CAA 30: Chasing Death

1.7K 82 16
                                    

No One's POV

Kasalukuyang naghahanda sina Chynna, K, at Jake para sa kani-kanilang laban. Hindi pa naman agad magsisimula ang mga laban sa Death Rounds habang kabaliktaran naman ang sa Challenging Rounds.

Pagpasok na pagpasok ni G sa entrance ng Challenging Rounds ay agad syang tinawag ng isang babae.

"Hi! Welcome to the Challenging Rounds! I'm Dee, your sched assistant. Alam mo na naman siguro ang rules diba? But we have an additional rule. Earlier lang kasi inannounce. So the last rule is. . .if you get your prize, your game is over. Meaning, you will both go home safe. Okay? Is that clear? Cmon I'll explain to you your fights' sched." Inorient si G ng babae pero tila hindi ito nakikinig bagkus may gusto itong gawin.

"Can I. . .fight them all together? I mean. . .in a one big fight? Wala na po kasi akong oras. My fiancee needs me." Alala at halatang nagmamadaling tanong ni G sa babaeng nag-oorient sa kanya.

"Hmmm. . .I think you can. But I still have to ask the tournament's organizer. Can you really handle them all? I mean. . .my estimate is around 100 fighters in this level. Are you sure?" Si Dee.

"Yes." Tipid na sagot ni G. Medyo relax pa sya dahil alam nyang puro newbies pa lang ang mga nandito. So naisip nyang pagsabayin nalang nya lahat sa isang malaking laban. Naayos naman agad ng assistant nya ang schedule ng laban nya.

"Okay na ang laban mo against them all (tingin sa ibang fighters). But you need to tell me when."

"Now." Maikli pero makahulugang sagot ni G. Siguradong sigurado sya na mananalo sya sa level na to.

Mayamaya pa'y tinawag na ang kanyang pangalan. Pumasok na sya sa loob ng battle grounds kasabay din ng pagpasok ng lahat ng fighters sa Challenging Rounds.

Hindi nagtagal ay sinimulan na ang laban. Unang sumugod ang mga fighters kay G. Relax na relax na nakatago lang ang mga kamay nito sa harapang bulsa habang hinihintay makalapit ang mga sumusugod na fighters. Isa isang pinatumba lahat ni G ang mga kalaban gamit lamang ang dodge at ang signature ax kick nya. Gaya ng inaasahan ay nanalo si G at makakaproceed na sa Qualifying Rounds kung saan nya kakalabanin ang rank #50 - #11.

Galit na galit naman ang ekspresyon ni Ross ng masaksihan iyun. Kaya gumawa sya ng paraan para matalo si G.

"Hello!!! Wag nyong hahayaang makatungtung ng Death Rounds si G kundi kayo mananagot sakin!!! Naintindihan nyo?!!! Gawin nyo ang lahat mapatumba lang sya!!!" Sabi ni Ross sa kabilang linya.

"Boss. . .ahh. . .ehh. . .m-masyado p-po ata syang malakas Boss. D-Di s-siguro namin kakayanin. . .k-kahit. . .hmmm. . .magtulong tulong pa kami ng l-lahat ng fighters sa Qualifying Rounds."

"WALA AKONG PAKEALAM!!! SUNDIN MO ANG GUSTO KO OR ELSE MAMAMATAY ANG MAHAL MO!!! NAINTINDIHAN MO #11?!!!

"O-Opo Boss. . ." Binaba agad ni Ross ang tawag pagkatapos sumagot ng oo ang rank #11 fighter.

Mayamaya, bumukas na ang entrance ng Qualifying Rounds.

"Whooooo that's my Brother!" Cheer ng cheer si Chynna sa harap ng monitor ng makitang nasa Qualifying Rounds na si G. Masayang masaya naman si Rhi na nanonood kay G. Proud na proud sya dito. Alam nyang mananalo ito pero di pa rin nya maiwasang mag-alala. Kahit alam nyang "magkapatid" sila ay mahal na mahal pa rin nya ito at ayaw nya itong mapahamak lalo pa't narinig nya si Ross na may gagawin itong masama kay G.

Gaya ng kanina, G challenges all the fighters in the Qualifying Rounds and scheduled the fight immediately.

"Your fight is in 3 hrs. You still have time to relax." Sabi ng sched assistant ni G na si Dee. Tumango lang si G bilang sagot bago tumingin sa glass room ni Rhi. Nagulat sya nung pagtingin nya ay nakatingin din ito sa kanya. Nag-uusap sila gamit ang kanilang mga mata. Pero hindi na napigilan ni G ang nararamdaman kaya nagheart sign ito at nagmouth ng 'I love you' kay Rhi. Ngumiti naman ang dalaga bago nagbawi ng tingin. Nagtaka naman si G sa naging tugon ni Rhi sa kanya.

RASTRO: Connection After All [COMPLETED]Where stories live. Discover now