Chapter 7

2.9K 77 1
                                    

Danielle Alejandro

"Ano ba naman yan Danielle?!" Papa exclaimed.

"What?" I asked. Andito ako ngayon sa kwarto ko sa bahay nya, lumipat na talaga ako ng bahay, nakabukod na ako pero dito ako natulog kagabi dahil naabutan ako ng ulan tapos coding ang sasakyan ko that's why.

"Ang kalat kalat ng kwarto mo tapos di ka natulog sa kama?" I looked around and see oo nga hindi ako sa kama nakatulog dahil sa dami kong ginagawa .

"Nabusy ako sa business ko eh sorry " I answered habang kinukuskos ang mata.

"Bilisan mo na, ang tanda mo na Danielle tapos ang kalat mo paring babae, morning ang sched mo ngayon malelate ka na. Anak ka ng may-ari pero late ka? Be a good model naman." Nahimasmasan ako sa sinabi ni papa.

"Anong oras na pala?" I asked

"7:15 na 7:30 ang class mo diba? My ghad Danielle," he said letting out his disappointment sa pagbalibag ng pinto ko pagsara nya.

Wala naman akong ginawa kundi magchill nalang.

Ako kasi yung kind ng taong pag-alam kong late na ako chill nalang ako di na kailangang magmadali kasi late na talaga ako. Nonsense lang.

I looked at my schedule and found out that our teacher for today is Professor Jean so I called her,

:Ma'am malelate po ako for today can you delay your call for about 10 minutes? Hahabol ako promise.

:Sure basta bilisan mo lang ah? Buti nalang may gagawin pa akong iba.

Call ended.

Naligo kaagad ako and wear a white polo and blue pants. Sinuot ko din yung bagong white sneakers na binili ko lang kahapon nung napadaan ako sa shoe market.

I took my breakfast "Danielle, anak, gusto mo ba ng milk?" Nanay Deb asked.

"Oh, no need na nay. Magdrink nalang ako ng coffee. Nagmamadali na kasi ako eh,"

"Ay ganun ba? Oh sya sige ipagtitimpla kita,"

"Hindi na po nay, ako nalang magtitimpla doon sa school,"

"Sige, anak. Dalian mo na para hindi ka malate," sabi nya, ngumiti lang naman ako sa kanya. Napapansin ko nang tumatanda na si nanay Deb pero ang sipag at maasikaso parin sya sa akin.

After brushing my teeth, umalis na ako napilitan akong magcommute dahil iniwan ko ang sasakyan ko sa condo. Pag dinaanan ko pa yun di na ako aabot ng 10 minutes. Buti nalang mabilis magpatakbo ang tricycle na sinakyan ko kaya 5 minutes palang ang nakakalipas nasa university na ako.

"Grabe Danielle? Ang cheap?" Sabi ni Jamie sa akin pagpasok ko ng gate.

"What?" I asked

"Ang sosyal ng itsura mo tapos tricycle? Really?"

"Ganun talaga, coding kasi sasakyan ko kahapon kaya iniwan ko na sa bahay"

"Ay oo nga pala,"

"Pero Jam, pwede pahiram ako sasakyan mo mamaya? Pupunta lang ako sa café," I said.

"Sure basta ibalik mo lang ng maayos yan ha,"

"Ako pa ba, ikaw lang naman kaskasera satig tatlo." Hinampas ko ang balikat nya ng medyo malakas at saka humiwalay sa kanya papunta sa room na gagamitin ngayon.

Every Tuesday and Thursday talaga ito ang room na gagamitin namin. Nakasalubong ko pa si Ma'am Jean na kakalabas lang galing ng cr.

"Hala tapos na ba ang 10 minutes?"

Book 1: Into You (Under Major Revision)Where stories live. Discover now