Epilogue

5.2K 80 7
                                    

Danielle's POV

"Danielle, gising na" pag-alog sa akin ni nanay Deb

"Ayokong pumasok ano ba naman yaaaan"

"Last day nyo na saka ka pa tinamad" sabi nya sa akin

"Nanay naman eh, palagi naman akong tinatamad pumasok"

"Aba'y pumasok ka dyan, hindi pwedeng tamarin tapos pupunta tayo mamaya sa bahay mo, maglilinis tayo doon sabi ng mga pinsan mo ang dumi ng bahay puro alikabok tapos yung mga pagkain mo sa ref nabulok nalang lahat"

"Ibenta na natin yun nay" sabi ko habang nakahiga parin

"Ano ka ba Danielle" sabi ni nanay habang pinapalo ako sa pwet, mabilis naman akong napatayo dahil masakit

"Araaay."

"Hindi porket wala na sya magpapakagago ka na naman, tatlong buwan na Danielle bangon din pag may time."

Ayokong magpapakagago ka na naman pag nawala ako

Napatingala ako sa kisame, kailangang kong pigilan ang mga luha ko na tutulo.

"Hindi madaling kalimutan yun nay, you don't know how much I love her that I can sacrifice my life just for her," I cried, hindi ko nagawang pigilan "ako kasi dapat yung namatay. Ako!" I shouted.

"Danielle..."

"Labas ka muna nay, susunod nalang po ako" sabi ko sa kanya at sumunod naman sya, pumasok na ako sa cr at nagbabad sa shower habang umiiyak

"Wala na si Althea, she's dead" Tuluyan nang tumulo ang luha ko nung sinabi sa akin ni papa yun

"No..." sabi ko "nagjojoke ka lang pa diba? Di magandang joke yan. Masamang words yan magagalit sayo si Althea sige ka. Pa... buhay pa sya diba?"

"Danielle..."

"Buhay pa si Althea!" I shouted, nagwala ako sa hospital, wala akong pake kung gaano kadami ang taong titingin sa akin, gaano kadami ang magvivideo sa akin. Ganyan naman sila diba? Puro social media nalang then judgements without knowing how much pain peoples feels in that situation.

"Kailangan mo na syang ipadala sa psychiatric hospital nang sa ganun she'll learn how to cope with her problem. Depression na yan at her young age di pa nya ganun kaalam kung paano ang pagcope up sa ganun" narinig ko ang doctor na kausap ni papa habang nakahiga ako dito sa kama ko sa bahay ko.

Ano pang sense na macocope up ko yung problema ko, maalala ko parin naman si Althea.

Dapat kasi ako yun, ako...

"Yes bakasyon na!" sigaw ng mga kablockmates ko, sumalumbaba lang naman ako at tinakpan ang mukha para hindi nila makita ang luha ko.

"Hala umiiyak na naman sya," sabi ni Samantha, tinakpan ko na nga nakita parin nya.

"Danielle, punta tayo sa bar ni Jamie inom tayo?" Tanong ni Andrew.

"Grabe ka naman ang panget ng suggestion mo," palo ni Samantha sa kanya

"Edi inom nalang tayo ng milk" umirap nalang si Samantha

"Danielle sabihin mo bakit ka umiiyak" sabi nya sa akin

"Di ko na kasi alam kung saan ako lulugar eh, kahit saan ako magpunta sya ang naalala ko, hindi na ako bumalik sa bahay ko pero andoon parin ang memories nya, di na ako bumili ng sasakyan dahil natatakot na ako pero andoon parin ang memories nya. Dapat kasi ako yun, ako" I answered

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 15, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Book 1: Into You (Under Major Revision)Where stories live. Discover now