CAA 12: You Rock My World

3.5K 92 14
                                    

No One's POV

Ngayon ang araw ng alis ng magkakaibigan papuntang Phuket, Thailand. Their destination is one of the loveliest islands in Southeast Asia and Thailand's island superstar, Phi Phi Island. Nasa guild pa ang magkakaibigan at nag-aayos pa ng gamit ang iba. Ang iba nama'y nasa sasakyan na.

"Insan bilisan mo na! Ikaw nalang hinihintay oh." Tawag ni Sheena kay Kat.

"Oo na ito na palabas na!" Sagot ni Kat.

"Love, anong gusto mong gawin pagdating natin ng Phi Phi? You want to go snorkeling? Sigurado maraming magagandang isda dun." Rhi asked G. Hinapit naman sya ng kasintahan sa beywang at niyakap.

"Anything Love basta kasama kita. Alam mo naman kahit ilan pang magagandang lugar ang puntahan natin, sayo pa rin nakapako mga titig ko." Banat ni G. Namula naman si Rhi sa kilig kaya hinalikan nalang nya sa labi ang kasintahan.

"Sarap na agahan nun ah. Busog na busog ako." Sabi ni G at hinampas lang sya ng mahina ni Rhi sa braso.

"Tsong ang sarap nga ng agahan mo. Pwedeng araw arawin (sabat ni Chynna). Ako Bebe wala bang breakfast jan?" Tingin nya kay Abby na ngingiti ngiti lang.

"Nakuuu nainggit ang Bebe ko. Lika nga dito." Hinalikan naman din sya ni Abby.

"Sarap Tsong?" Sabi ni G kay Chynna.

"Oo Tsong (lapad ng ngiti kay G). Bebe pwede lunch and dinner na din?" Pahabol ni Chynna kaya nahampas na sya ng mahina ni Abby sa braso.

Nakatalikod at nakasandal lang si Rhi kay G habang si G nama'y nakayakap kay Rhi at nakabaon ang chin nito sa balikat ng kasintahan. Nilalaro naman ni Rhi ang fingers ni G at paminsan minsan hinahalikan ito.

Ilang minuto din sila nag-antay kay Kat na matapos mag-ayos ng gamit. Pagkalabas nito ay pumunta na silang lahat sa van ni Mike at dumiretso na ng airport. Private jet na napanalunan nila G at Chynna ang gagamitin nila kaya di na nila kelangan pumila ng mahaba sa counter. Pagkababa nila ng sasakyan ay todo alalay pa rin si G kay Rhi. Sya din ang nagbitbit ng bagahe nito at nakaakbay naman ang isang kamay niya sa balikat ng dalaga. Si Rhi nama'y nakayakap lang ang dalawang kamay sa waist ni G habang nakarest ang ulo nito sa balikat ng kasintahan. Naglalakad na ang grupo sa loob ng airport papunta sa boarding gate kung san nakapwesto ang private jet ng biglang may bumanggang lalaki kay Rhi at natapunan ang damit nito ng shake na iniinum nung lalaki.

"O God I'm sorry I'm really sorry. Di ako tumingin sa dinadaanan ko." Sabi ng lalaki sabay kuha ng panyo. Pupunasan na sana nya si Rhi ng biglang pinigilan ni G ang kamay nito.

"I got it. Thanks." Seryoso at kunot noong sabi ni G sa lalaki at humarap na kay Rhi. Di nya gusto ang mga titig nito sa kasintahan.

"Love are you okay? Let's go to the restroom nalang muna para makapagpalit ka. Come. . ." Malambing na sabi ni G kay Rhi at inakbayan na ito papuntang restroom.

"Tsong pakibantayan naman muna ibang gamit namin please. Punta lang kaming restroom. Magpapalit lang ng damit si Love." Sabi ni G kay Chynna at tumango lang ito.

Lumapit naman ang lalaki kung san nakatumpok ang grupo.

"Ahh. . .excuse me. Sorry pala kanina. Di ko sinasadya. Nadelay ko pa tuloy lakad nyo. Pasensya na talaga ha. By the way, I'm Ross." Pagpapakilala ng lalaki sa grupo.

"Wala yun bro. I'm Chynna. Ito nga pala girlfriend ko si Abby at brother ko si Jake. This is Bianca and her girlfriend Patty. Ito naman ang bungangerang mahilig sa libre na kaibigan naming si Kat. (hinampas sya ng marahas ni Kat sa braso) And the sweet couple Sheena and Mike. Tsaka yung dalawang nasa restroom yung power couple namin, si G, kapatid ko yung may hawak ng bagahe kanina, and the love of her life si Rhi, yung natapunan mo ng shake." Ngiting pagpapakilala ni Chynna sa mga kaibigan.

RASTRO: Connection After All [COMPLETED]Kde žijí příběhy. Začni objevovat