CAA 13: Ripples on a Calm Water

2.6K 94 51
                                    

No One's POV

6pm na nung magising sina G at Rhi. Pareho pa din silang huba't hubad at nagkukulitan lang sa kama.

"Love hahahahaha tama na please. Nakikiliti ako hahahaha. . .Love!" Hagikgik ni Rhi habang kinikiliti sya ni G sa tagiliran.

"Hahaha O sige na hindi na hindi na. Lika ka na dito Love." Hinila naman ni G si Rhi at patalikod na niyakap.

"Ang sarap ng ganito. Yakap yakap ko lang ang mahal ko." Sabi ni G habang nakayakap sa likod ni Rhi. Ginagawaran din nya ng maliliit na halik ang batok nito.

"Ang bango mo Love. I can smell you forever." Dagdag ni G. Humarap naman agad si Rhi sa kanya.

"Nakuuu ang mahal ko nambola pa. Gusto mo lang ng round 2 eh!" Panunukso ni Rhi. Bigla namang namula si G sa hiya.

"Eeee naman Love eh! Totoo nga. Ang bango bango mo nga. Hmmm Love pwede pakiss? Isa lang pleeease." Lambing ni G na sinabayan pa nya ng pagnguso. Natawa nalang tuloy si Rhi dahil kahit magkasintahan na sila ay humihingi pa rin ito ng permiso na ikinatuwa naman nya sa kasintahan. Never pa syang tinrato ng ganito ng mga nakarelasyon nya. Sobrang respeto at pagmamahal.

"Asuuuus naglambing ang Love ko. Sige na nga. Lika ka dito dali! Kiss na sa Love mo!" Sagot naman ni Rhi sabay pout sa lips. At hinalikan naman yun agad ni G sabay subsub ng mukha sa leeg nito.

"Alam mo ikaaaw (hinawakan ni Rhi si G sa pisngi nito at pinaharap sa kanya sabay halik sa labi) sating dalawa ikaw yung pa-baby noh?" Ngiting sabi ni Rhi.

"Uy hindi ah. Naglalambing lang sa mahal ko. Bawal po ba?" Lungkot lungkotang tanong ni G sabay pout ng lips.

"Hindi namaaan. Kinikilig nga ako eh pag gumaganyan ka. Nakakababae lalo! Ang pogi mo kase (sabay pisil ng ilong) tapos feeling ko tuloy ako ang pinakamaswerteng babae sa buong mundo."

"Eh ako nga tong maswerteng taong nakabingwit sa nag-iisang dyosa eh. Tsaka malas lang nila dahil akin ka na." Proud na proud na sabi ni G.

"Asuuus bolera!" Tawang sagot ni Rhi.

"Uy hindi ah!" Tawanan nalang ang dalawa.

Mayamaya pa'y nagtext na si Chynna at nagyayaya ng kumain. Nagutom siguro sa sessions nila ni Abby. 🙊🙉🙈

Naisipan na din bumangon nina G at Rhi. Pero bago sila lumabas ng kwarto ay nagshower muna sila. . .ng sabay at alam nyo na. . .nakaisang session ulit. ✌

Makalipas ng isang oras, nagkita kita na ang magkakaibigan sa reception area ng resort. Unang dumating sina Sheena at Mike kasunod sina Bianca at Patty. After 5 mins, magkasabay namang dumating sina G, Rhi, Chynna, at Abby. Huli namang dumating sina Kat at Jake kaya silang dalawa ang nabuntunan ng panunukso ng mga kaibigan.

"Insan ha. . ." Taas baba ng kilay si Sheena sabay tulak sa hips ng pinsan.

"Uy ano yan?! Jake, bakit may hickey si Kat sa leeg? Nakabuo na ba kayo?" Tatawa tawang sabi ni Chynna habang tawa din naman ang iba.

"Wag na nga natin pag-usapan! Tara na!" Init ulong sabi ni Kat sabay walkout. Sinundan nalang ito Jake. Naririnig pa ng dalawa ang malakas na tawanan ng mga kaibigan nila.

"Mukhang meron nga Tsong. Magiging ninong na tayo Tsong!" Sabi ni G sabay harap kay Chynna at nagtatatalon na parang mga bata habang magkahawak ng kamay sa may bandang dibdib.

"EHEEEERM!" Sabay na tawag pansin nina Rhi at Abby sa dalawa. Kumalas naman ang magbestfriend at humarap sa kani-kanilang kumander. Takot eh 😂

Walking distance lang ang sikat na bar na kakainan nila kaya dahan dahan na nila itong binabaktas. Nasa may beach ito kaya puting buhangin ang dadaanan nila. Nauna na sila Kat at Jake kasunod naman ang iba. Huli sa grupo sina G, Rhi, Chynna, at Abby. Nagpaalam muna sina Rhi at Abby na magsi-CR lang kaya ang dalawang magbestfriend ay naghintay nalang kung saan sila iniwan ng mga partners nila.

RASTRO: Connection After All [COMPLETED]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن