CAA 6: Almost

3.2K 113 6
                                    

Chynna's POV

Nandito kami ngayon ni Jake sa ospital kasama sila Rhi at Bianca. Papunta na rin daw sila Sheena, Kat, at syempre si Abby. Yes! magkikita kami! 😁 Salamat kay Tsong dahil nagpabugbog lang naman sya! Haha grabe inlababoo na talaga tong bestfriend ko. First time nyang ginawa yun for someone sa buong buhay namin na nagliligtas ng mga biktima. Eh may sa tanga din naman tong bestfriend ko! Tsk hinintay nalang sana nya kami eh wala eh nagpabugbog ang mokong! Sana naghintay nalang sya ng 1 oras at dinrag yun. Alam naman nyang nandun lang kami nagpabugbog pa! Hayy pag-ibig nga naman. Tsaka medyo naintindihan ko naman konti dahil kung kay Abby nangyari yun at nakita kong sinaktan sya ng mga gagong yun eh gagawin ko din lahat matigil lang yun. So sige patatawarin ko si Tsong sa katangahan nya! Just this one!

Mayamaya. . . . .

"Tsong! Hmmm. . .a-aray! Nasan si Rhi? Kumusta sya? Ligtas ba sya? Ang Kiss Mark?" Sunod sunod nyang tanong.

"Tsong wag ka muna kumilos kasi! Tsk! Tatayo pa eh kita mong di mo pa kaya! Kung di ka rin naman tanga at nagpabugbog ng ganun ganun nalang eh. . .di sana wala ka dito at nandun ka sa kabilang kwarto kasama si Rhi!" Napayuko lang sya. Nahihiya ata. Dapat lang no! She's THE Boss G for pete's sake tas nagpabugbog??? Kalokohan! Hayy naku!

"Tsong! So-sorry. . . Di ko na naisip na hintayin kayo. N-natakot kasi a-ako nung. . .nung nakita kong. . .may kutsilyo sa leeg ni Rhi eh. Di ko kayang. . .di ko kayang makita syang nasasaktan. Ako rin naman ang dahilan kung bakit galit na galit si Fighting Panther (leader) sakin eh. Ayokong madamay si Rhi. Di ko kakayanin kung masasaktan pa sya." Nahihiya nyang pag-amin.

"Alam mo Tsong, hindi mo kasalanan na nagpakamatay yung kapatid nya! Eh may hangin ata yun sa ulo eh! Natalo lang sa Underground Ring match nyo nagpakamatay agad! May problema yun sa utak Tsong! Di mo kasalanan yun! Nu ka ba!"

"Alam mo naman na undefeated yun eh! Tapos ako. . .tayo baguhan pa lang nung time na yun." Sagot nya.

"Yun na nga eh baguhan ka sya matagal ng lumalaban pero pinakain mo ng alikabok Tsong! Walang wala sayo! Nagmukhang kuneho sa harapan mo! Ang sabihin mo napahiya sya kaya ganun nangyari!"

"Yun na nga eh. . .napahiya sya kaya nya nagawang magpakamatay. . .at dahil yun sakin. Kung sana nagpatalo nalang ako di na sana nangyari to. Di na sana nasaktan si Rhi."

"Kung makadrama ka jan! Bakit magkakilala na ba kayo ni Rhi nung time na yun??? Kaloka ka Tsong! Ang drama mo! Basta di mo kasalanan period!"

"Pero Tsong salamat ha. . .Jake salamat. . .salamat talaga sa inyo. Di ko alam gagawin ko kung wala kayo. Salamat talaga." Sabi nya.

"Ano bang nakain mo't ang drama mo??? Hahaha alam mo Tsong kapatid na turing ko sayo. Dugtong na buhay natin simula bata pa tayo lam mo yan! Kaya sino pa bang magtutulungan diba! Tsaka si Jake wala yang choice kundi matatanggal sya sa grupo! Hahaha" Nagtawanan naman kami.

Mga ilang minuto pa ang pag-uusap namin ni Tsong ng bumisita si Rhi.

"Eherm ayan na ang asawa. . .este kaibigan. . .concern na kaibigan." Asar ko. Pinandilatan naman ako ng dilat ng mata ng bestfriend ko. 😂 "Tsong sa labas lang kami! Enjoy kayo ha! Hinay hinay lang!" Napailing nalang si Tsong habang si Rhi nama'y pangitingiti lang.

_________________________________________________

G's POV

Matagal ng nakalabas sila Chynna at Jake pero wala pa rin bumibitaw sa titigan namin ni Rhi. God I missed her! Kahit puno ng pasa ang mukha maganda pa rin! Bumalik ang ulirat ko nung nagsalita na sya.

"Ano magtititigan lang ba tayo dito?" Sabi nya sabay ngiting mapang-akit. Di ko alam kong sinasadya nya pero yung mga ngiti nya grabe ang hatid na init sakin dagdag pa yung mga paruparo sa tiyan ko. Naku naman ba't ba kasi ang ganda nya! 😍

RASTRO: Connection After All [COMPLETED]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt