CAA 35: Who's the Boss

3.7K 96 17
                                    

No One's POV

It's been 2 months after kinasal sina G at Rhi. Lalo pa silang naging clingy sa isa't isa. Nagkasundo naman sila na hindi aalis ang isa pag hindi kasama ang isa.

"Baby, please (puppy eyes and pout) daan muna tayong starbucks for coffee before going to the mall. Is it okay?" Malambing na sabi ni Rhi kay G habang naglalakad silang magkaholding hands palabas ng guild.

"Of course Love. You don't have to do that, okay?"

"Do what?" Takang tanong ni Rhi na tatawa tawa pa.

"Puppy eyes sabay pout. You're melting me Love. Do you know that?" Ngiting sagot ni G.

"No I don't know. I want you to say it again. Hehe pweeeease" Ayan na si Rhi ginamit na ang charm. Napakurot naman si G sa ilong nya at gigil na gigil.

"Naku naman ang puso ko nahulog lalo. Jusko! Ano bang ginawa kong tama at nagkaasawa ako ng dyosa! You're too cute para tanggihan ang hiling ng maganda kong asawa." Nakangiting sagot ni G bago halikan sa sentido si Rhi.

Sa starbucks. . .

Umorder na si G ng coffee para sa kanilang dalawa habang nasa CR si Rhi.

"Uhm Miss can I have 2 large americano please?" Sabi ni G na nakatingin pa rin sa menu. Di nya napansin na iba na ang mga tingin ng babaeng nasa counter na sya namang tagpong naabutan ni Rhi paglabas ng CR.

"Of course! Kahit nga libre na para sayo." Sabi ng nasa counter na Reign ang nakasulat sa name plate nito. Tumingala naman si G at nagsmile nalang sa babae. Nakita naman yun ni Rhi na ngayon ay naniningkit na ang mata.

"Oh Baby anjan ka na pala. Bakit di ka kumikibo? May problema ba?" Nilapitan ni G si Rhi sabay ikinulong ang mga pisngi nito sa mga palad nya. Umiling iling lang si Rhi at di makatingin ng diretso kay G.

"Cmon dito nalang muna tayo. Mamaya na tayo sumunod sa gang. I want you to relax muna (di pa rin nagsasalita si Rhi). Hey. . .Love. . .may problema ba? Tahimik ka masyado ah. Please tell me. . ." Pagmamakaawa ni G sa asawa habang hinihila si Rhi sa may couch ng coffeeshop.

"Sino yung babaeng nasa counter?" Mapaghinalang tanong ni Rhi na naniningkit pa ang mata at nakacross arms. Pinagpawisan naman ng gabutil si G. Medyo nagigets na nya kung anong dahilan ng pananahimik ng asawa kaya lumapit pa sya rito at niyakap sa tagiliran.

"Hey. . .Baby. . .are you jealous?" Tatawa tawang tanong ni G. Kinikilig kasi sya pag nagsiselos ang asawa. Feeling nya ang gwapo gwapo nya.

"At bakit naman ako magsiselos sa mukhang talangka na yun?" (Hindi nga nagsiselos 😂😂😂) "Sino ba kasi yun? At bakit may exchange of flirty smiles kayo??? At ikaw bakit ka nakikipagngitian dun sa talangka na yun ha???! Hoy G Galura ipapaalala ko lang sayo may asawa ka na! Kung makakirengkeng ka jan para kang single ah!!! At sa harap ko pa talaga???!" Sunod sunod na putak ni Rhi na cute na cute na nakasimangot at nakacross arms. Natawa nalang si G sa tinuran ng asawa.

"Baby. . .wait lang. . .teka nga. . .una sa lahat hindi ko kilala ang babaeng sinasabi mo okay? Pangalawa, nginitian ko lang sya dahil may sinabi sya sakin na parang libre ata yun anyway hindi ko masyadong narinig kaya ngumiti nalang ako. Pangatlo, proud ako na may asawa na ko at taken na ko ng isang dyosa. Panghuli, hindi ako lumalandi. Ikaw lang kaya nilalandi ko. . ." Lambing ni G sabay yakap sa tagiliran at halik sa shoulder ng asawa. "Wag ka na galit pleeease ang cute cute mo kaya. Mas lalo lang ako naiinlove sayo Love alam mo ba?" Dagdag ni G. Medyo napapangiti na si Rhi pero di pa rin nya pinapahalata. "Gusto mo. . .(tumingin si G sa kanya) uwi nalang tayo after nito? Then. . .(ngumiti ng nakakaloko at nagtaas taas ang kilay) gawa tayo babies. . .?" Pabulong na sabi ni G. Bigla namang napaubo ng wala sa oras si Rhi.

RASTRO: Connection After All [COMPLETED]Where stories live. Discover now