CAA 31: The End Game

1.9K 96 11
                                    

No One's POV

"Boss, your sched?" Si Dee.

"Ahh yeah. I'll fight #10, #9, and #8 together. I want them three to be in one fight." Sabi ni G.

"What about #7 to #1?"

"I'll tell you after my fight."

"Tsong mag-iingat ka! Dinig ko bago na battle grounds. Bangin ang nakapalibot dito. Wag ka pakampanti lalo na't tatlo pa kalaban mo." Si Chynna.

"Don't worry Tsong. I told you I won't die and I'm gonna get Rhi back. Stop worrying, okay?"

Sinimulan na ang laban ng Death Rounds. Unang napasabak si G against #10, #9, and #8.

"Ang yabang nito! Kala mo kung sino! Pinagsabay pa tayong tatlo! Nakakainis!" Si #9.

"Eh di gumanti tayo! Di ko hahayaang mamatay lang ako dito ng hindi ko naliligtas ang mahal ko!" Si #8.

Nagbulong bulong pa ang mga ito bago nagsabi ang announcer ng 'Fight!'.

After 1 hour. . .

"Whooooo ang galing mo talaga Boss! Ang lupet mo! #8 ka na agad! Grabe Boss ang lupet talaga nung signature ax kick nyo! Tsaka yung ano. . .yung. . .spinning kick nyo! Awesome!" Bilib na bilib si Jake nung nanalo si G against the three. Medyo halata na din ang pagod ni G dahil wala pa itong pahinga simula nung pumasok sila ng dome.

"Tsong, okay ka lang? Namumutla ka ah! Tsong, pahinga ka muna. Wala ka pang pahinga simula nung pumasok tayo dito! Ikaw naman kasi sinabay mo lahat eh! Hindi pwedeng mahina ka sa susunod na laban dahil matitinik na tong mga to. Tingnan mo muntik ka pang madali ni #8 kanina dahil nawala yung focus mo! Pahinga ka muna. Si Jake na muna ang lalaban. Magpahinga ka ng maigi nag-aalala si Rhi oh. Tingnan mo mahal mo." Pagkasabi ni Chynna ay napatingin agad si G sa glass room ni Rhi. Nakatingin ang dalaga sa kanya at halatang alalang alala. Ngumiti nalang si G at nagmouth ng 'I'm okay' para di na mag-alala ang dalaga.

After 3 hours, tinawag na rin si Jake para sa laban nya. Si Chynna at K nalang muna ang nagcheer para sa kanya habang nagpapahinga si G.

Hirap na hirap si Jake sa kalaban dahil na rin sa matangkad ito at mahahaba ang galamay.

"Cmon Jake! Kaya mo yang #6 na yan! Kayanin mo for Kat!" Sigaw ng sigaw si Chynna para icheer si Jake.

"Let's go Jake! You can do it! You have to win!" Si K.

Nag-alala ang dalawa dahil napatumba ni #6 si Jake. Medyo nahilo ito at natagalang bumangon kaya sinugod na sya agad ng kalaban. Ng susuntukin na sana sya habang hindi pa sya nakakatayo ay umilag ito sabay push kick sa likod ng kalaban kaya nahulog ito sa bangin na nakapalibot sa battle grounds. 

"Whooooo that's my boy! Good job! Go get your girl!" Proud na proud na sabi ni Chynna sa hingal na hingal na si Jake. Sugatan din ito at bugbog sarado.

Pinuntahan na ni Jake si Kat na pinalabas na sa glass room. Nagyakap naman ng mahigpit ang dalawa bago bumalik kila Chynna. Masayang masaya din sina Rhi, Abby, at Bianca na nakatanaw lang mula sa kani-kanilang glass room. Mahimbing naman na natutulog pa si G.

Mayamaya pa'y ginising na si G ng kanyang sched assistant para sa kanyang susunod na laban. Bumangon naman ito agad at halatang nakabawi bawi na ng lakas.

"Tsong! Goodluck! Mahal kita Tsong kaya wag na wag kang mamamatay! At mahal na mahal ka rin ni Rhi (tumingin si Chynna kay Rhi at sinundan naman ni G ang tinitingnan ng bestfriend). Mag-iingat ka!" Sabi ni Chynna sabay yakap sa bestfriend.

"Of course Tsong!" Sabi ni G sabay tapik sa balikat ng bestfriend after nilang kumalas sa yakap.

"Teka pagsasabayin mo ba si #5 at #4? Medyo matinik yang mga yan Tsong knowing na kasunod natin sila sa rank dati nung #3 tayo pareho." Alalang tanong ni Chynna.

RASTRO: Connection After All [COMPLETED]Where stories live. Discover now