CAA 4: Fighter's Guild

3.6K 115 9
                                    

G's POV

We're here at the Fighter's Guild. Ito ang tanging alaala na ipinamana sakin ng mga magulang ko. Tinayo itong lugar na to to mold fighters. Yes! Street fighter si Tatay. Nagkataong nagmeet sila ni Nanay sa isang match na sinalihan ni Tatay at magmula noon naging mas malapit na sila sa isa't isa. Hanggang sa kinidnap si Nanay at dinala sa Demon's Dome - pagmamay-ari ng isang psychopath na anak ng presidente.

Ang Fighter's Guild ay matatagpuan sa isang pribado at sekretong lugar kung saan dalawang paraan lang para makapasok. Una, tanging mga karapatdapat na fighters lamang ang nakakapasok gamit ang kanilang galing sa pakikipaglaban at pagharap sa lahat ng pagsubok na nakaabang bago nila marating ang pinto papasok. At ang pangalawa ay maging kaibigan namin ni Chynna. Di kami basta basta nakikipagkaibigan kahit kanino kasi alam na alam namin bumasa ng tao. Sana ganun din sa pag-ibig no? Singit ko sa isip ko. Pero nung mameet namin ang dyosa ko at ang grupo nya, magaan ang loob ko sa kanila. Madali din namin sila nakapalagayang loob. Inggit nga ako kay Tsong eh kasi close sila ni Rhi. Anyway, dito din sa Fighter's Guild ang kuta naming mga Ass Kickers. Actually, tatlo lang kami sa grupo. Ako, si Chynna, at si Jake. Nagtitraining kami ngayon para sa upcoming underground ring fight 2 weeks from now. Solo, dual, at trio ang sasalihan naming category kaya puspusan ang pag-eensayong biglang. . . . .

"Hi!" Sabi ni Chynna.

_________________________________________________

Rhi's POV

Flashback

Nung makarating na ako ng bahay at nakapasok na sa kwarto, agad kong binuksan ang white envelope na binigay ni Chynna. Isang short letter, isang ATM-like access card, at isang calling card. Teka. . .calling card. . .ni G? Di kaya nagkamali lang si Chynna ng pagbigay? Nagtaka ako kaya binasa ko nalang ang short letter.

Rhi,

Hi! I'm inviting you to visit the Fighter's Guild anytime you want. Here's my access card. I know you're thinking that I mistakenly gave you G's number but No. Since we're friends and I like you for my bestfriend. . .wag mo na i-deny dahil I know at nararamdaman ko ang lakas ng connection nyo hahaha. . .so go on text mo na. But a little reminder. The access card is good for one person only so you can't bring anyone with you. And please don't tell anyone about this. I trust you. I'll explain to you everything when you get there. Basta don't be scared just swipe the card.

Capt'n C

Kahit kakagaling ko lang ng ospital kahapon heto ako. . . sa harap ng isang napakataas na gate sa isang liblib at sekretong lugar. Pagkaswipe ko sa access card at bumukas ang pinto, feeling ko lalabas nalang ako. Isang mahabang tulay na bangin ang ilalim ang tumambad sakin. At di lang yun marami ding nagbabagsakang bato mula sa ibabaw and damn those big axes na nagsiswing back and forth in different speed from different directions. Ayoko dito! Ano ba tong lugar na to? Aalis na sana ako nung maalala ko ang sinabi ni Chynna. Swipe lang daw sabi nya so sinunod ko nalang. Pagkaswipe ko nagbago ang lahat. Wala ng tulay, mga bato, at mga ax. . .naging isang normal na passage way. Hindi pa yun dun natatapos. Marami pa akong nadaanan na mga pinto at sa likod ng bawat pinto iba iba ang bumubungad. Masasabi kong di talaga nakakapasok ang sino sino lang dito.

Nung marating ko na ang red gate at nagswipe. . .

"Hi!" Nakangiting bati ni Chynna. Nakita ko silang tatlo dun. Si G, si Chynna, at si Jake.

"Hmmm hi!" Balik kong bati. Nakangiti lang si Chynna at Jake. Nakita ko naman nagulat si G. "Hi G!" Bati ko sa kanya.

"Tsong pwede ba tayo mag-usap?" Seryosong sabi ni G kay Chynna. At naglakad na sila papalayo habang ako ay naiwan kasama si Jake. Nag-usap nalang kami ni Jake at natanong ko na din kung ano tong lugar na to, kung bakit may ganito, at bakit sila nandito. Madami dami na din napag-usapan namin nung makabalik sila Chynna at G.

RASTRO: Connection After All [COMPLETED]Where stories live. Discover now