Chapter49

88.5K 2.3K 158
                                    

                                  Chapter 49
                                   Save Him

   Isang araw matapos ang aksidente. Mommy Christina decided na ilipat si Sebe sa Manila. Doon mas matutukan siya.

    Hindi ako nabahala doon. Sumama ako sa pribadong eroplano na pinagsakyan nang walang malay na katawan ni Sebe.

   His mom and dad was there.Hindi ako masyadong kinakausap ni mommy Christina.  I understand, If its not because of me wala sa ganitong sitwasyon ni  Seb.

   Tatanggapin ko, kasi kasalanan ko dahil hindi ako nag iisip. I let my pride eat me.

   Si daddy Raymundo naman ay sinisigurado na okay lang ako. Na healthy ang pagkain ko, though he remained so serious at the same time.

    Si Shawn naman ay binilin sa akin na susunod siya nang Manila. He is a brain surgeon. Sa US pa siya noon nag aral para lang doon. Kaya alam kong malaki ang maitutulong niya.

    Mabilis na lumipas ang isang linggo.
Nasa St. Lukes na si Sebe kumuha ang mama niya nang isang kuwarto na kompleto.

   Nasa 11th floor ’yon. Maaliwalas ,may ref ,may aircon,kumportable ang kanyang kama at sa gilid ay may malaking couch na minsan ay ako ang natutulog. Minsan ay ang mama ni Sebe.

   "Anak I think you should rest." Mama tapped my back. Nasa gilid ako ni Sebe ,hawak ang kamay niya.

    Hindi ako napapagod na bantayan siya. Gabi gabi akong umiiyak. Natatakot ako na baka hindi na siya magising. Natatakot akong posibleng magka amnesia siya.

   Umiling ako.

    Kakatapos ko lang kumain. Halos hindi na din ako dito lumalabas.

  "Okay lang ako dito Ma. Hindi ko siyang puwedeng iwan.." Mahina na sabi ko.

    ’Nong unang araw namin dito ay agad pumunta ang mga pinsan niya. I saw the angry and fear in their eyes. Wala sa kanila ang pumansin sa akin.
Kung sa pag iwan ko kay Sebe ay mapapatawad pa nila ako. Pero ngayon,sa sitwasyon ni Sebe ay hindi na nila ako pinansin.

    Nalaman ko din na sinamahan pala ni Radleigh si Sebe sa Iloilo para kunin ako.

   "Anak.. "

   Mama called and hugged me from the back.

   "Wag mo naman sanang pabayaan ang sarili mo ha? May anak ka sa sinapupunan mo. "

   I nodded without looking at her.

   "Kumakain naman ako ma. Umiinom ako nang vitamins."

   "Alam kong pagsubok lang ito anak. Marami kaming nagmamahal sayo. "

   Mom's hugged comforted me.

   Dumaan pa ang isang araw na halos lutang ako. Minsan nangangalay ang aking katawan. Minsan sumasakit, pero wala akong sinabihan ni isa sa kanila. Ayokong mabahala sila at hindi ako makakabantay kay Sebe.

   Pagpasok ko sa kuwarto ni Seb ay agad kong nakita ang mama niya na umiiyak sa kanyang tabi.

   Napakurap kurap ako.

   Tulad ko alam kong nasasaktan din siya lalo na ang anak niya ang nasa ganyang kalagayan.

    Araw araw akong nagsisisi. Nagiging matigas ako. Oo,nasaktan ako,nagalit at nasuklam. Gusto kong magsisi siya sa ginawa niya. But not in this fucking way. Hindi sa ganito. Sobra sobra na ito.

   "Mommy.."

   Agad niya akong tiningala at nakita ko ang sunod sunod na bagsak nang kanyang luha.Nangilid ang aking luha.Ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya halos tumagos iyon.

Sebastian Montemayor (The Possessive CEO)Where stories live. Discover now