CAA 10: Suck It B*tch

3.3K 94 13
                                    

G's POV

Hindi ako makapaniwalang kami na ni Rhi. Parang panaginip lang ang lahat na mahal ako ng babaeng pinakamamahal ko. Nandito kami ngayon sa guild kasama ang mga kaibigan namin. Nagcicelebrate kami sa pagkapanalo namin kanina kaya naisipan naming uminom at magpakalasing hanggang umaga. Di na namin alintana ni Chynna ang pagod sa laban kanina dahil katabi naman namin ang mga mahal namin sa buhay. Masayang nagbi-beer pong sila Kat, Jake, Sheena at ang boyfriend nitong si Mike, si Bianca at ang girlfriend na nitong si Patty. Habang kami ni Chynna, Abby, at Rhi ay masayang nakukwentuhan dito sa couch.

"Grabe Tsong di ako makapaniwala na malakas pa rin pala connection natin! Biruin mo nagawa pa din natin yung Rhythm Blind na 10 years na nating hindi nagagawa? (napailing ito na natatawa) Tayo ata ang soulmate Tsong! Tayo nalang kaya???" Sabi ni Chynna at hinampas naman sya sa braso ni Abby.

"Oo nga Tsong eh! Buti meron pa tayo nun! Kala ko wala na eh! Wala na kasing spark Tsong. . .lam mo na lumipat na lahat dito sa katabi ko!" Sabi ko sa kanya sabay ngiti at tingin kay Rhi. Kala ko matutuwa sya sa banat kong yun pero parang nagalit pa ata. Teka. . .ano nga ba nasabi ko??? Oh sh*t lagot! 😨🙈 Nahampas ko naman ang noo ko nung marealize yung nasabi ko.

"Ahh. . .hehe. . .Love. . .hehe. . .jo--" Hindi na ko pinatapos ni kumander ayy este ni Love pala.

"Ahh ganun?! So may spark pala kayo dati?! (nakapameywang na syang nakakunot ang noo na parang inahing manok na ready ng manuka) Akala ko ba ako yung first love mo?! Sinungaling!!!" Hinampas hampas na nya ko sa braso pero di ko pa din sya binibitawan sa pagkakayakap.

"At ikaw Chynna, ano to ha?! Niloloko nyo ba (tingin sakin) kami ni Rhi ha?! Magsalita ka kundi tatamaan ka sakin!!! SAGOT!" Hala pati si Abby nagtransform. 😨

"Tsong naman. . .dinamay mo pa ko! Pakiayos Tsong! Tatamaan daw ako eh!" Kamot ulo ni Chynna.

"Ahh. . .ehh. . .ladies relax. . .Love, relax okay? Ikaw ang first love ko and that's the truth. Yung sinasabi kong spark samin ni Tsong. . .brother's spark yun. Wala kayong dapat ikabahala kasi di kami talo nyan! (natawa nalang ako sa sinabi ko) Ang type ko magagandang babaeng tulad mo. . .Kaya wag ka na magalit Love. Abbs, wag ka na magalit kay Tsong okay?" Mahinahon kung sabi.

"MAGAGANDANG BABAENG TULAD KO???" Oppps 😨 putcha lagot na naman! Hahaaay 😥

"Naku G patay ka na bakit ba kasi yun yung sinabi mo! Di ka na makakalusot nyan sa kumander mo! Good as dead ka na bro! Good as dead kaya kung ako sayo maghukay ka na ng libingan mo!" Sabi ng isip ko.

"WAG MO SABIHING MAY IBA KA?! NAKU G MAPAPATAY KO KAYO NG MGA BABAE MO PAG NAGPAHULI KAYO SAKIN!!! PAKUKULUAN KO TALAGA KAYONG LAHAT!" Pagwawala ni Rhi habang nakayakap pa rin ako sa kanya at sya nama'y nagpupumiglas.

"Baby. . .Honey. . .Love. . .Mahal Ko. . .wala akong iba okay? Ikaw lang alam mo yan. Maniwala ka sakin please. Wag na tayo away please. . .Mahal na mahal kita Love." Lambing ko sa kanya. Sana naman gumana 🙏

"Oo Rhi wala yang iba si Tsong! Mahal na mahal ka kasi nyan! Walang ibang tiningnan yan nung nakita ka nya dati nung nakidnap si Bebe ko. Promise Rhi wala talaga. Martyr kaya yan sayo!" Hayy salamat may gamit naman pala talaga tong bestfriend ko. Bati na din kase sila ni Abby.

"Love. . .sorry na. . .wag na galit pleeease. . .I love youuu. . " Nagpuppy eyes na ko pero di pa din sya umiimik. Kaya wala na akong ibang maisip kundi halikan sya sa labi. Hindi sya tumutugon nung una pero kinalauna'y hinalikan din nya ko. 😍

"Bati na tayo pleeease. Wag ka na magalit Love. Mahal kita. . .sobra Love. . .gusto mo pakasal na tayo?" Nagulat naman sya sa sinabi ko at nahampas ako sa braso.

RASTRO: Connection After All [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora