CAA 5: Anything For You

2.9K 112 7
                                    

G's POV

"Hello again Boss G!" Sabi ng nasa kabilang linya.

"Sino to? Bakit mo ko kilala? Anong kailangan mo?" Kalma kong sagot kahit na may hinala nako na baka may kinalaman ito sa biglang pagkawala ni Rhi.

At hindi nga ako nagkamali nung nagsalita ulit ang kabilang linya.

"GET YOUR HANDS OFF ME! DON'T TOUCH ME!!!"

"RHI??? RHI!! SAN KA? ANONG GINAWA NILA SAYO? NASAKTAN KA BA? HA?! SABIHIN MO! SINONG GUMAWA SAYO NITO? HA?"

"G? G! ILIGTAS MO KO!" Iyak nyang tawag sakin. At grabe ang hatid na kirot nito sa puso ko.

"Wag kang mag-alala gagawin ko ang lahat maging okay ka lang. Ha? Wag ka ng umiyak! Wag kang matakot! Nandito lang ako hahanapin kita. Okay?" Pagpapakalma ko sa kanya pero iyak pa rin sya ng iyak.

"Wow so touchi...!"

"WALANG HIYA KA!!! ANONG GINAWA NYO SA KANYA?! HA?! WAG NA WAG KANG MAGKAKAMALING SAKTAN SYA KUNDI DILA MO LANG ANG WALANG LATAY!! NAINTINDIHAN MO?!

"Di mo na sya kelangang hanapin! Alam mo kung saan kami! Pumunta ka dito ng mag-isa kundi. . .alam mo ng mangyayari sa kanya! Binabalaan kita! Wag na wag kang magdadala ng kasama!"

Tototototot. . . . .

"HELLO! HELLO!"

End of Call

Wala na akong sinayang na oras pa. Kinausap ko agad si Chynna at Jake tungkol sa nangyari kay Rhi. Of course hindi naman ako tanga para pumunta dun ng mag-isa. Bobo lang ang mag-iisip ng ganun. Pero kelangan pa din namin mag-ingat dahil si Rhi, ang dyosa ko ang nakataya dito. Kinausap na din namin sila Bianca. Maghahanap din daw sila ng tutulong. Di na namin aasahan ang mga pulis dahil wala naman silang silbi. Sunod sunuran lang sa utos ng psychopath na anak ng presidente. Wala na kaming aasahan pa kundi mga sarili namin. Kelangan kong iligtas si Rhi. Kelangan kong protektahan ang dyosa ko kahit buhay ko pa ang kapalit.

Gaya ng napagplanuhan namin ni Chynna, Jake, at mga tauhan ni Bianca, pupunta ako ng mag-isa sa kuta pero after 1 hr na hindi pa ko lumalabas susunod na sila Chynna at Jake habang ang grupo nila Bianca ay nakaantabay lang sa labas. After another 30 mins na hindi pa kami lumalabas ay susugurin na nila ang kuta. 'Kiss Mark' ang nakikita kong may gawa nito kay Rhi. Hintayin mo ko Rhi ililigtas kita ano man ang mangyayari.

Nasa harap na ako ngayon ng pinto ng kuta ng Kiss Mark habang sila Chynna ay nakamasid at nakatago lang sa medyo malayo. Lumabas ang tatlong miyembro ng grupo at inobserbahan ang paligid. Sinigurado na ako lang talagang mag-isa ang nagpunta. Ng makasiguro ay inescortan na nila ako papasok.

Malayo pa lang ay rinig ko na ang malakas na sampal ng sinuman. Nung makita ko ang lalaking may pulang buhok, agad na kumunot ang noo ko at binaling ang paningin ko sa babaeng nakatayo at nakagapos paitaas ang mga kamay. Nakayuko ito at natatabunan ng buhok ang mukha.

"Boss G ikaw pala!" Sabi ng lalaking may pulang buhok. Ayy hindi anino ko lang to! Nakakaloka! Tanga lang?

"ASAN SYA?!" Tanong ko sa kanya pero tumawa lang ito.

"Oi! Gising! May naghahanap sayo! Isang tangang kaibigan mo na sumugod dito ng mag-isa! Hahaha" Sabi nya sabay akbay sa babaeng nakagapos.

Inangat naman ng babae ang ulo nya bago lumingon sa dako ko. Putok ang labi, duguan ang ilong, at maga ang kaliwang mata.

"Rhi. . ." Bulong ko sa sarili ko at walang anu-ano't patakbong sinugod ang lalaking nakapula.

_________________________________________________

RASTRO: Connection After All [COMPLETED]Where stories live. Discover now