Chapter 4

4.2K 96 16
                                    

Danielle's POV

"Oo nga, totoo yun." I smiled at her pero sumangot sya lalo.

"Ako, wag mo akong linoloko ha," She said sabay diin ng sugat ko habang ginagamot nya.

"Araaaaay!" I screamed in pain, "Homophobic ka ba? Basta totoo yun kung ayaw mong maniwala edi wag di kita pinipilit," Natatawang sabi ko sa kanya.

"Sige nga patunayan mo,"

"Pano ko papatunayan?"

"Ikaw bahala."

"Halikan kaya kita?" Sagot ko sa kanya at bigla nalang nya akong hinampas ng telang hawak nya.

"Bastos ka, wala pa nga akong first kiss!" She shouted and napatigil nalang ako na ipinagtaka nya.

"Wala ka pang first kiss?"

"Oo bakit? Ikaw meron ka na? Yuck."

"W-wala pa noh! Sira ka ba?!" Sagot ko sa kanya at tinawanan sya. Althea if you only know that I'm your first kiss dahil ikaw ang nagnakaw nun hindi ako.

"Mukhang nagkakamabutihan na kayo ha?" Narinig ko ang boses ni kuya Stephen kaya napatayo ako.

"Yes, I never expected na makulit pala toh si Althea" I answered and looked at her, she rolled her eyes pero ngumiti parin after nun.

"That's great. Althea, manonood tayo ng competition nila Danielle bukas support mo sya ah," sabi ni kuya na matamis na ngumiti kay Althea sabay alis. Problema nun?

"Anong competition mo? Makikipagbugbugan ka?"

"Wow ano tingin mo sa akin boxer?"

"Anong boxer? Yung sinusuot ng mga lalake?" Mapang-asar na tanong nya sa akin.

"Kainis ka Althea!" I exclaimed that made her laugh so hard. Natuwa naman ako after hearing her laugh, ang gaan lang sa feeling, parang hindi ako magsasawang marinig ang mga tawa nya kapag kasama ko sya.


"Danielle?"

"Hmm?"

"Naiinlove ka na ba?" Tanong sa akin ni Jamie habang nakatingin sa akin na pinasingkit ang mga mata nya. Malapit din ang mukha nya sa akin kaya lumayo ako.

"What's your problem? Bigla mo nalang ako tatanungin ng ganyan?" I asked.

"Eh kasi kanina mo pa binabanggit si Althea, eh diba nga sa Manila lang kayo nagkakilala,"

"No. Andito sya, hindi nyo lang nakita nung time na nagpunta kayo sa bahay since tulog pa sya nun." Napatango naman ang dalawa na parang mga detectives na nagiinvestigate ng isang case.

"So ano na ang diagnosis natin sa babaeng toh, Rayl?" Jamie asked napasimangot naman ako sa kanilang dalawa.

"Diagnosis... she slowly forgetting Amira and starting to fall in love with Althea."

"Inlove agad?" I asked.

"So ano pala?" Jamie asked "crush? Gusto?"

"Just shut your mouth Jamie... please." I said as I covered her mouth. Napatango naman sya sabay punas ng bibig nya.

"Ang alat," Natatawang sabi nya sa akin. I rolled my eyes on her.

But what if, yung mga sinabi nila Jamie at Raylee ay totoo. What if I'm falling in love with Althea now or kahit hindi pa fall in love pero crush or gusto ko na sya? Ganun na ba ako kabilis mafall ngayon?

I can't think straight parang paligoy ligoy and isip ko but every time Althea will pop up on my head, my heart was just like it's about to explode.

"Bakit hindi mo muna isipin ng maayos Danielle?" I heard Raylee's voice from the back. Andito kasi ako sa balcony ng hotel na pinagstayan nilang dalawa.

Book 1: Into You (Under Major Revision)Where stories live. Discover now