CAA 8: Votation

2.8K 110 5
                                    

No one's POV

"G!"

"Rhi. . ." Bulong ni G sa sarili.

"A-anong ginagawa mo dito?" Sagot ni G habang hirap pa din maglakad at nilagpasan lang si Rhi. Hindi kaya ni G na makita syang ganito ni Rhi. Ayaw nyang masilip ni Rhi sa kanyang mga mata na nasaktan sya at nasasaktan pa rin sya.

"Galit ka ba?" Diretsong tanong ni Rhi habang nakatalikod sa kanya si G na patuloy pa rin naglalakad.

"Ha? Hindi ah! Bakit mo naman natanong?" Pilit na pinapasigla ni G ang boses.

"Ewan ko. . .may nagawa ba ko? Please sabihin mo naman sakin oh! Wag mo naman ako basta basta nalang iniiwasan." Naiiyak na sabi ni Rhi. Tumigil naman sa paglalakad si G pero di pa din ito lumilingon.

"Ahh Tsong, Rhi, dun na muna kami ha! Rhi, salamat sa pagbisita ha! Tara Jake" Sinamahan na ni Jake si Chynna sa kwarto nya para makapagpahinga habang si G at Rhi nama'y patuloy pa rin ang pag-uusap.

"Hindi kita iniiwasan. . .naospital lang kami kaya ganun. Medyo masama din kasi tama ko kaya nagpahinga na muna ako." Di pa din nililingon ni G si Rhi pero makikita sa mga mata nya na nasasaktan sya na nasasaktan nya si Rhi. Pero ayaw na nyang magkalapit sila dahil ayaw nyang umasa pa.

"Di ako naniniwala! I can feel it G! Bumibitiw ka na sa kung anong connection ang meron tayo! Ramdam ko yun kasi pinaparamdam mo sakin!" Di na napigilan ni Rhi ang umiyak. Di din naman kaya ni G na makitang umiiyak si Rhi kaya lumingon na sya at nilapitan ito.

"Hey. . .shhhhh (she cupped Rhi's face and wiped the tears) I don't want to see you crying. (nakatingin kay Rhi na puno ng pagmamahal) Nasasaktan ako pag nakikita kitang nasasaktan. Tahan na." Yumakap na si G kay Rhi at napaluha na din ito. Hindi nya talaga kayang tiisin si Rhi kahit pa kapalit nito ay ang masaktan sya ng paulit ulit. Niyakap sya ni Rhi ng mahigpit.

After 1 week, naging maayos naman na ulit ang pakikitungo ni G kay Rhi. Minsan nga sobrang sweet pa nila kala mo magjowa. Nagsimula na din ang Ass Kicker na mag ensayo para sa nalalapit nilang laban ulit sa underground sa susunod na araw. Puspusan ang kanilang pagtitraining kaya si Rhi nakaantabay lang kung ano ang kelangan ni G. Of course kasali na rin sila Chynna at Jake. After ng ensayo, nagpahinga muna sila at si G ay dumiretso agad kay Rhi.

"Hi!" Ngiting sabi ni G. Si Rhi nama'y natulala nalang sa kasexyhan ni G. Nakasuot lang ito ng training shorts at sports bra. Kitang kita ang batak na batak na abs at arm muscles nito. Napalunok nalang si Rhi at nag-iwas ng tingin.

"Hi! Oh wait. . .(kinuha ang towel sa may upuan) Let me. . .please." Sabi ni Rhi sabay puppy eyes kay G. Wala ng nagawa si G kundi pumayag. Pinunasan na ni Rhi ang pawis sa mukha at mga braso ni G pero napahinto at napalunok sya sa may abs ni G.

"Hey. . .you okay?" Inosenteng tanong ni G habang si Rhi ay nakatitig pa rin sa abs ni G. Ng makabawi, pinunasan na nya ito pero di na sya tumingin.

"God. . .she's freakin' HOT!" Bulong nya sa isip nya. Napansin naman ni G ang pagkatulala at sunod sunod na lunok ni Rhi kaya napangiti nalang sya.

"Ahh yeah I'm okay. Hmmm, are you tired? Gusto mo i-massage kita?" Tanong ni Rhi sa malambing na boses.

"Yes please. . ." Ganting lambing ni G.

Pinaupo na sya ni Rhi at minasahe ito sa balikat. Nakatalikod si G kay Rhi. Biglang napahinto si Rhi sa ginagawa nung hinawakan ni G ang dalawang kamay nya at hinalikan ito. Kinilig naman si Rhi sa ginawa ni G kaya napayakap sya.

"Thank you." Sabi ni G habang hawak hawak ang nakayakap na braso ni Rhi.

"For what?"

"For taking care of me. . ." Sincere na sabi ni G.

RASTRO: Connection After All [COMPLETED]Where stories live. Discover now