CAA 14: Melancholic Happiness

2.1K 83 35
                                    

Rhi's POV

I saw G walk away from me. Sobrang sakit. Sinaktan ko ang tanging taong nagpahalaga sakin. Ang tanging taong nagpakita sakin ng tunay na respeto at pagmamahal na hindi naibigay ng kahit sino maski ng sarili kong pamilya. And now she's gone. Hinayaan kong maramdaman ang panandaliang aliw at atensyon na binibigay ni Ross. I took G for granted. Napakasama kong tao. She even shook off the temptation nung nasa boutique kami. Di sya nagpatukso sa babaeng halata namang may gusto sa kanya. At kahit na hindi nya alam na nakikinig ako sa mga sagot nya, di nya ko kailanman binigo. She remained faithful and loyal. Pero ako? Wala sinira ko. Sinira ko ang tiwala ng taong tunay na nagmalasakit, rumispeto, at nagmahal sakin ng higit pa sa buhay nya. What have you done Rhi! What have you done!

"Yon! Ano ba kaseng nangyare?!" Inis na tanong ni Bianca. Nandito kami ngayon sa resort. Kasama kong bumalik si Chynna. Pinilit namin hanapin si G after nung tumalikod sya sakin pero dalawang oras na kami naghahanap pero di pa rin namin sya nahahanap kaya nagdesisyon na muna kaming bumalik ng resort.

"I ruined it Bestie! I'm so messed up. . .Nasaktan ko sya. Nasaktan ko ang taong pinakamamahal ko. And now iniwan na nya ko." Sobra na akong nasasaktan dahil iniwan na ako ni G. Patuloy pa rin ang agos ng luha ko nung magsalita si Abby.

"Dahil ba to kay Ross, Rhi?" Concern na tanong ni Abby. Nagulat naman ako na maski sya nakapansin sa closeness namin ni Ross.

"I know Rhi. I saw you two. I saw how he looked at you. Hindi ko na natiis at inaamin ko sayo na nainis ako sayo nung una. Alam kong hindi deserve ni G ang ganun. Kaya sinabi ko kay Chynna lahat lahat." Nagulat ako sa pag-amin ni Abby.

"And I'm sorry Rhi kung nagawa kong sabihin kay Tsong. Ayokong nasasaktan sya Rhi. Alam mo yan. Alam nyo yan. Kapatid ko na yun at nasasaktan akong nakikita syang ganun. But Rhi sa sobrang pagmamahal nya sayo. . .binigyan ka nya ng chance. Ginusto nyang sya mismo ang makakita na may nagyayare nga sa inyo ng lalakeng yun. Kaya after nung hinatid ko sya sa kwarto nyo na lasing na lasing kinaumahan nun maaga din kaming umalis at pumunta ng underground. Nilabas ni Tsong lahat ng sama ng loob at sakit na nararamdaman nya pero kulang na kulang pa rin. Mahigit dalawang oras syang lumaban buti nalang napakiusapan ko na lumabas na muna at kumain kaya dumiretso kami dun sa restaurant. Pero nakita namin kayo ni Ross na nagtatawanan. Ang sakit nun Rhi. Maski ako nasaktan para sa bestfriend ko. Sinundan namin kayo hanggang sa bar at nakatingin lang kami sa inyo sa malayo. Sobrang gumuho ang mundo ni Tsong nung makita nyang hahalikan ka na nung Ross pero hinayaan mo lang. Rhi, ba't ganun? Ba't nagkaganun? Hindi kita muna ijajudge sa mga nagawa mo pero pakiusap naman oh sabihin mo yung side mo at maliwanagan naman kami. Naaawa na rin kase ako sa bestfriend ko eh. Wasak na wasak sya Rhi." Naluluhang pag-amin ni Chynna.

"Eh gaga ka pala Yon eh! (nanlilisik na matang sabi ni Kat) Kahit kaibigan kita hindi kita kakampihan ngayon! Yoyon naman! Ba't mo yun nagawa? Ikaw sa lahat ng tao ang nakakaalam na mahal na mahal ka ni G! Diba nga hindi sya natukso dun sa babae sa boutique at pinagtanggol ka pa! Yon naman eh! Kakabadtrip ka naman eh! Dumating lang yung Ross nilandi mo naman agad! Nakakaloka ka!" Inis na inis na sabi ni Kat.

"Kat tama na yan! Alam mo ng gulong gulo na si Yoyon dinadagdagan mo pa!" Saway ni Bianca.

"Bestie, hayaan mo na. Tama naman si Kat eh. Ang gago ko. Ang tanga tanga ko na hinayaan ko yung mangyare. Pero ang totoo nyan guys I like Ross as a friend. Nothing more. I swear. Para ko lang syang kapatid. And I know na may gusto sya sakin coz I noticed his advances. But I didn't mind kase wala lang talaga yun sakin. He's just a friend. Pero now hindi na dahil nakita ko na ang tunay nyang ugali. Mahal ko si G, mahal na mahal. At nagsisisi ako sa mga nagawa ko. Kaya please tulungan nyo kong hanapin sya. I want to win her back. Ayokong mawala sya sakin. Hindi ko kakayanin." Umaagos pa rin ang luha ko habang nagmamakaawa sa mga kaibigan namin.

RASTRO: Connection After All [COMPLETED]Место, где живут истории. Откройте их для себя