CAA 15: Pissing off the Demon

2.1K 74 25
                                    

Rhi's POV

I was so shocked when she greeted me earlier. Di ko pa rin lubos maisip na nandito sya kaharap ko at nakikipag-usap samin. . .sakin. But what I noticed is her eyes. Hindi na tulad ng dati. Hindi na tulad ng dati ang mga binibigay nyang tingin sakin. And my opinion is just as ordinary as the opinions of her acquaintances. It doesn't matter to her anymore. The way she talks to me parang di nya ko kilala. Parang bago pa lang nya ko kakilala. Hindi na nya din binibigyan ng halaga ang mga padaplis kong sweetness sa kanya tulad nung ipagsasandok ko sana sya ng kanin pero inabot nya lang yung plato ng kanin sakin na hindi man lang lumilingon at patuloy na nakikipagharutan kay Chynna. The way sya makipag-usap sakin ay parang ibang tao ako. Wala na akong makitang pagmamahal sa mga mata nya. Matinding kurot yun sa puso ko. Pero okay lang kasalanan ko naman. 😭

Napansin naman ni Chynna na nakatingin lang ako kay G.

"Oh Rhi, ayaw mo ba ng pagkain? Anong gusto mo ipagluluto kita." Tanong ni Chynna sakin sabay tayo.

"Ahh. . .ehh. . .no I'm okay Chynns. Mabilis lang din kase ako mabusog." Kamot ulong sagot ko sabay tingin ulit sa kinakain ko.

"Yon, may problema ba? Gusto mo pag-usapan natin?" Alalang tanong ni Kat.

"Ahh wala naman." Sagot ko nalang.

"Anyway, guys I want to invite you next week. I have a fight, 7PM. Be there okay?" Pagbabago ni G sa usapan.

"And you too." Gulat ako nung tumingin sya sakin at sinabi iyon. Di ko maintindihan ang nagyayare. Dapat galit sya. Dapat sinisigawan nya ko. Dapat kinamumuhian nya ko sa ginawa ko sa kanya pero hindi eh. Baliktad ang nangyayare. Mas gugustuhin ko pang magalit sya sakin kesa ganito na wala syang nararamdaman, na parang wala lang sa kanya, na parang wala lang ako sa kanya. 😔

Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam syang aalis at pupunta ng underground. Ayaw naman nyang magpasama kahit kanino, kahit kay Chynna kaya wala na kaming nagawa.

Pagkaalis ng pagkaalis ni G, nilapitan naman ako ni Chynna at Kat.

"Yon? Ayos ka lang?" Sabi ni Kat na halatang malungkot sa nangyayare. Huminga naman ako ng malalim bago nagsalita.

"Honestly Kat. . .I don't know. Di ko alam kung anong dapat kong maramdam. Di ko alam kung magiging masaya ako dahil kinakausap nya ko o malulungkot dahil kinakausap nya kong parang di nya ko kilala." Pag-amin ko sa kanya bago pinahid ang isang butil ng luhang tumulo sa kaliwang mata ko. Niyakap naman ako ni Kat at lumapit na din si Chynna.

"Sa totoo lang Rhi di ko din alam anong nangyayare eh. Bigla nalang nya ko tinawagan kanina. Gusto nya daw makipagbonding. Di ko alam na tinawagan din pala nya si Kat. Ang ipinagtataka ko pa eh pagbukas nya ng pinto, masayang masaya nya kong niyakap agad. Pero alam ko. . .alam kong may mali. May mali sa kanya. Di ko lang mapinpoint kung ano pero alam kong may hindi tama. Tapos diba kanina di nya ko pinasama sa underground. Alam nyo first time yun nangyare. Na sya pa mismo tumangging samahan ko sya. At ito pa! Ang laban nya next week! Ni hindi ko alam na may laban pala sya eh! Team kami pero hindi ko alam. Bestfriend nya ko aside from being the other half of the tandem pero ito malalaman nalang natin na lalaban syang mag-isa! Nakakainis lang na ewan! Kaya sang-ayon ako sayo Rhi na parang di na nya tayo pinapahalagahan." Magkahalong inis at lungkot na sabi ni Chynna.

Hindi talaga ako mapakali sa mga nangyayare kaya nung umalis si G ay sinundan ko ito ng palihim. Huminto sya sa isang hotel. Mag-iisang oras na pero nakaupo lang ito sa may reception area ng nasabing hotel. Aalis na sana ako ng may makita akong babaeng pumasok. Maputi ito, maganda, at may hubog ang katawan. Ewan ko kung bakit ko nararamdaman to pero kinukutuban ako ng di maganda. Kaya nagdesisyon akong pumasok. Palapit pa lang ako sa entrance ng hotel ng may makita akong dumurog sa puso ko. Parang gusto ko nalang bumalik at maglaho na parang bula. Sobrang sakit! Sobrang sakit na makita mong. . .nakikipaghalikan sa iba at sa harapan mo pa ang mahal mo. Nakita ako ni G pero ngumiti lang sya sakin. Nakita iyun ng babae kaya kumunot ang noo nito.

RASTRO: Connection After All [COMPLETED]Where stories live. Discover now