliwalas ang mukha sa pag-asang nakikita para mailigtas ang babaeng mahal na mahal nya. Natigilan naman sina Chynna at Tito Grae. Hindi nila alam kung paano sasabihin kay G ang totoo. Pero alam nilang karapatan ni G ang malaman ang katotohanan kaya naglakas loob na si Chynna na magsalita.

"Ahhh. . .Tsong. . .m-may gusto sana kaming sabihin sayo ni Tito. . .Uhmmm pero mangako ka muna na. . .(hindi makatingin ng diretso) na makikinig ka muna samin at papatapusin mo kami bago ka magreact." Kumunot ang noo ni G sa sinabi ng bestfriend.

RASTRO: Connection After All [COMPLETED]Where stories live. Discover now