CAA 18: Sweet Talks

2.6K 91 24
                                    

G's POV

"Rhi? Love? How are you feeling?" I immediately asked Rhi when she woke up. It's already 5AM and ngayon pa lang sya nagising simula nung tinakbo namin silang tatlo ni Jake at Kat sa ospital kahapon. Nagising naman agad ang dalawa maliban kay Rhi. Lumapit ako sa kanya and umupo sa tabi nya. I cupped her face to look her in the eyes. Nakatingin lang din sya sakin at tahimik lang.

"Love?" Medyo nag-aalala nako dahil hindi pa din ito nagsasalita. "May masakit ba sayo? Ano sabihin mo? Nahihilo ka ba? Gutom ka na ba? Teka ipaghahain kita. . ." Aalis na sana ako para ipaghanda sya ng makakain nung bigla nya akong hinawakan sa kamay. She kissed the back of it and she pressed it against her cheek while still caressing it. Nakatingin lang din sya sakin habang ginagawa yun. Natouch naman ako sa ginawa ng mahal ko. Namiss ko to. Namiss ko sya ng sobra. I cupped her right cheek with my left hand. Habang tinititigan ko sya napansin kong malaki ang ipinayat nya. Medyo mapapansin pa din ang mugto nitong mga mata. Hindi ko maiwasang mapaluha dahil alam kong ako ang dahilan kung bakit sya nagkaganun.

"Love (di ko na napigilan ang mga luha ko). . .I am so sorry. . .I am sorry dahil sinadya kong saktan ka. Patawarin mo ko." Wala na kong pakealam kung para na akong batang umiiyak sa paningin nya.

"Shhhh. . .ako dapat ang humingi ng tawad sayo. Naging mahina ako. . .naging duwag ako. Hinayaan kong controlin ako ni Daddy. . .kase. . .natatakot akong mapahamak ka. Kaya hinayaan ko nalang isipin mong may nangyayare nga samin ni Ross. . .na may namamagitan nga samin." Napatigil ako bigla sa ipinagtapat ni Rhi.

"Love. . .di ko. . .di ko maintindihan. . ." Tanging nasabi ko sa kanya.

FLASHBACK

No One's POV

Naglalakad na sila G, Rhi, Chynna, at Abby papunta sa bar na kakainan nilang magkakaibigan ng biglang may tumawag sa atensyon ni Rhi. Lumapit ang isang lalake sa kanya at nagpakilalang tauhan ng daddy nya. Iniabot nito ang cellphone kay Rhi at sinabing kakausapin daw sya ng daddy nya. Nagtaka naman sya at ayaw pa sanang sagutin ang tawag.

"Love, sagutin mo na baka importante yan. Iniwan pa naman natin phones natin sa room baka kanina pa tawag ng tawag dad mo sayo. Sige na Love. Go on. Hintayin ka nalang namin, okay? Love you." Malambing na sabi ni G sabay halik sa labi ni Rhi.

"Okay Love. Saglit lang to. Love you too. I'll miss youuu. . ." Sagot na lambing ni Rhi sabay halik din kay G.

"Namaaan ang tamis! Tatawag lang miss na agad?! Grabe daming langgam Be!" Tingin ni Chynna kay Abby habang nagpaparinig sa dalawa. Natawa nalang sina G at Rhi bago tumalikod at lumayo konti si Rhi para sagutin ang tawag ng ama.

*Ring ring. . .ring ring

"Hello Dad? Why'd you call?" Bati ni Rhi.

"WHERE ARE YOU?" Galit na tanong ni Rhex, ang daddy ni Rhi.

"D-Dad I'm on a vacation. . .here in Phuket. Why?"

"BAKIT MO KASAMA ANG ANAK NG MAHIGPIT KONG KALABAN SA UNDERGROUND?! HA?!" Galit na galit pa rin tanong ng daddy ni Rhi.

"D-Dad. . .what are you talkin' about?" Medyo pabulong na na sagot ni Rhi baka marinig sya ng mga kaibigan.

"I'M TALKING ABOUT G! BAKIT MO SYA KASA-KASAMA LAGI HA?! KAYO BA? HA?! SYA BA YUNG KINAHUHUMALINGAN MO NGAYON HA?! LAYUAN MO YANG BABAENG YAN YOYON!!! I'M TELLING YOU!!! ALAM MO KUNG PAANO AKO MAGALIT!!! WAG NA WAG MO KONG SUSUBUKAN KUNDI MAPAPATAY KO YAN!!! AYOKONG MAGKAROON KA NG ANO MANG UGNAYAN SA MGA GALURA!!! NAIINTINDIHAN MO?!"

"But Dad I love her! Sya ang mahal ko at sya lang ang gusto ko! Sya lang ang minahal ko ng ganito buong buhay ko! And I don't understand why you suddenly get so interested with my personal life! Diba wala naman kayong pakealam lahat nila Mommy?! At tsaka kung may problema kayo sa mga Galura, labas na kami ni G dun!

RASTRO: Connection After All [COMPLETED]Where stories live. Discover now