Chapter 23

1.8K 42 0
                                    

Danielle's POV

"Althea bakit di mo ako masyadong kinakausap? May sinabi sayo siguro yun si Ken sinasabi ko na nga ba finefake nya ang sorry nya para mapalapit sya sayo eh" sabi ko sa kanya, since kasi pagbalik nya sa room after ng lunch, ang blanko na ng mukha nya, pagkinakausap ko sya wala syang sagot kahit din naman sa iba naming kablock ganun sa makipag-usap

"hayaan mo nalang muna sya, Danielle" sabi sa akin ni Samantha at tumango nalang naman ako

"guys may meeting ang mga teachers kaya walang klase" sabi ng isa naming kasama sa room, naghiyawan naman ang mga classmates namin. Dahil wala ngang klase naisipan ko munang pumunta sa library kasama sila Raylee at Jamie

"Bakit parang ang tahimik mo Danielle?" bulong ni Jamie at umiling lang ako, binatukan naman sya ni Raylee

"Kita mong nasa library tayo syempre tahimik talaga dapat" sabi nito saka napatango nalang sabay peace sign.

Tahimik ako hindi dahil nasa library kami dahil nasa isip ko si Althea na sobrang cold, bakit kaya sya biglang naging ganun?

Lumabas ako ng library hindi nalang ako hinabol ni Jamie dahil pinigilan sya ni Raylee, sya talaga yung taong kahit di ko sabihin ang problema ko alam nya na may pinagdadaanan ako.

Pagkalabas ko sa library pumunta ako sa marine building at hinanap si Ken, sakto namang naglalakad sya kasama ang apat nyang ugok na kasama, "Nyel anong ginagawa mo dito?" tanong nya sakin

"We need to talk." I said, pinaghahampas naman sya ng mga kasama nya

"Oy mag-uusap daw kayo sabi ni Danielle, yiee." pang-aasar ng kasama nya pero sinamaan ko lang sila ng tingin kaya nanahimik sila.

Tumalikod na ako at naglakad palayo nang biglang humabol si Ken kaya nag-usap kami sa garden.

"Danielle bakit?" tanong nya sakin dahil kanina pa blanko ang expression ko.

"Anong sinabi mo kay Althea? Bakit ganun na yun? Siniraan mo na naman siguro ako kagaya ng ginawa mo kay Amira noh?" Tanong ko sa kanya at napasimangot naman sya.

"What? No." He answered nung bigla syang nagtakip ng bibig nya at parang nagulat, minsan talaga toh si Ken parang may pagkabakla eh. "Danielle may nasabi ako sa kanya pero hindi kita sinisiraan, sinipa nga ako nun eh look, may pasa ko," sabi nya at pinakita ang pasa nya sa bandang paa.

Umirap lang naman ako sa kanya, di ko alam kung paniniwalaan ko bang tong gagong toh o hindi eh

"Nyel, wag ka namang ganyan sa akin basta ako sincere talaga ng sorry ko, sinabi ko kay Althea ang buong kwento mas magandang sa kanya mo malaman ang magkaayos kayo dahil magpag-uusapan nyo agad. Alam ko namang di ka susuko kay Althea eh," sabi nya sabay hampas ng mahina sa braso ko.

"Siguraduhin mo lang kung hindi di talaga ako makikipag-ayos sayo," I said then left him there.

Naglakad na ako pabalik sa room nung nakita kong wala na si Althea.

"Nasan sya?" I asked Andrew, sya nalang kasi ang natitirang tao dun, naglilinis

"Umalis na sya kanina pa may tumawag kasi sa kanya eh magkasama sila ni Samantha."

"Ganun ba? Sige salamat." sabi ko sabay kuha ng bag ko at palabas na sana ako ng room nung bigla nya akong tinawag.

"Thank you sa time mong makipag-usap sa akin kagabi," he said at tumango lang naman ako medyo naawkwardan ako dahil parang nagniningning ang mga mata nya pero may balibalita na bakla daw toh si Andrew kaya imposibleng magkagusto sa akin.

Paglabas ko sa room nasalubong ko kaagad si Raylee, "pauwi ka na Danielle?" she asked me

"No, hahanapin ko pa si Althea," sagot ko at napatango naman sya.

Book 1: Into You (Under Major Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon