CAA 28: Inevitable Revelation

1.6K 112 30
                                    

No One's POV

*Tok tok tok. . .

Dali daling inilapag ni Bianca ang papel na binabasa at patakbong binuksan ang pinto.

"CHYNNS!" Hinihingal na salubong ni Bianca sa kaibigan.

"O anong nangyari sayo? Bakit ka hinihingal?"

"WHERE'S G? I NEED TO TELL HER SOMETHING!"

"Uhmmm Biancs hayaan nalang muna natin si Tsong. Nasaktan kasi sya ng husto eh. Tumawag sya sakin kanina na aalis daw muna sya. Magpapakalayo nalang daw muna sya para makapag-isip. Hin---"

"NO! HINDI PWEDE CHYNNS! HINDI SYA PWEDENG UMALIS DAHIL HINDI SILA MAGKAPATID NI YOYON!" Nagulat at kumunot naman ang noo ni Chynna.

"P-Pero. . .ang sabi. . .diba sabi. . .p-paano mo nasabi?" Di makapaniwalang tanong ni Chynna sa nalaman. Ngumiti naman si Bianca sa kanya.

"CHYNNS (hawak sa balikat ni Chynna)! G IS NOT TITA RINA'S DAUGHTER!"

"ANO???"

"YES CHYNNS! SHE IS REALLY THE DAUGHTER OF TITO GUSTAV AND TITA ELISE! BASTA MAHABANG STORYA. . .TSAKA KO NALANG IPAPALIWANAG. ANG IMPORTANTE NGAYON MALAMAN NI G ANG TOTOO! KAYA TARA NA HANAPIN NA NATIN SYA BILIS! HINDI SYA PWEDENG UMALIS AT IWAN NALANG BASTA BASTA ANG BESTFRIEND KO!" Natataranta na ang dalawa dahil hindi nila alam kung saan hahanapin si G. Tinatawagan naman ni Chynna ito pero hindi ito macontact.

"Anong gagawin natin? Hindi ko macontact si Tsong! Leche naman oh! Ayokong mauwi sa wala ang paborito kong loveteam at couple!" Kahit natataranta na si Chynna ay nagawa pa rin nitong magbiro. Sinabi at ipinaliwanag na din ni Bianca kay Tito Grae at sa iba pa nilang kaibigan ang totoo.

"Yes guys! G is not Tita Rina's daughter." Si Bianca.

"Teka teka Hija. . . papanong nangyari yun? Ang sabi sakin ni Kuya anak nya si G kay Rina. Papanong naging anak ni Ate Elise si G?" Si Tito Grae.

"Tito, guys, kasi ganito yun. May point sa lovestory nina Tito Gustav at Tita Elise na nagkahiwalay sila ng dahil sa isang scandal ni Tito Gustav kasama ang isang babae na gawa gawa lang din ni Tito Rhex. Ipinakita nya ito kay Tita Elise kaya nagalit ng husto si Tita kay Tito Gustav at nagkahiwalay sila. Inlove pala tong si Tito Rhex kay Tita Elise kaya niligawan nya ito after ng breakup ng dalawa. Pero di rin nagtagal nalaman din ni Tita Elise ang totoo pero natatakot syang saktan ni Tito Rhex ang pamilya nya kaya pinili nyang manahimik nalang. Nagkaroon ulit ng koneksyon si Tito Gustav at Tita Elise hanggang sa nabuntis ni Tito si Tita. Ayaw naman ni Tita Elise na malaman ni Tito Rhex ang totoo dahil sa takot na rin na baka pumatay ito ng tao knowing na he's a psychopath. Kaya isinekreto nilang tatlo nina Tito Gustav, Tita Elise, at Tita Rina ang pagbubuntis ni Tita Elise. Magbestfriends pala tong si Tita Elise at Tita Rina kaya nakaisip sila ng paraan kung papano lulusutan ang sitwasyon. Sinabihan ni Tita Elise si Tito Rhex na aalis muna ito at mag-iisip isip at pinangakuan si Tito Rhex ng kasal pagbalik nito kaya pumayag agad agad si Tito Rhex. Sa pagbalik nila, ipinaako ni Tita Elise ang bata kay Tita Rina at sinabihang anak si G nina Tito Gustav at Tita Rina." Mahabang explinasyon ni Bianca.

"Teka teka. . .papano mo nalaman ang mga ito Hija? Papano ka nakakasiguro na hindi nga anak ni Kuya si G kay Rina?" Takang tanong ni Tito Grae.

"Kasi po. . .nabasa ko po yung isang page sa journal ni Tita Rina na nakaipit sa journal ni Dad."

"Wait so. . .so meaning alam na ni Rhex na tunay talagang anak ni Kuya at Ate Elise si G? Nag-aalala ako baka kung anong gawin nya kay G knowing na anak sya ng lalaking kinasusuklaman nya at ng babaeng mahal nya. Siguradong ipapapatay nya si G pag nalaman nya to." Nagsimula ng mag-alala si Tito Grae.

RASTRO: Connection After All [COMPLETED]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum