CAA 3: Kiss Mark VS Ass Kicker

4.2K 149 16
                                    

G's POV

Pagkatapos namin mag-inuman ay napagdesisyunan namin na tumambay muna sa 'safe haven'. Nagulat kami ng may marinig kaming iyak ng babae sa likod ng abandonadong building 10 hakbang lang ang layo mula sa 'safe haven'. Kaya patakbo kaming pumunta sa lugar. Pagdating na pagdating namin ay bumulaga agad samin ang isang babaeng nakagapos at may takip na tela ang ulo. Nagmamakaawa ito at humihingi ng tulong. Bigla nalang tumakbo si Chynna sa harapan ng mga gago.

"Bitiwan nyo sya!" Pasigaw na utos ni Chynna sa mga ito.

"Alam mong wala ka ng magagawa! Sa ayaw at sa gusto mo malalatayan ng laway ng bawat isa samin ang katawan ng babaeng to!" Sagot ng isang lalaking tila tumatayong leader ng grupo.

"Boss, yang dalawang yan yung nakaharap namin kanina dun sa entrance." Subong naman ng lalaking may pulang buhok sabay turo samin.

Aba'y buhay pa tong ungas na to?! Di ako pwedeng magkamali! Miyembro sila ng grupong 'Kiss Mark'.

May sinabi pa ang leader ng grupo ngunit nawala na ang atensyon ko nung mapansin kong parang may mga matang nakatingin sa samin. Paglingon ko para akong binuhusan ng cemento at di makagalaw. Sobrang liwanag.

Ang ganda nya! Nakakasilaw! Isang dyosang nagkatawang tao at bumaba sa lupa para lang mahalin ako. Pangiti ngiti kong sabi sa sarili.

Teka. . .ano? Mahalin? Ako? Ba't napunta dun? Ano ba tong iniisip ko! Napailing nalang ako. Pero di ko pa rin magawang alisin ang tingin ko sa napakagandang dilag na nakasandal sa haligi at pilit tinatago ang sarili. Nakatitig lang ako sa kanya habang sya at ang mga kasama nya ay nakikinig at nanonood sa bangayan namin ng kalabang grupo. Nagising ako sa ulirat ng tapikin ni Chynna ang balikat ko.

"Tsong? May problema ba? Kelangan natin iligtas ang babae!" Bulong ni Chynna habang salubong pa rin ang kilay at nakatingin sa mga nagtatawanang demonyo. Ayaw na ayaw nyang may naaagrabyadong babae physically.

"Ahh ehh wala naman." Sabay kamot sa kilay. Pero isa lang ang tumatakbo sa isip ko ngayon. . .ang magandang babae. Kelangan kong magpakitang gilas. 💪👊

"O hello there! May audience pala tayo?" Sabi ng leader na ikinagulat naman namin ni Chynna at Jake.

Sobrang takot at kaba ang nararamdaman ko ngayon. Mapapahamak ang dyosa ko! Di to pwede! Kelangan ko ng kumilos.

"Take them!" Utos ng leader bago pa ko makakilos papunta sa kanila. Si Chynna at Jake naman ay mapaghahalataan mong sobrang kabado dahil madami ang madadamay pag nagkagulo.

"Look what we have here." Himas pa nya sa mukha ng prinsesa ko nung magkaharap sila. "Sigurado akong tiba tiba tayo nito Markers" Dagdag pa nya habang kausap ang mga tauhan nya. Oo tama ang rinig nyo. Binibenta nila ang mga magagandang dilag sa underground ring para gawin human trophy sa mananalo.

"Yan kung makakalabas kang walang latay dito!" Makahulugan kong singit sa usapan nila.

Bigla nalang humugot ng baril ang lalaking may pulang buhok at tinutukan kami ngunit pinigilan sya ng leader at nagset ng rules na ANY BUT NO GUNS sabay tango.

"Ilaaag!" Sabay sabay na sigaw ng grupo ng dyosa ko. Ngunit huli na.

"Tsong?! Tsong?! Dadalhin kita sa ospital! Wag kang bibitaw nandito lang ako!" Rinig kong sabi ni Chynna na kinataka ko. Tsaka ko lang napagtanto ang ibig nyang sabihin nung nagsimulang humapdi ang kaliwa balikat ko.

SH*T SH*T BA'T MAY KUTSILYO SA BALIKAT KO?!! ALISIN NYO TO PLEASE I'M BEGGING YOU! Sigaw ng utak ko pero iba ang sinisigaw ng puso ko. Kelangan kong magpakitang gilas at iligtas ang dyosa ko. Kaya walang anu-ano't hinugot ng kanang kamay ko ang kutsilyo sa balikat ko. Dahan-dahan para dramatic while nakatingin sakin lahat! Pagkabunot ko, pinakita ko muna sa kanila tsaka walang ganang hinulog.

RASTRO: Connection After All [COMPLETED]Where stories live. Discover now