CAA 26: Haunted by the Past

1.8K 111 13
                                    

No One's POV

Nag-uusap ngayon sina G, Tito Grae, at Chynna. Nasa lab sila ngayon ni Tito Grae at nagpaplano sa gagawing pagligtas kay Rhi. Hindi naman maiwasang mapag-usapan ang nakaraan.

"Tito, ano po talagang nangyare sa mga magulang ko? Ang alam ko lang kase namatay sila pero hindi ko alam kung papano. Naaksidente ba sila o nagkasakit. . .hindi ko alam. Wala akong alam." Si G.

"Hija. . .palagay koy kelangan mo ng malaman ang totoo. Ang totoo tungkol sa tunay na pagkatao meron ang fiancee mo. . ."

"T-Tito? A-Anong t-tunay na pagkatao ni Rhi?"

"Hija. . .(hinawakan ang kamay ni G) she's the daughter of the man that killed your parents. Pinatay ang mga magulang mo G. Hindi sila naaksidente o nagkasakit! Walang awang pinatay ng ama ng fiancee mo si Kuya at ang mama mo."

"T-Tito? A-Ano pong. . .pinagsasasabi nyo? Hindi po totoo yan! Sabihin nyong hindi po totoo!" Mangiyak ngiyak na na sagot ni G.

"Hija. . .masakit man pero. . .yun ang totoo. Pero. . .hindi ako galit kay Rhi. Wala naman syang kasalanan sa mga nangyare. Yung tatay nya ang may atraso satin, hindi ang fiancee mo."

"Oo nga Tsong! Walang kasalanan si Rhi! Don't tell me sinisisi mo sya sa nangyare sa mga magulang mo?" Si Chynna.

"Di ko naman sya sinisisi pero hindi ko kase maiwasang isipin na sya ang anak ng taong pumatay sa mga magulang ko. Pero tama kayo walang kasalanan dito si Rhi. Ang tatay nya ang dapat magbayad!" Galit na sabi ni G.

"Teka. . .Tito kilala nyo po ba kung sino ang tatay ni Rhi?" Si Chynna.

"Yes. Sya si Rhex Howell. Matindi ang galit nya sa papa mo G. Inlove sya sa mama mo kaya hinamon nya ang papa mo ng Death Wars. Dalawang beses nya itong hinamon. Natalo sya nung unang beses pero sa pangalawang beses. . .nagawa nyang mapatay ang papa mo." Malungkot na sabi ni Tito Grae.

"Teka teka po Tito. . .papano nya po natalo si Papa? At tsaka pwede palang hamunin ulit ang nakatalo sayo?" Si G.

"Tinalo nya ang papa mo gaya ng ginawa sayo nung K.Stew at yung kasama nya. Lason. Hindi ko nagawang iligtas ang papa mo dahil wala pa akong kahit anong impormasyon tungkol sa lason na yun. Kaya pumunta ako ng ibang bansa at ginugol ang oras sa paghahanap ng lunas. Hanggang sa nakabuo ako at ikaw ang first successful test subject na napagaling antidote ko." Sabi ni Tito Grae. Nag-usap pa ang mag tito kasama si Chynna. Mayamaya'y nagpaalam muna si G para makapagpahinga. Kelangan nyang mabawi ang lakas nya bago sagipin ang kasintahan. Naiwan naman sina Chynna at Tito Grae.

"Ahhh. . .Tito, malalim po ata iniisip nyo? May problema po ba?" Takang tanong ni Chynna. Napansin nya kasing tulala, malungkot, at nag-aalala ang matanda.

"Uhmmm C. . .can I tell you a secret?"

"Ahhh. . .ehh (kunot noo) oo naman po. Ano po yun? Tungkol po saan?"

"Hindi saan. Kanino." Kumunot lalo ang noo ni Chynna sa sagot ng matanda.

"Tungkol po. . .kanino?"

"Tungkol kay G."

"Ha? Ano pong tungkol sa kanya Tito?"

"C kase. . .may hindi ako sinabi sa kanya. Hindi ko sinabi sa kanya ang buong katotohanan."

"T-Tito? Ano p-pong katotohanan ang sinasabi nyo?"

"Si G. . .anak sya ni Kuya Gustav. . .kay Rina." Nakayukong sabi ng matanda. Nangingilid na ang mga luha nito.

"Po??? Sino po si Rina? Tsaka. . .di naman po Rina totoong pangalan ng mama ni Tsong Tito. Diba Elise po?"

"Yun na nga C. Hindi sya anak ni Kuya kay Elise. (bumuntong hininga ang matanda bago nagpatuloy) Anak sya ni Kuya kay Rina. . .(pumikit ang matanda bago nagpatuloy) na. . .na tunay na ina ni. . .Rhi." Nanlaki ang mga mata ni Chynna sa nalaman. Tuluyan ng umiyak ang matanda. Masakit sa kanyang isipin na masasaktan ang pamangkin kapag nalaman nito ang totoo.

RASTRO: Connection After All [COMPLETED]Место, где живут истории. Откройте их для себя