Prologue

15.9K 263 10
                                    

"Pa, do I really have to go you with you? Pwede namang kayo kayo nalang nila kuya and besides wala naman akong interest sa business eh," I sulked.

"You keep sulking like a baby Danielle." Papa replied. "And yes, you have to. You're the only daughter, that's why you have to be known by many. We may never know baka magkaroon ka ng interest once you see them."

Napatulis ang nguso ko sa sinabi ni papa.

Wala naman talaga akong interest sa business na yan. All I wanted to do is stay at home, matulog, kumain, then magsurf sa internet saka may iba rin naman akong libangan like dancing. Kasama nga ako sa dance group ng school naming.

Nako naman talaga si papa. Hays.

"Saka alam mo ba Danielle? You look so great with that dress,"

Mas lalong nakunot ang noo ko. Sa totoo lang, hindi ko talaga gustong magsuot ng mga ganitong masyadong nakakababae. Mas gusto ko pang magsuot ng mga damit na tshirt at pants lang, mas komportable ako pag ganon.

Bakit pa ba kasi may ganito?

Maya maya pa ay biglang dumating si Kuya Stephen, the middle child, with kuya Erin, the eldest. Kuya Stephen look so great with his maroon tuxedo tapos sinabayan pa nya ng waxed hair nya.

Syempre ganon din kay kuya Erin na kulay beige naman ang tuxedo.

"Are you ready? Aalis na tayo," Papa asked before tapping the shoulders of my kuyas.

Masaya namang tumango ang mga kapatid ko, especially kuya Erin, the one who has the great interest when it comes to business.

Sabi nya sakin nung mga bata pa kami ay gustong gusto nyang sumunod sa yapak ni papa na sinuportahan naman naming dalawa ni kuya Stephen.

Hindi ko lang talaga alam kung bakit parang pinagpipilitan parin ako ni papa sa ganitong bagay, eh andito naman si kuya Erin.

Currently, we're at the car at nasa biyahe na papuntang venue kung saan gaganapin ang sinasabi ni papa na business party.

Masaya naman kami, I don't feel any awkwardness towards them. Also, my papa is a good man. He's not like the other men na nawawalan na ng time sa family dahil sa work. In fact, papa knows me very well.

He knows that I'm not straight. I'm into girls pero may previous relationships naman ako with boys.

It's just that, I like girls more than boys. Lol.

Habang nasa biyahe, maingay sila papa and my brothers. May mga pinag-uusapan silang hindi ko masyadong nagegets dahil kagaya nga ng sinabi ko, wala akong interes sa mga kagustuhan nila.

Kung nagstay pa ako sa bahay baka madami na akong nakachat na ibang babae.

Just kidding.

At dahil nga mukhang malayo layo pa ang biyahe papunta sa destination namin, naisip ko munang matulog sa biyahe para narin makapag-ipon ng energy.

Baka sakaling may makita akong chix doon sa party.

Just kidding again.

"Danielle..."

Napadilat ako nang makaramdam ng isang mahinang pag-alog sa katawan ko. It's kuya Erin.

"We're here," He smiled.

Tumango naman saka tumingin sa salamin bago lumabas ng sasakyan, medyo nahirapan pa akong ayusin ang dress na pinasuot sa akin ni papa kasi medyo lutang pa ako.

Buti nalang inalalayan ako nila kuya sa pagpasok sa event hall.

Pagpasok palang namin doon, halatang halata na kaagad ang dami ng tao, yung iba pa nagtitinginan sa amin. Wala nang bago sa pagiging ganito ng mga tao, halos sanay na rin ako sa school palang eh.

Book 1: Into You (Under Major Revision)Where stories live. Discover now